➳ 11

307 20 22
                                    

                                                               ➳Chapter 11

▌ KATE'S POV ▌ 

“Good morning senyorita! Gising na!” napansin kong may maingay na nilalang sa loob ng kwarto ko. Nakakainis. Ang ganda pa ng panaginip ko e. Tapos, ang sarap pa ng tulog ko. Bahala ‘yang nilalang na ‘yan. Ayoko pang bumangon. Nakakatamad.

“Kaaaaaaaate! Gising naaaaaaaaa!” aniya ulit. Ano ba. Inaantok pa ako e.

“Pagod ako, ano ba.” sabi ko sabay takip ng mukha ko. Bwiset. Kita nang natutulog pa ang tao.

“Kate! Gumising ka na nga! Putakte naman e! Ayaw mo? Edi ‘wag!”

“Bwiset.” bulong ko sa sarili ko. Sabi nang pagod ako. Ayoko pang bumangon. Kaasar naman ‘tong kutong lupa na ‘to. Psh.

“Putang’na mo!”

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay agad kong binuksan ang mga mata ko. Siraulo talaga ‘to e. Nakukuha pang magmura sa akin. “ANO!?”

“Wala! Buti’t gising ka na. Bangon na bilis!” aniya Alec. Ano ‘to? Inuutos utusan niya ako ngayon? Shet lang talaga. Nakabusangot tuloy mukha ko ngayon habang nakahiga pa. Nakatingin parin siya sa akin.

“Putakte naman Kate o! Sabi kooo—“

“Ano ka ba Alec ha!? ‘Wag mong dalhin ang pagiging mainitin ng ulo mo dito sa bahay ko!” bumangon na talaga ako. Naiinis na ako sa kanya e. Agad naman akong lumabas ng kwarto. Bahala siya sa buhay niya. Istorbo talaga ‘to sa buhay ko ang lalakeng ‘to. Naiinis na talaga ako sa kanya.

“Sorry.” sabi niya. Liningon ko naman siya agad.

“O, himala ata? Ikaw pa na unang gumising?”

“Syempre.”

“O, anong meron?” nakataas pa talaga ang isa kong kilay nang sinabi ko ‘yan. Sira na araw e. Sisirain pa ng isang ‘to. Ang hirap kapag gaya niya ang kasama mo sa bahay. Parang walang katahimikan.

Napangiti naman siya at sumagot. “Nagluto na ako ng agahan mo, senyorita.”

“Ano bang niluto mo ha?”

“Nagprito ako ng isda.”

“Aba, marunong ka palang magprito ng isda?” ano daw? Isda? Himala ata? Hahahaha. Marunong pala ‘tong magluto ng isda?

“Syempre, sa gwapo kong ‘to! Pwede na akong maging asawa noh.”

“Heh, baliw.” inirapan ko lang siya. Nakukuha pa talagang magbiro sa akin. Pero, napangiti ako dun ha. Pwede na daw siyang maging asawa? Hahahaha. Nakakatawa lang. Anong klaseng asawa kaya siya? Panigurado e, kawawa mapapangasawa niya.

“Sige ha, lalabhan ko na muna ‘yung mga damit mo dun senyorita.” umalis siya at tumungo ulit sa kwarto ko. Sinundan ko agad siya.

“Ooooooooy Alec! ‘Wag mo ‘yang galawin kundi itatapon talaga kita pabalik dun sa inyo!” pasigaw kong banta sa kanya. Nakakainis lang. Alam kong hindi ‘to marunong maglaba noh. At hinding hindi ko siya pinagkakatiwalaan na labhan ang mga damit ko.

“Bakit? Katulong mo ‘ko diba?” sagot niya.

“Oo.” sagot ko sabay tango.

“Edi, lalabhan ko ‘yung damit mo.” aniya pa sabay ngiti. Akala niya siguro mapapayag niya ako sa isang ngiti niya. Hindi noh!

Love Contract ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon