➳ 15

248 14 16
                                    

                                                               ➳Chapter 15

▌KATE’S POV

*Beep* *Beep*

Kanina pa ako naglalakad ngunit napansin kong kanina pa rin may sumusunod sa akin na kotse. Kanina pa rin ito busina ng busina. Hindi ko naman kilala kung kanino ang kotse na ito kaya binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Baka kung anong klaseng driver pa ang nasa loob nito.

“Kate! Hey, wait!” lumingon ako sa kotse nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Hindi kaya kay—

“ALEX?!” muntikan ko na ring malaglag ang hawak hawak kong mga supot, kakabili ko lang ng noodles galing sa tindahan para magluto ng tanghalian. Pero, ano bang ginagawa ni Alex dito? Shet, nagsisimula na namang bumilis ng tibok ang puso ko. Ahhh.

Huminto ang sasakyan  at agad siyang lumabas at nilapitan ako. Hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso. Naiilang na ako sa kanya, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nung isang araw. Kasalanan ko ‘yon lahat e. Kasalanan ko kung bakit nag away na naman sila ni Alec. Ugh.  Kainis.

“Kate, look. I need you—“

“Alex, tama na.” pagsasapaw ko sa sinabi niya. May kailangan siya ulit? Ayoko na e, sawa na ako. Ayoko nang pumasok ng gulo, mas maganda palang magkaka utang utang na lang ako kesa sa may pera nga ako pero ako naman ang nagsisimula ng gulo.

Hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako dito. “Kate, makinig ka naman..” aniya pa.

Naiilang kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Tinignan ko siya sa mga mata. “Oo, makikinig ako. Sorry kung mataray ako ha, alam ko namang wala akong karapatan kasi sobra sobra na ang nagawa kong kasalanan Alex.”

“Kate, listen..” mas nagulat ako nang hawakan niya na ang dalawa kong kamay.

“Ano?” pagpeke ko ng ngiti. Ahh. Bakit ba nanginginig na ako ngayon? Alex, bakit mo ba ako nagagawang pakabahin ng sobra sobra? Grabe na ito.

“Kate, about the contract.” bigla na lang huminto ang mundo ko nang marinig ko iyon. May atraso pa pala ako sa kanya. Tungkol siguro sa kontrata ang ipinunta niya dito.

“’Wag kang mag alala Alex, babayaran kita. Hindi ko na matatanggap ‘yung pera. Ibabalik ko na lang ‘yon sa’yo kasi ang laki ng kasalanan ko.”

“Kate, no. Hindi mo ‘yon ibabalik okay? Matatapos na rin ang dalawang linggo diba?”

“Ah—oo, ta- patapos na nga… pala.” napayuko ako nang maalala kong ngayon na pala ang pinaka huling araw sa dalawang lnggo na sinasabi ko. Grabe, ang bilis lang noh? Pero kung noon, gustong gusto kong matapos na ang dalawang linggo na iyon, bakit ngayon, nakakaramdam na ako ng panghihinayang? Parang ayaw ko nang matapos ang pagpapanggap namin. Pero alam kong mali ‘yon kaya tama na rin siguro na tapusin na namin ang kalokohang ito.

“This will be my last day of being your boyfriend and you too as my girlfriend.”

“Oo nga e, paano ba ‘yan? Bye bye na. Hehehe.” pagpeke ko ng ngiti sabay yuko.

“Bye bye?” nalito ata siya nang sinabi ko ‘yon. Aalis na sana ako matapos kong magpaalam sa kanya pero parang may hinihintay ako galing sa kanya. Ewan ko lang din sa sarili ko, hindi ko na naiintindihan ito. Parang gusto kong pigilan niya ako, pero hindi dapat.

Napakamot ako ng ulo bago nagsalita. “Oo, bye na diba? Bye. Hehehe. Sige ha, salamat na lang. See you, kung magkikita pa tayo.” tinalikuran ko na siya at agad na naglakad ng diretso. Bahala na, ayoko nang manatili pa.. parang mas ayoko kasing magpaalam sa kanya kung matatagalan pa ang pag uusap namin.

Love Contract ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon