Christal's POV
I woke up early today. Paggising ko, tinignan ko si Ailey na mahimbing pang natutulog. I got up and prepared myself. After taking a bath, sinuot ko na yung damit ko na nasa bag ko. I prepared everything I needed para pagkagaling dito, diretso na lang kami ni Ailey sa school. We have to be there early dahil sa major subject namin ang unang class na kailangan naming pasukan.
Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko, I went to Ailey's bed para gisingin na sya. Tinapik-tapik ko yung pisngi nya. Ang-cute talaga nitong bestfriend ko! I have to say it in thoughts dahil kapag sinabi ko sakanya, eh baka lumaki lang ulo nito.
After a million of mild taps on her cheek, nagising din sya. Akala ko kailangan ko nang iwan 'to eh.
"Tapos ka na?," she asked me with a yawn.
"Opo, obvious po ba masyado?," I answered na may kasama pang konting irap.
"Ah eh hindi naman. Akala ko nga matutulog ka pa lang eh!," pabiro nyang sinabi sa'kin. Nakanguso pa ang bata na 'to. Ang immature nya talaga, though matalino sya para parin syang bata madalas.
Napakapilosopo din nito minsan eh. Sa susunod magdadala na ako ng lubid dito sa kanila para maitali ko yung nguso nya.
"Teka anong oras na ba bakit ang-aga mo naman gumayak?"
"Alas-11 na yata?," I said sarcastically.
Nagulat naman sya kaya halos masira yung kama nung lumundag sya at nagpunta sa banyo para maligo. Para talagang ewan 'to.
After she's done doing her usual routine sa pag-aayos, we went downstairs at nakita kami ni tita Monica na mommy ni Ailey.
"Oh nakahanda na pala kayo, tara na sa kusina. Malapit nang matapos si Manang Iska sa pagluluto," she said gently.
Napakalumanay talaga ng mommy ni Ailey. The total opposite of my mom na napaka-hyper! But I miss her na kahit ganun yun. Para lang kaming magkapatid ni mommy sa level ng closeness.
"Sa school na lang po kami kakain mommy para hindi po kami ma-late ni CJ," sagot ni Ailey kay Tita Monica.
"Baka naman may inaabangan ka lang sa school ha. Naku lagot ka sa'kin kapag nagkataon. Kakalbuhin kita!," pabiro na sabi ni tita kay Ailey. Open naman si Ailey sa lovelife nya. Kung paanong close na close kami ni mommy, triple the closeness when it comes to Ailey and her mom. Nakakainggit tuloy.
"CJ just tell me whenever Ailey got a boyfriend okay?," sabi ni tita sa'kin na may kasama pang kindat.
"Opo tita, expect my loyalty," sagot ko sakanya.
"Boyfriend agad? Ang-OA nyo naman dalawa," paasar na sabi ni Ailey.
Tumawa na lang kami ni tita Monica sa reaksyon niya. Parang matanda kung magsalita, super immature naman nya madalas.
Hinatid kami ni Kuya Robert sa school. Yung driver nila Ailey. Mabuti na lang at wala pang traffic dahil maaga talaga kami.
As we enter the campus, napakatahimik pa ng lugar. Konti pa lang ang mga estudyante. Pumunta kami ni Ailey sa cafeteria to have our breakfast.
"Ililibre mo ba ako ngayon?," pa-cute kong tinanong sakanya.
"Of course not! You have your own allowance then why are you asking me such question?"
Ansungit nya ha. Pero in-fairness bagay din pala kay Ailey ang character ng pagiging masungit. Bumabagay sa singkit nyang mga mata.
"Ito naman ansungit," sabi ko pero 'di sya sumagot.
Dumiretso lang sya para kumuha ng makakain. And I followed her. Nainis nga talaga yata kanina samin ng mommy nya? Hahaha pero di bale huhupa din yan.
"Uy di mo talaga ako ililibre?"
"Buni ka ba?," pikon nyang sabi.
"Hindi, baka hadhad?"
Tatawa na sana sya, I could sense it. Pero pinigilan nya.
"Whatever, loyal," she said quietly.
Ang-cute nya talaga. Minsan nga para na akong natutomboy eh. In-a-admire ko sya hahaha. Pero di bale mas maganda naman ako.
Um-order na rin ako ng makakain ko. Heavy meal ang kinuha ko dahil pakiramdam ko, I badly need it. Lalo na ngayon at first class pa lang, pressure na. Mahirap kaya kabisaduhin yung meaning ng sole proprietorship, partnership at corporation. Nag-aral naman kami ni Ailey kagabi pagkatapos namin manuod ng movies. Nakalimutan ko lang banggitin sayo kasi baka nag-rereview ka din. Nakakahiya naman.
Oh di ayun nga, naupo kami dun sa may bandang dulo. Tahimik lang sya na kumain 'di gaya ng dati na akala mong bata sa pagkain. Kumikilos na sya na parang dalaga! Oh hindi ako sanay grabe. Baka naman dahil sa lagi kong pagsabi na immature sya? No, galit lang yan kaya ganyan.
Nakakaloka para akong baliw dito kakaisip ng kung anu-ano. We quickly finished our food then we headed to our assigned room. Iisa pa lang ang estudyante sa loob ng room nung dumating kami. Teka mali ba kami ng napasukan? 'Di pamilyar ang isang 'to ha. Then I suddenly realized, 'sya yung lalaking natapakan ako na tinapakan ko din ha? ('di ko talaga sya sinadyang tapakan, it just happened na ganun lang ang nangyari. ^_^).
Nakadukdok sya nun pero nakilala ko pa rin. At 'di na nakapagtataka kung di nya kami napansin. May nakasaksak kasing earphone sa tenga nya. 'Di ko na sya nilapitan para tanungin o batiin, baka isipin pang feeler ako na close kami. Kahit naman na may nangyari samin (uy 'wag ka, sa tapakan thing lang yun) eh pinili ko na lang na manahimik.
Unti-unti na kaming dumadami sa room. Itong si Ailey eh may sumpong pa din. Couple of minutes passed by, dumating yung professor namin. Si Mr. Glenn Arcilla. Matanda lang sya samin ng ilang taon since kelan lang sya gumraduate at kapapasa pa lang nya sa board exam. Ampogi talaga ni sir. Mukhang gaganahan ako sa pag-aaral nito. Sana sya na lang ang prof namin sa lahat ng subject.
"Good morning class, before we start the discussion for today, I would like you to meet your new classmate," sabi ni sir sa amin.
Napalingon naman kami kay guy since alam naman namin na sya yung tinutukoy ni Sir Glenn. I prefer to call him by name than in surname. Feel ko lang.
"Okay Mr.Newhere, come in front and kindly introduce yourself," sabi ni sir Glenn sakanya.
Aha, Newhere pala ang aplido nya ha. Medyo okay na. Lakas makabanyaga.
"Hi. Good morning everyone. I'm Trevor Jacob Simons. Please to meet you all," pakilala nya samin. Namumula sya at halata yun dahil maputi sya.
Akala ko ba Mr.Newhere? Saka ko palang napagtanto na ang sinabi ni sir ay new here kasi bago sya. Hay TANGA lang? Minsan ang-slow ko. Pero tunog banyaga pa rin ha.
"Okay class, kapapasok lang nya dahil madami pa syang inayos na papeles for his staying here. You may now sit Mr. Simons," sabi ni Sir Glenn.
Bumalik na sya sa upuan nya. Nagdiscuss lang nang nagdiscuss ang prof namin pero walang pumapasok sa utak ko. Ang iniisip ko lang, si Mr. Newhere, my new classmate.