Chapter VII | The Abduction

7 1 1
                                    

Kinabukasan, cancelled ang pasok dahil may urgent meeting daw. Habang naglalakad ako palabas na ng campus, may lumapit saakin na lalaking nakaitim at nakashades.

"Nasaamin ang kaibigan mo. Sumama ka samin kung gusto mo pa syang makita," sabi nya.

Si Ailey? Kaya pala hindi sya umuwi sa bahay. Kaya pala hindi sya sumasagot sa texts at mga tawag. Kumusta na kaya sya? Ano ang gagawin ko? Hindi ako pwedeng sumigaw at humingi ng tulong baka kung ano ang gawin nila sakanya. Isang maling hakbang lang, manganganib ang buhay ng bestfriend ko. Hindi ko na alam ang gagawin kaya naman sumama na lang ako, no choice saka nalang ako gagawa ng paraan.

"Nasaan si Ailey? Gusto ko syang makausap!," sigaw ko.

Dahil sa taranta, may tinawagan yung isang nakaitim. Dalawa lang sila at yung isa, nagmamaneho. Iniabot nya ang phone.

"Hello Ailey?"

"Hello CJ. Nahihirapan na ako. 'Di ko na kaya."

"Huwag ka mag-alala darating na ako diyan."

Kinuha na nya yung phone.

"Walang-hiya kayo ano'ng ginawa nyo sa kaibigan ko? Ano ang ginawa nyo kay Ailey!," sigaw ko sa dalawang nakaitim.

Hindi sila sumagot. Nakarating kami sa isang resort. Resort? Mauutak ang mga taong ito. Para hindi sila madaling matunton, dito pa talaga nila nagawang itago si Ailey ha!

Pagdating ko doon, pinapunta ako sa isang garden tapos umalis na yung mga naka-itim. Natuwa ako nung makita ko si Ailey. Niyakap nya ako nang mahigpit. Maayos naman ang hitsura nya. Para pa ngang nag-ayos talaga eh.

"Kumusta ka na? Balita ko hinimatay ka," tanong nya.

"Ha paano m....," di ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang takpan ni Ailey ng index finger nya yung nguso ko.

"Sshhh," sabi lang nya.

Inakay nya ako sa isang part ng resort. Maganda dun at parang private place ang dating. Maraming puno at may parang isang lagoon. Paano nya nagagawang magpagala-gala ng ganito sa lugar na 'to kung dinakip sya? Meron palang mababait na kidnapper? Namangha ako sa lugar. Napunta kami ni Ailey sa isang part na may mga decoration. Maraming bulaklak at may mga petals pa ng roses na iba't-iba ang kulay; may white, pink and red. Sa gitna ng lugar, may isang maliit lang na structure. Walang harang o anuman pero elegante ang pagkakagawa. 'Siguro may nagpropose dito Ailey ano?' Maganda yung lugar at pinag-gastusan talaga. Nung hindi sya sumasagot sa mga sinasabi ko, tumalikod ako at tumingin-tingin sa paligid at hindi ko na nakita si Ailey. Nasaan na kaya yun? Kinakabahan na naman ako ng sobra.

Hindi kaya totoo yung sinabi nung mga kidnapper na makikita ko sya for the last time? Hindi pwede. Bakit hindi sila humingi na lang ng ransom? Baka naman ibebenta ang mga organs nya sa black market? O 'di kaya ay ibenta sya sa mga dayuhan para gawing sex slave? Maganda pa naman si Ailey ko :( tapos ako na yung isusunod? My God, 'wag naman sana. Ransom nalang please.

"Wag ka nang mag-alala miss. Okay lang ang kaibigan mo," rinig ko mula sa isang boses ng lalaki na hindi ko naman nakikita.

Umiiyak na ako nun at hindi ko mapigilan na kabahan. Ano ba talaga ang balak ng mga ito samin? Hindi ko alam. Naguguluhan na talaga ako.

"Ano ba kailangan nyo samin bakit kami nandito? Kung pera, magbibigay na lang kami," tanong ko sakanya na mas lalong lumakas ang pag-iyak.

"Marami akong pera," sagot nung boses.

"Eh ano ang kailangan mo?," muli kong tanong sakanya.

"Ikaw."

Biglang may tumugtog na music. Tugtog lang talaga. Walang lyrics na maririnig pero alam ko kung anong kanta. Hindi ako nagkakamali dahil isa yun sa mga paborito ko.

🎼🎵🎶🇲🇦🇾🇧🇪 🇮🇹'🇸 🇾🇴🇺🎵🎶

Nakita ko si Brian na lumabas mula dun sa likod ng structure. Lumapit sya sa'kin at inabot yung kamay nya na para bang nagpapaaam na kung pwede bang hawakan yung mga kamay ko. Nilagay ko naman yung kamay ko sa ibabaw nung palad nya. He gently closed his eyes taking care of mine. We made our way through the center of the structure. 'Di ko napansin kanina na wala may mga nakahanda pala sa lamesa sa gitnan nun. 'Di naman kasi ako pumasok at medyo hindi halata kapag nasa labas although open naman sya.

Hinatak nya yung upuan at pinaupo ako dun. Ano kaya ang ginagawa nito? Ibig sabihin. . . .

"Ikaw yung kidnapper?," tanong ko sakanya.

Natawa sya nang malakas. Binatukan ko naman sya.

"Ikaw ang kidnapper dito. At magbabayad ka sa ginawa mo," sagot nya na seryoso ang tono. Napaluwa naman yung mata ko. Tandaan mo 'di pa ako tumitigil sa pagluha mula kanina nung mawala sa tabi mo si Ailey tapos dadagdagan pa nya ng ganito?

Naisip ko bigla yung mga nangyari samin ni Ailey sa lobby ng tinutuluyan naming condo. Hindi kaya may galit talaga sya sa'kin at ang lalaki na 'to? Pinlano talaga nila ang lahat at sa'kin ibibintang ang lahat. Na pinakidnap ko si Ailey at ipahuhuli ako sa mga pulis. Ano ba ang naging kasalanan ko?   Nagising ako sa realidad nung narinig ko ulit magsalita.

"Kinidnap mo kasi yung puso ko," sabi nya.

Hmmmm! Ayan nabatukan ko na naman sya. Nag-vibrate yung phone ko.

From: Ailey

Okay lang ako dito. Enjoy sa date!

Nakita ko na nakangiti si Brian. Nakakainis naman. Mga balie na 'to. 'Di ba nila alam na maaari kong ikamatay yung ginawa nila?

"Gusto mo lang pala ng date kailangan mo pang gawin ang lahat ng ito?," pagalit kong sabi sakanya kahit na inis lang naman ang nararamdaman ko.

Hindi nya ako sinagot. Tumayo lang sya at saka may kinuha sa bulsa nya. Kinuha nya yung panyo nya at pinunasan yung mga luha ko.

"Pasensya na napag-alala kita. Umiiyak ka nang dahil saakin. Hinimatay ka dahil sa mga ginawa ko. Sorry Christal," sabi nya sa'kin. There's a pain in his eyes. I can feel it in his voice. He was so apologetic kaya niyakap ko sya. Tumutulo na naman ang mga luha sa mga mata ko. He really meant his sorry.

Kumalas sya sa yakap ko at hinawakan ang mga balikat ko. Pagkatapos ay hinawakan nya yung pisngi ko.

"Umiiyak ka na naman. Tama na please," pinunasan ko yung mga luha ko at sinabing kumain na lang kami baka sa kadramahan namin ay masira pa yung pagkain.

Kumain nalang kami ni Trevor. Masarap yung mga pagkain. Tahimik lang kami at ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng mga ito?," tanong ko sakanya.

"Uhm, Christal I hope you can give me the chance," sagot nya.

"Chance for what?"

"Chance to show you how much I am serious 'bout what I said to you before. About my feelings. Please give me the chance to court you formally," pakikiusap nya saakin. He was so serious then. I just thought it played as a joke.

Matagal akong hindi nakapagsalita. Paulit-ulit nagpapaikot-ikot sa utak ko ang mga sinabi nya. That doesn't really a joke? Akala ko nagbibiro lang sya. Akala ko kaibigan lang ang turingan namin. But here it is, it is no longer a joke I guess.

"Okay lang naman kung hindi ka pumayag. Tatanggapin ko na lang," that are broken words came out from his lips. Those wonderful pair of lips brought bitterness through my spine.

"If you really have a feeling towards me and you even mean that, I can do nothing with it. It is your right anyway. And it is also your right to express it. I have no control to that. If that is what you want, then I have no enough power to stop your courage. Do what you want Brian but I cannot give you an assurance that there will be something in the end," sabi ko sakanya.

Pinayagan ko sya na manligaw saakin pero hindi ko sya binigyan ng pag-asa. Kung tatanungin mo, bakit ko sya binigyan ng pagkakataon kung 'di ko naman sigurado? Simple lang, ayoko na makasakit ng ibang tao, at isa pa kaibigan ko sya. Alam ko naman na pwedeng masaktan sya sa huli. 'Di ko alam kung may patutunguhan ang bagay sa pagitan namin pero kung wala, ginawa ko yun para hindi sya masaktan nang biglaan. Unti-unti nyang marerealize na wala naman pala. Unti-unti syang magsasawa hanggang sa mawala na ang sakit at ang feelings nya.

Evade Me No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon