Pagpasok ko sa elevator, halos mapatalon yung puso ko sa gulat. Nandun din pala nakasakay si Trevor. Kakapasok lang kaya nito o kanina pa? Pero sana kanina pa umandar 'tong elev. Baka naman hinintay nya ako? 'Wag ka nga assuming CJ. Pinaaasa mo na naman yung sarili mo.
Pagkatapos umandar yung elevator, mahabang katahimikan ang lumipas until I initiated the conversation between us.
"Hi," sabi ko sakanya.
Ngumiti lang sa'kin si Trevor. Grabe ang-ganda talaga nung ngiti nya. Mapupula pa yung lips nya. Nakakatunaw.
"Dito ka din?," tanong ko sakanya.
"Oo," sagot nya. Kahit kelan talaga napakamatipid nitong sumagot.
"Saang floor ka?," tanong ko sakanya.
"Top floor."
"Talaga? Dun din ako."
"Onvious naman, yun yung pinindot mong number," sabi nya.
Napahiya pa ako dahil dun. Feeling ko tuloy namumula na ako.
Matagal-tagal din kami dun sa loob. Sa taas ba naman nitong building. Nung makarating kami sa floor namin, 'di sya lumabas agad. Parang pinauna nya ako kaya 'di na ako nagdalawang-isip pa na lumabas na agad. Nung tatanungin ko sana kung anong unit sya, ambilis nya maglakad hanggang makapasok na sya sa room nya na katabi pala ng unit namin. What a coincidence. Pero kung nagkataon man, what a perfect coincidence it was!
Pumasok na ako sa loob ng unit namin. Well arranged na yung mga gamit namin sa loob. Nagpaalam ako kina mommy kung pwede akong lumayo sa bahay. 'Di nila ako pinayagan nung una pero nung malaman na si Ailey ang makakasama ko at dun pa sa condo nya kami titira, pumayag na. Practically speaking, mas mainam na dito since malapit lang sa school. Bawas sa gastos at iwas late pa.
Ayoko masyadong mahirapan si mommy at daddy dahil sa pag-aaral ko kaya kahit anong scholarship na pasok kami ni Ailey, pinag-apply-an na namin at fortunately, marami kaming napasukan. Isa pa yun sa mga dahilan kung bakit ayokong bumagsak. We're just only two siblings pero iba pa rin yung medyo nakakabawas ka sa gastusin at medyo independent ka.
Nadatnan ko si Ailey na nagbabasa ng notes nya at nung libro namin. Napakasipag talaga nitong bestfriend ko. Nahalata nya na dumating na ako kaya tumigil muna sya.
"Ikaw babae ka. 'Di ka man lang nagpapaalam! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala!," bungad sa'kin ni Ailey sabay tapik sa noo ko.
'Di ako sumagot. Niyakap ko lang sya. Hawak-hawak ko pa yung libro na binigay saakin ni Brian na ipinilit nya talagang ibigay sa'kin. Niyakap din nya ako pabalik. It was so overwhelming embrace. Feeling ko yung comfort galing sakanya. Teka ano ba 'yang dala mo? Kinuha ni Ailey yung hawak kong libro. Nagsisi-sigaw sya sa tuwa.
"Totoo ba 'to? Saan mo nakuha? Para sa'kin ba 'to ha CJ?," sunod-sunod na tanong saakin ni Ailey.
"Alin dun ang gusto mong unahin kong sagutin?," tanong ko sakanya.
"Kahit alin dun, bahala ka na."
"Okay una sa lahat, galing kay Brian 'yan. Ibinigay nya SAAKIN. At totoo 'yan," sabi ko sakanya.
"'Di para saakin?"
"Siyempre kung anong akin, ipapahiram ko sa'yo basta maaari 'wag lang yung hindi pwede hehe. Pero pagdating diyan, okay na okay sakin. Share tayo!," sagot ko sakanya.
"Thank you bestfriend! Ako na muunang magbasa ha? Thanks again!"
Dumiretso sya sa couch na nasa sala at nagsimulang buklatin iyong libro.