Nasa isang sikat na fast food chain kami ngayon. Kanina pa ako walang kibo sa mga kasama ko. Napansin naman iyon ni Ailey. Hindi raw sya sanay na ganito ako.
"May problema ka ba CJ? Napansin ko mula kanina nung umalis tayo sa amusement park wala ka nang imik," pag-aalala ni Ailey.
"Okay lang ako. Baka napagod lang siguro," sagot ko na lang.
"Paano ka mapapagod eh ni hindi ka man lang sumakay kahit sa isang ride lang?," dagdag naman ni Brian.
Anghirap, baka madala ako sa mga tanong nila at madulas ako na sabihing nakasama ko si Trevor. Bakit ba kasi abot ang pagtatago ko? Basta ayoko na malaman nila.
Ngumiti na lang ako sa kanila at sinabing kumain na lang kami para ma-recharge ulit ako. Pumayag naman sila. Wala nang nagpumilit pang magtanong.
"Ailey maganda ba yung story ng libro?," tanong sakanya ni Brian.
"Ah oo. Maganda talaga yun. Salamat ha," sagot naman nung isa.
"Talaga? I'm glad you're enjoying it," sabi ni Brian at sabay silang nagtawanan.
Himala, magkasundo ngayon ang dalawa! Ano kaya ang nangyari sa dalawa na 'to😁. Pero kung ano man, good for them. Dapat lang itong markahan sa kalendaryo! Kinuha ko yung phone ko at lihim ko silang kinunan ng picture.
Maaga kami umuwi ngayon dahil wala naman daw kailangang bilhin si Ailey. Si Brian naman, may pupuntahan daw sya. Importante raw ang lakad nya na iyon. Hinatid kami ni Brian sa tapat ng building kung nasaan ang condo unit na tinitirhan namin.
"Pasensya na ha, hindi ko na kayo maihahatid hanggang sa loob," sabi ni Brian.
"No it's okay. This is too much. Hinatid mo na nga kami hanggang dito eh," sagot ko naman sakanya.
"Basta Brian anytime you have free time, just hung-out here ha," anyaya naman 'tong si Ailey.
Ngumiti lang si Brian at isiningkit yung mga mata nya. Cute din pala 'tong si Brian. Sabi ko nga noon, guwapo din naman. Naninibago talaga ako sa dalawa na 'to. Ba't biglang ambait-bait nitong si Ailey kay Brian? 'Di naman kaya. . .? Naku hindi, hindi. Hindi naman siguro sila? Hahahaha. Imposibleng mangyari iyon!
Nag-ring yung cellphone ni Ailey. Sinagot nya yung tawag at pagkatapos ng pag-uusap nila, biglang sumama ang hitsura nya. Ano kaya ang nangyari? Parang may masamang nangyari base sa mukha ni Ailey.
"Sino yung nakausap mo? Okay ka lang ba?," pag-aalala kong tanong sakanya.
"Wala yun. Okay lang naman ako. Aalis lang ako sandali CJ ha. May pupuntahan lang ako?," paalam nya sa'kin.
"Saan? Sasamahan na kita," sabi ko naman.
"No!," pasigaw nya sabi. Na-shock ako sa ginawa nya. My heart crumpled.
Tumalikod sya at nagsimulang maglakad palayo. 'Di ko napansin na nagsimula na ring maglakad ang mga paa ko. 'Di ko namalayan na sumusunod na pala ako sakanya.
Humarap sya sa'kin. 'Di ko na kinaya pa ang sumunod na nangyari.
"Ano ba CJ? Susunod ka na lang ba parati sa'kin?," sigaw nya sa harap ko.
Hindi ako nakasagot. Ang tanging alam ko lang ay masakit 'yun sa dibdib. Ambigat-bigat sa pakiramdam. Parang anumang oras ay may tutulong luha sa mga mata ko. Umalis na si Ailey. Ako naman, pupunta na lang ako sa unit. Pumasok na ako sa elevator. Habang nasa loob, kung anu-anong mga bagay ang sumasagi sa isip ko. Ano ba ang problema ni Ailey? Bakit nya kinayang gawin yun saakin? Mga tanong na 'di ko mabigyan ng sagot. Hindi kaya nagsasawa na sya? Nakakasakal na ba ako sakanya?