"Aray ko!!!"
Dinig na dinig sa paligid nitong buong waiting area dito sa Cinema. May tumapak kasi sa kamay ko nung nakaupo kami ng mga kaibigan ko sa sahig na usual namang ginagawa din ng iba. Minsan nga kahit hindi manunuod, nandito eh. Meron pa yung tipong akala mo kanila itong buong lugar dahil sa paglalandian (sometimes I used to be brutal X'D). Naghihintay kami na magsimula iyong Independence Day Resurgence na papanuorin namin. The heck naman talaga, ansakit nung pagkakatapak ha at nung mapatingin ako sa taong nakatapak sa'kin, grabe 'di na pala masakit. Nawala na yung sakit ng kamay ko, ano ba sya, anesthesia? Hahaha landi lang, JOKE! Sa totoo lang, masakit naman talaga. Sobra! Pakiramdam ko nga nadurog iyong mga buto sa daliri ng kamay ko. But then, nung makita ko yung guy na nakatapak sa'kin, yung inis ko ay unti-unting nawala, subsides 'til I am angry no more.
Kasi naman, yung mata nung tao parang nangungusap eh. Hindi dahil sa maganda ang pagkakasingkit, parang singkit na hindi. American na intsik? Hahaha. His look was so apologetic.
"I'm so sorry miss, I didn't really mean to step on to your hand, it's just an accident," pakiusap nung guy.
"Hindi, okay lang 'yun. I know that it's not your intention naman," sagot ko sa kaniya. Di ako pabebe. Sadiyang mahinhin lang talaga ako. But sometimes, I have to act such hyper para di naman boring. Eh di tinamad ka pang basahin 'tong kuwento 'di ba?
"Talaga? Thank you. Pasensya na talaga," hiyang-hiya pa rin nyang sabi.
"Yeah. It's really nothing. Malayo naman sa puso 'to," pabiro kong sabi sa kaniya para naman gumaan-gaan ang loob nito. Mukha pa namang ambait-bait nya. 'Puso' na yung sinabi ko para mapaiba naman. Hindi ako gaya-gaya.
"Salamat talaga. Sige aalis na ako kasi medyo nagmamadali ako, bye," namumula pa rin nyang sabi dahil sa hiya.
'Di pa man din ako nakakasagot sa sinabi nya, kabilis niyang nawala. Lumipad ba sya? May-sa-lahi yata ni Superman 'yun eh. Pero kung kamag-anak man sya ni Superman, bagay naman. Hahaha.
"Uy! Istal. Natulala ka na diyan! Okay ka lang ba?," sigaw saakin ni Ailey na kumakaway-kaway pa sa harap ko.
Nakalimutan ko na tuloy, di ba nga nasabi ko na may kasama ako? Pinapaalala ko lang baka makalimutan mo. Hahaha kausap ko na yung reader!
"Oo okay lang ako," sagot ko sakanya.
'Di lang naman kami ni Ailey yung magkasama ngayon. May mga iba pa kaming kaibigan pero sya yung bestfriend ko. Yung iba naming kasama, bihira lang naman namin makasama.
"Ngayon okay lang? Pero kanina halos magiba itong buong waiting area dahil sa sigaw mo! Nakakita lang ng. . .," di na nya natuloy yung sasabihin nya. I cut her off. Bibig talaga na 'to walang preno.
"Anong guwapo. Grabe ka. Masakit naman talaga but I can manage. Pero okay lang ako," I told her.
"Ha? Wala naman akong sinabing guwapo ah? ," sinabi nyang may pang-aasar sa pagtingin nya.
Ano ba Christal, nahuhuli ka sa bibig mo eh. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Ayan tuloy kung anu-ano iniisip ng babae na 'to sayo ngayon.
"May sinabi ba akong guwapo? Ang sabi ko, 'anong sigaw' hindi 'guwapo'," sabi ko sakanya na naka-pout.
"Ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga," may pagkaasar nyang sabi.
I know Ailey for a long period of time. Classmates kami simula pa nung grade six kami and we never separated since then. Hanggang ngayong first year college na, kami pa rin ang magkasama. Ewan ko ba kung bakit 'di naman kami nagsasawa na magkasama o 'di kaya ay sinubukan man lang nya na iwan ako at lumipat sa ibang school. Pwede din naman sanang magkaiba kami ng course? But here we are, we have the same course, we're in the same bloc and having the same sched as well. Planado na 'di ba? Sana sabay din kaming umakyat sa stage right after five years. Ailey has a brilliant mind not doubting why she's always ahead of me when it comes to honor roll. Una sya, pangalawa naman ako. Yabang ano?