Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Chapter 4: Tears

43.5K 735 22
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

CHAPTER 4: TEARS

***

NAKARATING na sila sa lugar kung saan gaganapin ang honeymoon nila bilang mag-asawa. Ubos na rin ang KFC na binili ni Rainne kanina sa sobrang paglilihi. Hindi niya akalaing mauubos niya ang marami niyang na-order sa sobrang gutom.

They arrived in a peaceful and beautiful location. It was a Fuentes residence near the beach.

Pinarada ni Ysiquel ang sasakyan at lumingon kay Rainne.

"Magkalinawan tayong dalawa sa isang bagay," panimula nito.

"Ano 'yon?" kabadong tanong ni Rainne sa asawa at napahawak nang maigting sa plastic bag ng KFC.

"In front of the public, you are my wife, you are a Fuentes. Pero pag tayo lang, walang pakialamanan sa buhay ng isa't isa."

Rainne was stunned kung seryoso ang asawa sa kanyang sinabi.

"P-pero..."

"Don't expect me to love you, Rainne. I can't love someone. I agreed to marry you dahil responsibilidad ko ang anak kong nasa sinapupunan mo. Pero hanggang doon lamang iyon," walang kaemo-emosyong pagputol ni Ysiquel. "Are we clear on that?"

"O-oo."

Gustong maiyak ni Rainne nang mga panahong iyon. Kahit alam naman niya ang totoo, umaasa pa rin siya kahit masakit. Umaasa siyang mamahalin siya ng lalaking mahal niya. Na darating ang araw na hindi na iyon magiging one-sided lang.

"Good. Let's go."

Unang bumaba ang lalaki at dire-diretso lamang sa paglalakad sa loob. Dali-daling sumunod si Rainne papasok sa villa. Namangha si Rainne sa hitsura ng villa.

Simple pero elegante. May pagka-Victorian era ang mga muwebles pero sophisticated ang dating. It was like a real-time dollhouse to add.

"You can take the master's bedroom. I'll use my old room." Tinuro niya ang dalawang pintuan sa ikalawang palapag.

"Okay."

"May laman din ang mga fridge sabi ni Seb kanina sa 'kin so there shouldn't be a problem," dagdag pa ni Ysiquel habang naglalakad sila pataas ng hagdan.

Si Sebastian, o mas kilala sa palayaw na Sebby o Seb, ay isa sa triplets ng Fuentes. Pinakamatanda at sumunod si Sander bago si Samara.

Papasok na sana si Rainne sa loob pero napakunot ang noo niya.

The door was locked!

"Ysiquel..." pagtawag niya rito at nakita na niyang nakasapo ang kamay sa noo.

"They couldn't be mocking me," bulong nito pero malinaw pa ring narinig ni Rainne ito.

FNGT 1: The CEO's Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon