***
CHAPTER 9: HER PLANS
***
TATLONG ARAW na ang nakalilipas simula nang bumalik sina Ysiquel at Rainne. Isang gabi lamang silang nanatili sa villa ng mga Fuentes dahil nagkaroon ng emergency meeting si Ysiquel at hindi maaaring wala siya roon. Nagalit si Ysabelle sa anak pero babawi na lamang daw si Ysiquel sa asawa sa ibang pagkakataon.
Nanunuluyan sila sa mansyon ng mga Fuentes alinsunod sa hiling ni Ysabelle para siguradong may magbabantay kay Rainne kapag wala ang asawa.
Walang problema rito ang bagong kasal. Mainam na rin daw ito sabi ni Ysiquel dahil marami itong inaasikaso sa opisina at magkaklase naman ang kapatid na si Samara at si Rainne.
Nakaupo na naman si Rainne sa may balkonahe at pinagmamasdan ang langit.
For some unknown reason, it keeps her calm and at ease. Kahit na ang daming tumatakbo sa isip niya, masaya pa rin siya kahit papaano na tanggap ni Ysiquel ang magiging anak nila... Kahit hindi siya matatanggap ng kabiyak bilang asawa. Basta tatanggapin nito ang anak nila ay ayos na.
Masakit... pero ano nga ba ang magagawa niya? She is just the mother of his child and his wife in paper.
Nothing more, nothing less.
Isang pagkatok ang gumising sa kanyang ulirat pabalik sa realidad.
"Pasok."
Nagbukas ang pintuan at sumilip si Samara bago pinatuloy ang sarili. May dala siyang notebook at pencil case.
"Hi ate!"
"Hi, Sammy," pagngiti ni Rainne sa hipag. Unti-unti na siyang nasasanay sa pagtawag sa kanya ng dalaga ng 'ate'.
"May itatanong sana ako. Mali pala, magpapatulong sana ako," she chuckled on her mistake.
Tumayo si Rainne at sinalubong sa gitna ng silid tulugan nila ni Ysiquel.
"Ano 'yon?"
"Nagawa mo na ba 'yong research paper sa marketing?"
"Oo. Kahapon ko pa natapos."
"Ay grabe! Tulungan mo ako, ate! Nalilihis ang isip ko sa pagsasagot!" Samara pouted at her.
"Halika. Wala naman akong ginagawa." Umupo sila sa may balkonahe na kaninang tinatambayan ni Rainne.
Nagsimula na sila ng pagtuturo at nagpadala rin ng pang-meryenda si Samara dahil nahihiya pa rin si Rainne sa pamamahay ng mga Fuentes. Kumbaga, nasa coping up stage si Rainne.
Isang oras din ang ginugol nila para matapos ang pagpili ng mga research files para sa dalaga.
"Thank you talaga, ate! My gosh! 'Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka!" natatawang hayag ni Samara.
BINABASA MO ANG
FNGT 1: The CEO's Marriage Contract
RomanceAfter marrying the man of her dreams, Rainne Sandoval finally has her happily ever after--or so she thought. As her husband's secrets and the truth from her past resurface, problems arise one after another. Will their love be enough to fight against...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte