***
CHAPTER 13: THE PAST
***
HANGGANG ngayon ay lutang pa rin ang pakiramdam ni Rainne. Hindi niya lubos akalaing ipakikilala siya ni Ysiquel sa board members bilang asawa niya... na siya si Mrs. Rainne Emerald Vhixen Fuentes.
Marahil para sa trabaho rin ang dahilan pero may parte sa kanya na maligaya at patuloy na umaasang magiging masaya silang dalawa sa piling ng isa't isa... 'Yong totoong masaya.
Pero nagbago ang ihip ng kaligayahan niya dahil sa muling pagkikita nila ni Kael McQuinto. A man she wished never existed in the face of the earth.
She heaved a sigh of relief nang makaalis na sila ni Ysiquel sa party. Kahit na nahihiya siya sa hindi nila pagtatagal doon, maayos na rin ito. Hindi rin niya maisip kung makatatagal siya sa iisang lugar kasama si Kael.
Tahimik muli ang naging biyahe nila at laking pasasalamat ni Rainne na hindi nagtatanong si Ysiquel sa inakto niya kanina.
Pagkarating sa mansyon ay dumeretso na sila sa kanilang silid. Wala pa ang ibang kapamilya nila sabi ng katulong.
Pagkarating daw ni Samara isang oras ang nakalilipas ay umalis din kaagad dahil may date sila ng nobyong si Ben. Ang mag-asawang Kyle at Ysabelle naman ay biglang naisipang mamasyal sa Cebu ng isang linggo at kanina umalis.
Umupo si Ysiquel sa kama nila at niluwagan ang necktie. Tutuloy na sana sa banyo si Rainne para magpalit ng damit nang tawagin siya ng asawa.
"Rainne..." Malalim ang boses ni Ysiquel.
"B-bakit?" Lumingon si Rainne at nagkatitigan sila bago siya nag-iwas ng tingin. Parang sinusuri ni Ysiquel ang buo niyang pagkatao.
"Tell me why you acted the way you did."
"A-ano?"
Mali pala ang naisip ni Rainne kanina sa sasakyan. Ysiquel was just waiting to get home to drop the bomb. The bomb of questions.
"What's your connection with Mr. McQuinto?" Ysiquel demanded to know. He wants to get answers about whatever peculiarity he witnessed during the party.
'Should I tell him? Or should I not?' Patuloy na nagtatalo ang isip niya. Pakiramdam niya ay mawawasak siya kapag nilabas ang tinatago ng nakaraan.
"Why do you ask?" There goes her voice again. Nauutal na naman siya.
"Just answer my questions."
Nagtatalo ang isip at puso niya. Kapag sinabi ba niya ay may magagawa ito? Kung sabihin ba niya ito, ano kaya ang mararamdaman ni Ysiquel? Maaawa o mamahalin na ba siya nito?
It definitely wouldn't be the latter because it came from his own lips that he refuses to fall for someone... Na their marriage is just out of convenience and for their baby. Nothing more.
BINABASA MO ANG
FNGT 1: The CEO's Marriage Contract
RomanceAfter marrying the man of her dreams, Rainne Sandoval finally has her happily ever after--or so she thought. As her husband's secrets and the truth from her past resurface, problems arise one after another. Will their love be enough to fight against...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte