***
CHAPTER 5: IN MEMORY LANE
***
FLASHBACK
"REV! Rev! Rev!" pagtawag ng isang estudyanteng medyo hinihingal sa dalagang nakaupo sa canteen.
"O bakit, Lia?" pagsalubong ni Rainne sa kaibigang ngayon ay nasa ibang seksyon.
"Nakita mo na ba ang bagong issue ng magazine ni mister gwapong crush ng campus?!" Halata ang kilig sa boses nito habang bumabawi ng hangin sa sistema.
"Which issue?" tanong ni Rainne.
"Wait lang, girl." Kinuha nito ang isang magazine sa bag at binuklat. "Ito oh!" Napangiti sila pareho sa artikulo.
The leading bachelor of the Philippines has done it again!
Ysiquel Fuentes of the Fuentes Corporation has closed the billion-dollar deal with the Perez Empire. PE representative Terry Malcolm stated that "the president of Perez Empire is delighted to work hand-in-hand with the Fuentes Corporation to bring innovation and change to the business, tourism, and advertising industry. We believe this agreement will also call in more competitors in the field and result in great opportunities for the organization." Fuentes has also told the press, "We will always strive for greater heights, and this step alongside Perez Empire is one huge step for the company. I know this will bring all of our plans into reality."
May litrato rin si Ysiquel na nakipagkakamay sa representative ng Perez Empire sa halip na ang may-ari ng kompanya. Ayon sa balita, hindi talaga nagpapakita sa media ang CEO at President ng Perez Empire na si Blake Perez.
"Ang galing talaga niya..." usal ni Rainne.
"Uy! Kinikilig ang lola n'yo!" Siniko pa siya ni Lia at namula ang dalaga.
"Eeeh! Wag ka nga! Don't me ha! Don't me!" And they burst into laughter.
"'Di ba pupunta ka sa bahay ng mga Fuentes para sa group project sa Marketing Strategies?"
May proyekto ang klase nina Rainne na mag-compose ng marketing strategies at ipepresinta sa klase. Kagrupo ni Rainne ang kapatid ni Ysiquel na si Samara at may isa pang dalaga.
"Oo. Mamaya."
"Ang swerte mo, girl! Makikita mo si Ysiquel-my-loves! Picture-an mo ha! Tell me kung ganito talaga siya kagwapo sa mga litrato!" kinikilig na muling sambit ni Lia na hinalik-halikan pa ang litrato sa magazine. Nag-ring ang cellphone ni Rainne at isang mensahe ang dumating.
"O sige, sige. Una na 'ko, nag-text na si Sammy oh." Umalis na siya bago pa magpahabilin ng kung anu-ano ang kaibigan.
Nakita niya si Samara sa may sasakyan nila. "Rev, tayo raw muna ang gagawa. May emergency na pupuntahan si Karen e. Last minute notice raw," panimula ni Samara sa kanya.
BINABASA MO ANG
FNGT 1: The CEO's Marriage Contract
RomanceAfter marrying the man of her dreams, Rainne Sandoval finally has her happily ever after--or so she thought. As her husband's secrets and the truth from her past resurface, problems arise one after another. Will their love be enough to fight against...
Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte