Dex's POV..
Oha! Ano kayang pumasok sa isip ni author at may sarili akong point of view dito??
Akalain mo nga namang kasama din pala ako sa isa sa mga supporting characters dito.
Thanks author. Malaya akong maghayag ng mga nararamdaman ko. HAHAHA. baduuuy.
Ok start na.
Ako si Dexter Alcantara. One of the besy buddy ni Mr. President. Ang mejo mataray kong kaibigan.
Photography student also at treasurer ng student council ng Photography Department. Kuripot daw ako kaya nandoon ako sa posisyong iyon. Binabagay daw sa tao. Hahaha.
Naaalala niyo nung time na nagtatalo kami ni Albert sa babaeng transferee dito sa school at good news.. she's also from Photography Department.
She really looks beautiful. Pero, aaminin ko may nakita akong iba na mas magugustuhan ko kesa sa kanya.
Sobrang ganda niya lang kaya ako humahanga.
But I didn't expect na mas may magpapakaba pa pala saken pg nakita ko siya.
Her name is Jhana.
Napagalaman kong transferee din siya at bestfriends pa pala sila nitong si Kath.
No wonder, she's also beautiful pero mas attracted pala ako sa kanya kesa kay Kath. Yun nga lang, mukang mas lalake pa ata 'to sakin. Ang tapang e. Siga ba.
Kaya willing na akong ipaubaya kay Albert yun. May magawa man lang akong mabuti sa kaibigan ko haha.
"Sorry Miss!"
Shet! Ang dami namang magaganda sa University na 'to! Bakit ngayon lang sila naglalabasan??
Nagkabangaan kami sa hallway ng restroom sa amphiteatre after ng assembly.
"Ano ba yan! Tingin tingin din sa dinadaanan.. My God! Ang luwag luwag e!" inis na sabi niya.
"Miss. I already said sorry!" mahinahon ko namang sabi.
Tumahimik lang siya.
Akala ko magtatapang pa e.
Ngumiti ako sa kanya.
"Jhana!" nakita ko si Sarah na tinawag yung babae na Jhana nga ang pangalan.
Magkakilala sila??
"Sarah?" si Jhana naman.
"What's the problem?" tanong ni Sarah.
Umiling lang yung Jhana.
"Wala naman!Where's Kath?"
Bakit naman niya hinahanap si Kath?? Magkakilala din sila? Siguro nga.
"Ah. Kausap niya si Albert, nasa loob pa. Iniwan ko muna, susunod na lang daw siya sa room namin!"
Naks. Mukang dumidiskarte na si Albert ah?
"Sinong Albert?" tanong nung Jhana.
.
"Ah. Photography student din, ibang section nga lang and I think may gusto yun sa kaibigan mo!"
"Really??" gulat na tanong nung Jhana.
So, magkaibigan pala sila at parehong transferees. Anong course kaya nito?
"Dex! Anjan ka pala?" si Sarah.
"Ay wala. Rebulto ko lang 'to!" pambabara ko kay Sarah.
"Siraulo! Teka? Magkakilala kayo?"
"No, were not!" si Jhana.
"Yes, were friends!" ako.
Gulat siya sa sinabi ko.
"Ano ba talaga? Dex, mga style mong bulok ah?"
Panira talaga ng moment 'to si Sarah.
"By the way, una na ako ha? I have my last subject pa e. Nice meeting you again Jhana! Hoy Dex, tama na yan! May isa ka pang pinopormahan!" nakita kong nagmadali ng umalis si Sarah.
Wala na akong ibang pinopormahan ah? Si Sarah talaga kahit kailan.
"Hey! Why did you tell her na magkaibigan tayo? We only met just now, binangga mo pa ako and you're telling Sarah na we're friends??" derederecho niyang sabi.
Highblood naman masyado 'to.
"Relax Miss Jhana. Okay. My name is Dexter Alcantara but you can call me Dex. Ok na? Since, kilala mo na ako, ikaw naman ang magpakilala so that we can be friends!" nakangiting sabi ko.
"Ang pagkakaibigan hindi sa ganun lang nadadaan!" pagtataray niya sabay walkout.
Woah! Ang tapang talaga. But I like it. Gusto ko yung ganyang mga babae, pasuyo ang gusto.
Xzander's POV..
"Pre! I have a good news sayo!" naririnig kong atat na sabi ni Dex.
Nandito kami sa office ko kung saan ginagawa din naming tatlo itong tambayan.
"Ano?" pero mukang wala sa mood si Albert.
"Ipinapaubaya ko na sayo si Ms. Beautiful. Si Kath. Sayong sayo na siya, kaya wag mong sayangin yung pagkakataon na ibinibigay ko ah?"
Aba. Ano kayang nakain nito?
"Bakit mo nasabi yan?" si Albert.
"Sobrang ganda naman talaga niyang si Ms. Beautiful, pero mas type ko yung kaibigan niya pre! Oops. Wag ng aagaw ah? Iyo na si Kath, muka ding wala akong pag-asa dun, mga katulad ni Brix ang bagay sa ganda nun!"
Napatingin ako sa kanya.
"O? Bakit nadamay na naman ako jan?" sabi ko.
"Siraulo ka pre ah! Parang sinabi mong hindi bagay ang pagmumuka ko kay Kath!" inis na sabi ni Albert sabay hampas ng throw pillow kay Dex.
"Masakait yan pre ah! Yung zipper ang natama!!" sigaw naman ni Dex at gumanti.
"Hoy! Magsitigil nga kayo, mga isip batang ito! Pag nabutas yang throw pillow ko patay kayo saken!" saway ko sa kanila.
Tumigil naman sila.
"Teka pre! Bakit ba parang wala ka sa mood? Ipinapaubaya ko na nga si Ms. Beautiful sayo e. Wala ka ng kalaban. Teka nga pala, narinig ko kay Sarah na magkausap kayo ni Ms. Beautiful bago lumabas ng amphi. Ano? Dumidiskarte ka na?"
Napalingon ako kay Dex.
"Yun na nga pre eh! Sinubukan kong ayain siya na sabay kami maglunch bukas!"
Napabaling naman ang tingin ko kay Albert.
Seryoso siya? Niyakag niya si Kath?
"O? Anong sabi? Pumayag?" si Dex.
Napaayos ako ng pagkakaupo at naghihintay sa isasagot ni Albert.
"Pagiisipan niya daw. Mukang ayaw e.. hindi lang ako dinerecho!"
"Yess!" napabigla ako. Napatingin sakin sina Dex at Albert.
"Anong sabi mo Brix??" sabay nilang tanong.
"Ah. Eh. Wala. Muka ba akong nagsasalita? Kayo ang magkausap jan e!" tumalikod ako sa kanila at bumalik sa pagkakaupo ko na mejo nakahiga at nagtaklob ng throw pillow.
Ano ba yun?? Bakit tuwang tuwa ako na parang nagdadalawang isip si Kath kung sasabay siyang maglunch kay Albert?
Psh.
Weird.
BINABASA MO ANG
THE LUST SIN by DScriptWriter
RomanceKasingungalingan. Pagtataksil. Paghihiganti. Kaya mo bang magmahal na may kasamang kasinungalingan at pagtataksil? Ipagpapatuloy mo ba ang isang bagay na alam mong sobrang mali at maraming masasaktan? They are both belong to the showbiz industry. Bu...