Kath's POV..
I don't know kung anong pumasok sa isip ko at eto ako, sumama sa kanya.
Iniwan ko pa si Mercedez doon sa parking lot ng University.
"Saan ba kasi tayo pupunta?? Iniwan ko pa si Mercedez dun, lagot ako kay Daddy pag hindi ko yun dala pauwi!"
"Who's Mercedez?" tumingin siya saken na takang taka.
"My Mercedez Benz. Yung kotse ko.Ang slow mo grabe!"mataray na sabi ko sa kanya.
Tumawa siya.
"Mercedez ah?" ulit pa niya.
Hindi ko na lang siya pinansin.
Pumunta kami sa isang bar.
Shet! Sobrang ingay.
Puro dancers, may nakita pa akong sikat na personalities doon.
Pero gusto ko 'to.
"Kath. Sumunod ka saken!" utos saken ni Xzander.
Nagtaka naman ako.
We entered one private room sa bar na yon. May sariling videoke, bar table and many choices of liquor, cocktails na dadamputin na lang kung anong gusto mong inumin.
Nagtaka naman kay Xzander.
"Teka. Bakit dito tayo?"
"I know you want to drink kaya dinala kita sa bar!"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Bakit dito? Bakit tayo lang dalawa? Hindi ba pwedeng doon tayo sa labas? Mas maganda dun!"
"Sa tingin mo makakapaglabas ka ng sama ng loob mo kung nandun tayo sa labas? Hindi tayo magkakarinigan dun Kath sinasabi ko sayo!"
"Hindi naman ako maglalabas ng sama ng loob e. Magiinom lang ako!" sabi ko sa kanya sabay dampot mg vodka sa harap ko at ininom.
"Oh. Relax lang. Baka malasing ka niyan!"
"Eto nga yung gusto ko e. Magpakalasing. Yung tipong gumagapang ako pauwi sa sobrang kalasingan!"
"Why??"
"Para pagdating ko, matutulog na lang ako."
"Masyadong seryoso yang problema mo sa buhay no?"
Tumingin ako sa kanya.
"Of course. Pamilya ang problema ko. Palibhasa ikaw, wala kang problema. Siguro, syota mo lang ang pinoproblema mo noh?" sabi ko sa kanya sabay inom ulit ng hawak kong vodka.
"Paano mo naman nasabi?"
"Sira ka ba? Kahit sinong makakilala o makakita sayo, iisipin talaga nila.. wala kang problema sa buhay. Your so rich para magkaroon pa ng problema. Sa panahon ngayon, lahat nagagawa na ng pera. Kahit nga yung tunay na masayang buhay, nakukuha na ng pera pera lang!"
"Why are you saying those kind of things??" takang tanong niya.
"Simple lang. Yun naman kasi talaga yung nakikita ko sa paligid ko!"
"Mukang, mabigat talaga yang pinagdadaanan mo ah?"
"Oo. Kaya magiinom talaga ako. Para naman kahit ngayong gabi lang,makalimutan ko yung problema ko sa parents ko!" sabay inom ulit.
Nakita ko siyang tumayo.
Kinuha yung mike at iniabot saken.
"Ano yan? Pakakantahin mo ako?"
"Obvious ba? Anong gusto mong gawin sa mike? Iinumin mo??" pamimilosopo pa niya habang nakangiti.
Inirapan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
THE LUST SIN by DScriptWriter
RomanceKasingungalingan. Pagtataksil. Paghihiganti. Kaya mo bang magmahal na may kasamang kasinungalingan at pagtataksil? Ipagpapatuloy mo ba ang isang bagay na alam mong sobrang mali at maraming masasaktan? They are both belong to the showbiz industry. Bu...