Xzander's POV..
"Kath!" narinig kong tawag ni Albert.
Nilingon ko sila.
"Ah.. e, bakit?"
Nakita ko pang huminga ng malalim si Albert.
Ganito ba kadesidong pormahan nito si Kath??
"Eh.. I just wanna ask about sa lunch na inalok ko sayo kahapon!"
"Hoy Albert, pinopormahan mo ba 'tong si Kath??" biglang singit ni Sarah.
"Bakit? Masama ba? Unless, she's taken?" narinig kong sabi ni Albert.
Agad akong lumingon kay Kath.
"Kath! Taken??" tanong ni Sarah.
Pero mas nagulat ako ng tumingin saken si Kath, tsaka siya tahasang umiling.
Sagot niya kay Sarah.
"See? Available! Walang masama sa ginagawa ko!" si Albert.
"Ah, guys. Tama na yan, let's have our lunch na lang.. gutom na ako e!" si Kath.
"Ay naku. Kayo na lang dalawa!" si Sarah.
"Sarah?"
"Its ok Kath, may paguusapan din kami ni Brix. Hoy Albert, ipapaubaya ko muna si Kath sayo, umayos ka ah!" sabay lapit sakin ni Sarah.
Paguusapan? Anong paguusapan??
"Sarah seryoso ka??" si Kath.
"Of course!" ngumiti pa si Sarah kay Kath tsaka ako tuluyang hinila pabalik sa head office.
"Brix! Sige na, diskarte muna ako!" narinig kong pahabol pa ni Albert na sabi saken.
"Bakit mo hinayaan yung kaibigan mong sumama dun kay Albert?" tanong ko kay Sarah.
"What's the problem? Kahit kalahati lang sa isandaang porsyento ang tiwala ko jan kay Albert, just give him a chance!"
"Give him a chance? Ikaw ba ang nililigawan??"
"Why are you reacting like that Brix? Kaibigan ko si Kath, suporta ang tawag doon.. kaibigan mo si Albert, pero bakit parang wala kang tiwala sa kanya??"
"Hindi naman, eh alam mo namang three and a half AB normal yang kaibigan ko."
"Malay mo naman because of Kath bigla yung tumino!"
"I hope so!" napailing na lang ako.
"Teka nga? Bakit ba parang iba kang magreact jan kay Albert... are you...!"
Nanlaki ang mga mata ko sa mga susunod pa niyang sasabihin.
"Of course not!!"
"Relax! I didn't say anything. Napapaghalata ka!"
"Napapaghalata na???" takang tanong ko.
"Nevermind. Anyway, kaya kita hinila dito ..nakalimutan mo ba na we're talking about our department acquiantance party??"
Oo nga pala. Yun pala yun.
"But I said, after lunch! Kumain na muna tayo!" sabi ko sa kanya.
"Mamaya na, tiyak magseselos ka lang habang kumakain tayo. Patapusin mo na muna sina Albert!"
"What did you say??" takang tanong ko.
Magseselos??
"Nothing! I said lets start our one on one meeting regarding sa acquaintance party, what theme are you planning for??"
BINABASA MO ANG
THE LUST SIN by DScriptWriter
RomanceKasingungalingan. Pagtataksil. Paghihiganti. Kaya mo bang magmahal na may kasamang kasinungalingan at pagtataksil? Ipagpapatuloy mo ba ang isang bagay na alam mong sobrang mali at maraming masasaktan? They are both belong to the showbiz industry. Bu...