May mga tao talagang hindi nakatakda para sa 'yo.
Hindi dahil hindi kayo soulmates,
Kundi dahil hindi kayo talo.
xx
*Ring Ring*
"Anak ng baka naman ooh.. Ano'ng oras na ba?" Kinuha ko yung cellphone ko na nasa side table para tignan kung sino yung tumatawag pati na rin kung ano'ng oras na.
2AM.
Kung hindi lang mahalagang tao para sa 'kin yung tumatawag eh baka namura ko na yung potato na yun -___-
"Hello Andrea?" kahit bangag na bangag na ako sa antok eh pinilit ko pa ring pasiglahin ang boses ko kahit papano.
"S-Sam..." humihikbing sabi ni Andrea. Biglang nawala ang antok ko.
"Bakit ka umiiyak?"
Concerned ako. Kahit ex ko na sya, mahal ko pa rin sya. Umiiyak ba sya dahil narealize nyang mahal pa rin nya ako? Nakaramdam ako ng saya.
"Eh kasi..."
Bumangon ako at naupo, saka huminga ng malalim. "Andrea gusto kong malaman mo na kahit hindi na tayo, mahal pa rin kita at handa akong tanggapin ka ulit."
"Ha? H-Hindi yan ang gusto kong sabihin Sam..."
"Ha!?"
"Sam.. Ang sakit. Niloko lang pala ako ni Brenard. Sorry kung naistorbo kita pero hindi ako makatulog. Ang sakit sakit talaga kailangan ko lang ng kausap."
Nawalan ako ng gana sa mga narinig ko. Buti na lang talaga at mahal ko ang babaeng 'to. =____=
"Okay lang yan Andrea. Makaka move on ka rin. Tsaka marami namang ibang lalaki jan eh."
"Pero Sam mahal ko talaga sya."
"Trust me, makakamove on ka ri--PSHWSHSHOBSHGSH--Hello? Wait lang ah PSHWSHPSH--mejo choppy--PSHBSHWSH--mejo choppy ka kasi. Hello!?"
Toot toot toot.
He bwiset! Pag broken hearted sya kailangan pati ako damay? Wag ganon dre =___=+ Kahit pa mahal ko sya, tao lang din ako ng may damdaming nasasaktan. Inaks! Pero kidding aside, napahiya talaga ako at nasaktan sa sinabi nya.
Talagang sakin pa sya nagdrama tungkol sa Brenard na yun ha! Makatulog na nga lang at baka mabawasan pa ang kagwapuhang taglay ko.
xx
"Samantha, andito ka lang pala."
"Ano'ng sabi mo!?"
"Ah eh.. sabi ko Sam."
"Ah akala ko iba narinig ko eh. Bakit pala?" bored na tanong ko kay Drew. Pag tinawag nya ako sa ganung tono, alam ko na kung ano'ng nangyari. Pero tinanong ko pa rin, baka may bago =____=
"Eh kasi... may nambully sakin."
"God!"
Nagulat sya nung inihampas ko yung notebook sa desk ng silya at tumayo. "Fourth year na tayo Andrew. Hindi ka na elementary student! Subukan mo kayang lumaban?"
"Ah eh..." napayuko sya. Alam kong napahiya sya sa sarili nya. Awts! Hindi ko naman sinasadya pero siguro nairita lang ako dahil lagi na lang syang nagsusumbong sakin tuwing may nambubully sa kanya.
Siguro kasalanan ko na rin to dahil lagi ko din syang pinagbibigyan kaya ayan na spoiled.
"But anyways, sino ba yang mga nambully sayo?"
BINABASA MO ANG
That's My Tomboy
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang Tomboy (ano pa ba? XD) at subaybayan natin ang pagdadalaga nya na magpapatawa at magpapakilig sa inyo. :D