That's My Tomboy -- Six
"Babe!?"
Andrea?
Dali daling tumayo si Brenard habang ako ay naiwan lang na nakatulala sa kisame. Parang ayaw mag sink in sa utak ko ng mga pangyayari.
"Walangya ka!!! Sabi na nga ba tama lang na sinundan ko kayo dito!"
Akala ko galit sya kay Brenard pero nagulat ako nang bigla nya akong sabunutan. "Malandi ka! Pinagkatiwalaan pa naman kita!"
"Sandali lang Andrea! Hindi ko rin to ginusto! Magpapaliwanag ako!"
Aray ang sakit ng pagkakasabunot nya >_____< Asan na ba ang lalaking yun bat hindi man lang kami inaawat!?
"Wala ka nang dapat i-explain! Kitang kita ko lahat!"
*PAK!*
Ang sakit ng pagkakasampal nya at tuloy pa rin ang pagsabunot nya. Ayoko namang lumaban sa kanya kaya ang tanging nagawa ko lang ay hawakan ang braso nya. "Andrea tama na.."
"Ma'am tama na po!" nagpasukan ang mga maids sa kwarto at pinigilan si Andrea.
"Bitiwan nyo nga ako!!! Ito'ng tandaan mo Sam, hindi pa tayo tapos!!!" sigaw ni Andrea habang hawak hawak sya palabas ng mga maids.
Hinawi ko ang buhok ko at naramdaman ko ulit ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko agad yun gamit ang palad ko. Hindi ko dapat pinapakita na mahina ako.
Anak ng tilapia naman! Bat ba ang malas ko ngayong araw na to!?
"Ma'am..." Napalingon ako sa nagsalita, isa sa mga maids. "Ako na po ang humihingi ng tawad... in behalf of our young master."
Wow! English yun ah! Bigyan ng jacket =_____=
"Ihahatid na po namin kayo pauwi."
Tumango lang ako at lumabas na yung maid. Inayos ko na yung uniform ko. Buti na lang at may vest ang uniform namin kaya walang na-expose sakin. Kala ng uod na yun ha!
Pero naiinis pa rin ako... Kasi naman ang lechugas na yun ang first kiss ko! Shetness!
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nasan na ba yung damuho na yon!? Pag nakita ko sya papadapuin ko tong kamao ko sa mukha nya! Pero hindi ko sya makita, siguro tinamaan din ng hiya at ayaw muna magpakita sakin.
"Halika na po ma'am." sumunod ako sa maid palabas ng bahay at sumakay na sa nag aabang na kotse.
Habang nasa byahe kami, hindi ko nanaman napigilan ang maluha.
Hindi man lang ako pinagtanggol ni Brenard kay Andrea...
Si Brenard.. sya nanaman ang naiisip ko! Hindi ako umiiyak ngayon dahil galit sakin si Andrea. Hindi na 'ko magtatanga tangahan dahil kilala ko ang sarili ko.
Gusto ko na si Brenard.
Oo ang uod na yon! Kaya nasasaktan ako kasi pagkatapos nya akong bastusin, nakita kong wala naman pala syang pakialam sakin.
Bwisit sya! Magbabayad sya sa ginawa nya!
xx
Halos tatlong linggo na rin simula nung mangyari yun. Oo, yun =_______= Hindi na kami nagpapansinan ni Andrea. Akala ko nga sasaktan nya ako ulit pag nakita nya ako sa school pero hindi. Nung una iniirapan nya lang ako pero ngayon sa tuwing nagkikita kami parang hindi nya na ako kilala. Hindi ko na rin muna sya kinakausap kasi nahihiya ako...
Si Brenard Uod naman.. Hmmm.. hindi ko alam eh. Hindi ko pa sya nakikita simula nun. Akala ko nga hindi na talaga sya pumapasok pero nung minsan namang palihim kong tanungin yung classmate nya, araw araw naman daw syang pumapasok.
Hah, ninja pala sya ha! Talagang hindi nagpapakita sakin yung ugok na yon.
"Ang lalim yata ng iniisip mo Samantha."
"Ayan ka nanaman Ronan. Sabi nang wag akong tawaging Samantha eh." =__________=
Nandito ako ngayon sa bar ni Ronan.
Tumawa sya nang mahina. "Ganda ganda ng pangalan mo eh. Anyways, hanggang ngayon ba magkaaway pa rin kayo ng syota mo?"
"Oo nga pala, hindi ko pa nakekwento sayo. Wala akong boyfriend no! Yung lalaking yun, kaaway ko yun.." Gusto kong sabihin kay Ronan na gusto ko si Brenard pero sigurado tutuksuhin lang ako nito =_____=
"Pero gusto mo sya?"
KYAAAHHH~!! >O< Mind reader pala ang isang ito!
"Gusto ka jan! Nakita mo ba itsura ng isang yon? Muka syang uod na pagong!"
"HAHAHA! Grabe ka naman Sam." bigla syang tumingin sa direksyon ng pinto. "Hey, speaking of the devil."
Parang bigla akong na stroke. Ibig sabihin..
"One Captain and Coke, please." sabi nya pagkaupo sa tabi ko.
"One Captain and Coke, coming up!" at umalis na si Ronan para iprepare ang order ni Brenard.
Posharges.
Ano'ng gagawin ko! >0< Bigla akong pumihit sa ibang direksyon para hindi nya makita ang mukha ko.
Bakit ba ako yung naiilang eh sya yung may atraso sakin? Siguro kasi hindi na ako sanay kausap sya.. Paano ko kaya sya iaapproach?
Anak ng torpengs naman oh TT_TT Bahala na nga!
"T-Boom..."
O___O
Napalingon ako sa kanya dahil hindi ko ineexpect na magsasalita sya. Nakayuko lang sya.
"B-Bakit?"
"Ano.. sorry.. sorry sa mga nangyari. Sa ginawa ko sayo. Tsaka nung hindi kita pinagtanggol kay Andrea."
Hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko na sanang "Okay lang" pero bigla ko nanamang naalala yung mga nangyari. Tumingin sya sakin at kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata nya.
Binawi ko ang tingin ko at naramdaman ko na tutulo nanaman ang mga luha ko. "Hindi ko matatanggap ang sorry mo Brenard." yun lang at tumayo na ako at lumabas ng bar.
Pagkalabas ko ng bar tumulo na ang mga luha ko. Buti naman at alam ng damuhong yon ang mga kasalanan nya!
Pagkalabas ko ng bar napailing ako kasi umuulan. Anak ng torpengs! Hindi naman ako artista para sumugod dito no, wala namang shooting. Badtrip bat ngayon ko pa naiwan yung payong ko.
"Sam please mag usap naman tayo oh."
Nasa likod ko na agad si Brenard, waah ayoko pa naman sya kausapin ngayon. Masakit pa eh. Wala na tuloy akong ibang nagawa kundi sumugod sa ulan. Pero itong lalaki naman na to sumunod pa rin! Tas anong susunod? Mag aaway kami tas mag babati under the rain? Pelikula ba to?
"Uy, saglit lang tumigil ka nga muna, ang lakas lakas ng ulan oh!"
"Ano'ng tumigil, eh di nabasa ako? Shunga neto." pagtataray ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paglakad takbo.
"Sandali nga, may payong ako dito wag kang feeling artista jan!"
At talaga naman! Nagsisimula na nga akong magmoment eh, basag trip talaga to! Binuksan nya na yung payong nya at pinayungan ako. Naglakad na lang ako papunta sa malapit na waiting shed.
"Pwede na ba tayong mag usap?" nag aalangang tanong ni Brenard. Hindi ko sya sinasagot. "Look, ilang linggo na rin naman ang lumipas. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Can you just... forgive and forget?"
Nainis ako sa sinabi nya, "Forgive and forget!? Pagkatapos mo akong bastusin at balewalain? Hell no, Brenard!"
"I'm very sorry..."
"Wala nang magagawa ang sorry mo. At tsaka ikaw, why can't you just forget about me? Bakit ba nagpapakita ka pa sakin? Or why can't we just remain as enemies?"
"That's impossible, I can't do that..."
"Of course, you can."
"I can't Samantha. Hindi ko kayang ganto na lang tayo habang buhay. You are..."
Mataman syang nakatitig sakin at kita ko nanaman ang sincerity sa mga mata nya. Waiting for what he'll say next felt like forever.
"You are special to me.."
BINABASA MO ANG
That's My Tomboy
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang Tomboy (ano pa ba? XD) at subaybayan natin ang pagdadalaga nya na magpapatawa at magpapakilig sa inyo. :D