That's My Tomboy -- Two
Hmm.. umaga na pala. Makabangon na nga.
Teka, ang dilim yata sa kwarto ko. Madaling araw pa lang ba? Mabuksan nga 'tong lamp sa side table ko.
Click! Yan lumiwanag na nang konti..
*Yawn*
*Blink* *Blink*
O___O
Teka!
Kelan pa nagkaron ng lamp sa kwarto ko?
At teka! Hindi ko higaan to ah! At hindi ko kwarto to... KYAHH! Nasan ako!?
Tumayo na ako para mag usisa sa paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pinto at in-on ang ilaw. Nagkaroon ako ng better view sa paligid at sure ako na wala nga ako sa kwarto ko.
Ano ba'ng nangyari?
Ang huli kong natatandaan ay hineadbutt ko si Brenard. Tapos nakaramdam ako ng hilo... Hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyari. Nawalan na siguro ako ng malay.
Hindi kaya!?
WAAH! NAKNGKABAYOOOO!
Dali dali kong binuksan ang pinto at ang bumungad sakin ay kadiliman. Teka, ano'ng oras na ba? Naglakad ako sa dilim kahit mejo natatakot ako. Teka, hindi ako takot sa multo ha. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kasi hindi ko naman alam kung nasaan ako o kaninong bahay to.
Patuloy pa rin akong naglakad sa tila endless na hallway. Waah ano ba yan! Buti na lang at may maliit na ilaw at dun nasilayan ko ang hagdan. Bumaba ako at nasilayan ko ang sala ng bahay.
Patay ang mga ilaw pero maliwanag pa rin dahil bukas ang napakalaking TV. Aninag ko ang isang lalaking nakaupo sa sofa, nakatalikod sya sa kin pero may kutob ako kung sino sya.
Dahan dahan akong bumaba at nilapitan sya.
Dahan dahan..
"KYAAAHH!"
PAK!
"ARAAAYY!!!" Napalingon sya sakin. "Ano bang problema mo ha!?" tanong nya sakin na parang alam nya na kung sino ang bumatok sa kanya.
"Bakit ka nandito!?"
"Natural bahay ko to!" Inis na inis na sabi ni Brenard habang hinihimas ang ulo.
"Bahay mo? Kung ganon bat ako nandito?"
Napatigil ako saglit. "Teka! Dinala mo ba ako dito para halayin!? Sinamantala mo na nawalan ako ng malay! Kaderder ka!!!"
"HOY! Tumigil ka nga jan! Sino ba naman kasi ang nakakaalam na tulog mantika ka! Tsaka hineadbutt mo ako, tapos ikaw pa pala ang mawawalan ng malay. Napaka weak mo naman! Tapos mawawalan ka na nga lang ng malay tinuloy tuloy mo pa sa tulog! Pambihira."
Napapailing na tumayo si Brenard at lumapit sakin. "Tsaka ano'ng sinasabi mong hinalay kita? Kilabutan ka nga! Hindi ko type ang mga katulad mong flat chested!"
PAK!
"Tigilan mo nga 'ko!" napakadaldal naman ng lalaking 'to ayan tuloy nasapak ko!
"Bwisit ka nakakailan ka na ha! Pasalamat ka at babae ka kaya hindi kita papatulan!" Ngayon naman pisngi na nya ang hinihimas nya. Bumalik na sya at nahiga sa sofa. "Iniistorbo mo ang panunuod ko ng Iron Man."
Tignan mo tong unggoy na to! Nanuod na lang at hindi na ako pinansin like I don't exist!
Pumunta ako sa harap nya at hinarangan ang pinapanuod nya.
BINABASA MO ANG
That's My Tomboy
Genç KurguAng kwentong ito ay tungkol sa isang Tomboy (ano pa ba? XD) at subaybayan natin ang pagdadalaga nya na magpapatawa at magpapakilig sa inyo. :D