That's My Tomboy -- Three

109 2 2
                                    

That's My Tomboy -- Three

"We need to talk."

KYAHH! Eto nanaman yung pakiramdam na kinakabahan ako sa kanya pero syempre hindi ko pinahalata yun.

"Oh bakit galit galitan ka nanaman jan? Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil iniligtas kita sa lamang dagat na yun." sabi ko sa kanya na seryoso din.

Nagulat ako nang bigla syang ngumiti. "Ikaw naman, ang hirap mo namang biruin!" at sinundan nya ng mahinang tawa. "Well, thanks." sabi nya at umupo sa gilid ng kama nya.

"Yun ba yung ipinalit mo kay Andrea? Shemay ka eh mas maganda pa yung ex ko dun eh!"

"Napaka bitter mo naman. Ganun talaga eh, may expiration ang mga babae sakin."

"Bwisit ka pala eh." sabi ko sabay higa ulit. Lalo akong inantok pano nabitin tulog ko. *yawn*

"Bumangon ka nga at baka ma rape rape pa kita jan!"

Ay anak ni Totoy Brown! Nakakagulat naman tong lalaking to bigla biglang nasigaw! "Ano ba'ng problema mo ha?" sabi ko pagkabangon.

"Bakit ka ba kasi naka shorts ha? Di ka ba kinikilabutan sa sarili mo? Suot suot mo pa yang t-shirt ko. Hubarin mo nga yan." Sabi nya na hindi makatingin nang diretso.

"Sus! Kunyari pa to, gusto mo rin naman makakita ng legs! Oh eto huhubarin ko na t-shirt mo." Hawak hawak ko na yung shirt at akmang huhubarin ito nang pigilan nya ako.

"Hoy hoy hoy! Napaka pervert mo!"

"Ako pervert? Look who's talking. Dali na eto nang t-shirt mo kunwari ka pa eh."

"He! Bakit ba gustong gusto mong maghubad ha? Ano ba ipapakita mo saken? Pader?"

*PAK!*

"Aray! Pang ilang sapak mo na yan ha?"

"Napakayabang mo!" sabi ko. Kunyari nagtatampo ako, humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. Sa totoo lang wala naman talaga sakin kung sabihan ako ng flat chested o ano pa man. Isa pa ayoko rin naman ng malaking hinaharap. "Lumabas ka na nga!"

"Kwarto ko to kaya wala kang karapatang paalisin ako dito."

"Fine." bumangon na ako at ako na lang ang lumabas. Sabagay kwarto nya nga naman ito. Bumaba na lang ako sa sala at nahiga sa sofa. Patulog na sana ako nang may bigla akong naalala at kinakabahang tumakbo ulit paakyat sa kwarto ni Brenard.

"Brenard!" sabay sabay ang katok ko sa pinto nya.

"Oh bakit?" tanong nya pagkabukas ng pinto.

"Ihatid mo na 'ko sa North Vernon, ngayon na!"

"At bakit ko naman gagawin yon?"

"Kung gusto mo pang mabuhay!"

"Hoy ikaw bansot ka. Napakatapang mo talaga kahit kelan no? Ikaw na nga lang humihingi ng favor eh!" sabi nya sabay sara ng pinto.

"T-Teka lang!" WAAH! Sinabihan na nga ako ng bansot sinaraduhan pa ako ng pinto ng gentleman na to! Hindi naman ako bansot eh, hanggang ilong nya nga ako eh. Katok pa rin ako nang katok sa pinto ng kwarto nya.

Naiirita nyang binuksan ulit ang pinto, "Bakit ba?"

"Look Brenard. Pauwi na ang kuya ko galing overnight nila. Susunduin nya raw ako sa school mamaya. Kailangan makapasok ako kundi naku gugulpihin nya ako pag nalaman nyang hindi ako pumasok. Drive me home please?" yaks, hindi ko akalaing magmamakaawa ako sa kanya.

"Okay."

xx

Wew. Di ko akalaing mapapapayag ko sya na ihatid ako pauwi.

That's My TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon