That's My Tomboy -- Four

81 3 0
                                    

That's My Tomboy -- Four

"Anak ka talaga ng tinapang butiki!" sigaw ko sa kanya habang hinihimas ang noo ko. "Bakit naman sa lahat ng mawawala mo eh yung cellphone mo pa?"

Naglalakad kami ngayon paakyat ng fifth floor dahil don sigurado konti lang ang tao.

"Sorry T-Boom.. Hindi ko naman sinasadya eh."

"Ewan ko sayo." iritado akong tumingin sa kanya. "Alam mo bang hindi ako pinapansin ni Andrea ngayon? At sigurado akong ang dahilan eh nakita nya yung picture nating dalawa!"

"Wag ka nang magalit. Gagawan ko na lang 'to ng paraan."

"At ano'ng paraan naman ang gagawin mo ha?"

"Sasabihin ko na yaya ka namin."

"Wow thank you ha. Wala ka talagang kwenta kausap kahit kelan. Bababa na nga lang ako."

Hay grabe! Umakyat pa kami kunyari sa fifth floor tapos bababa din agad. Anong kashungaan yan? Paki explain! Lab yu.

Naalala ko may klase pa pala ako! Late na me!

xx

"Pwede ba wag mo nga akong sundan aso ka." kakairita naman tong si Brenard pinagtataguan ko na nga eh para wag kami ma issue lalo kaso nung nakita nya akong nagtatago sa puno ng kamatis sinundan ba naman ako! Aish.

Nandito kami ngayon sa field nakaupo sa bench. Sabi ko sa kanya wag syang tatabi kung ayaw nyang pilipitin ko ang leeg nya.

"Ano nang balak natin?"

"Haay wag mo nga akong kausapin nag iisip ako!"

"Eto naman ang sungit sungit! Chill ka lang T-Boom."

"Paano ako makakapag chill eh galit sakin yung babaeng mahal ko?"

"Alam mo ang arte mo din eh no. Puro ka Andrea. Lagi na lang si Andrea! Si Andrea na walang malay."

Lord please ilayo nyo po ako sa taong ito. =____=

"Ako nang bahala sa kanya basta T-Boom, chillax ka lang jan okay?" sabi nya saka tumayo at naglakad.

"Ewan ko sa yo." sinundan ko na lang sya ng tingin. Wala pa ako sa mood umuwi buti na lang hindi ako susunduin ni kuya ngayon. Feeling ko kasi may hinihintay ako na hindi ko alam kaya ayoko pang umuwi.

Siguro hinihintay ko yung "paraan" na gagawin ni Brenard. Ay ewan, as if naman na gagawa talaga ng paraan yung tikbalang na yun!

Pero wala pang fifteen minutes natanaw ko na si Brenard na palapit sa kin... at kasama nya si Andrea. Hindi lang basta kasama, nakaakbay pa sya rito.

Huh!?

Feeling ko may kumurot sa puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bigla ko na lang iniiwas ang tingin ko dahil parang naiilang akong makita silang magkasama at ang sweet nila.

Sila na ba ulit?

Alam ko na! Siguro nasasaktan lang ako dahil nakita kong nagkabalikan na sila, kasi mahal ko pa rin si Andrea.

"T-Boom."

Pagkatingin ko sa kanila ibinaba ni Brenard ang braso nya na nakaakbay kay Ands.

"Wow congrats, kayo na pala ulit." parang may kumurot ulit sa puso ko habang sinasambit ang mga katagang yun.

"Oo Sam." umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Pasensya ka na ha, kung hindi kita pinansin kanina. Akala ko kasi kaya ayaw mo si Brenard para sakin eh dahil may gusto ka sa kanya."

That's My TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon