That's My Tomboy -- Five
"Nasisiraan ka na ba ng bait?"
Nandito kami ngayon ni Brenard sa likod ng seniors' building. Kanina pa nya ako sinusundan eh kinukulit na ihahatid nya daw ako pauwi. Dito ako pumunta at baka makita kami ni Andrea.
"Bakit? Wala namang masama diba?"
"Baka nakakalimutan mong girlfriend mo na si Andrea."
"Psh. Para namang gusto ko maging kami."
"Bakit kasi binalikan mo si Andrea, eh hindi ko naman sinabi na ganon ang gawin mong paraan para magkabati kami."
"Oo na, eh di ibe break ko na sya ngayon din."
"Oy oy oy!" dali dali kong hinawakan ang braso nya para hindi sya tuluyang makaalis. "Wag mo gawin yan!"
Napatingin sya sa kamay kong nakahawak sa braso nya at napangisi. "Chansing ka ha."
Binitawan ko agad ang braso nya sabay sabing "Kapal ng muka mo!"
"Dali na kasi ihahatid na kita. Baka mamaya ihatid ka nanaman ng Drew na yun eh."
"Ano ba'ng problema kung ihatid nya ako? Tsaka hindi nya naman talaga ako hinahatid lagi. Nagkataon lang nun na nagkasabay kami. Ikaw naman, nagalit ka agad."
Teka nga!? Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya?
"Talaga?"
=____=
Bakit ba ganito magtanong ang lalaking to. "Oo nga. Sige na umalis ka na at baka kanina pa sya naghihintay sayo."
Ngumiti lang sya na parang bata tapos umalis na.
Naglakad na rin ako palabas ng school pero nagulat ako nang abutan ko si Drew dun. "Kanina pa kita hinihintay." nakangiti sya sakin.
"Ha? Bakit naman?"
"Gusto ko kasing sabay ulit tayong umuwi."
"Ikaw talaga, may nag aabang nanaman ba sayo?" XD
"Diba sabi ko naman sayo kahapon, matapang na ako." WEEHH!? Hindi ako naniniwala XD "Tsaka magkaibigan naman tayo eh. Sabay na tayong umuwi."
"Hmm sige.."
Bigla akong nakaramdam ng guilt kasi sabi ko kay Brenard hindi ako sasabay kay Drew pauwi. Ano nga palang pakialam ng damuho na yun? Siguro naman nauna na yun umuwi kaya ayos lang sumabay ako kay Drew.
"T-Boom."
Nagulat ako at napalingon sa direksyon ng nagsalita. Si Brenard kasama si Andrea na nakahawak sa braso nya. Seryoso ang tingin ni Brenard samin ni Drew habang si Andrea naman nakangiti.
"Mukang may nanliligaw na sayo Sam." sabi ni Andrea saka nag wink. Bumaling sya kay Brenard. "Tara na babe."
"Ouch." mahina kong sabi pagkaalis nila. Eto nanaman yung pakiramdam na nasasaktan ako pag magkasama sila.
"Mauna ka na Drew, may pupuntahan pa kasi ako."
"Sige. Ingat ka Sam."
Pagkaalis ni Drew pumara na ako ng taxi at pumunta sa bar na pagmamay ari ng kaibigan ko.
"Samantha!" Tuwang tuwang bati ni Ronan sakin pagkadating ko dito sa bar nya. "Buti naman at napunta ka ulit dito sa bar."
"Maka "Samantha" ka naman! Syempre tol namiss ko kasi kagwapuhan mo eh." sabi ko at sabay kaming natawa.
Kahit na parang nag joke ako, totoo yung sinabi ko. Namiss ko sya kasi sya yung takbuhan ko pag may problema. Ganun din sya sakin. Sa akin din sya nagkekwento pag may problema sya. Bestfriends na namin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
That's My Tomboy
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang Tomboy (ano pa ba? XD) at subaybayan natin ang pagdadalaga nya na magpapatawa at magpapakilig sa inyo. :D