🎶 And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now
And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
And sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight 🎶
“AND I DON’T WANT THE WORLD TO SEE ME...’CAUSE I DON’T THINK THAT THEY’D UNDERSTAND. WHEN EVERYTHING’S MADE TO BE BROKEN, I JUST WANT YOU TO KNOW WHO I AMMMMMMM.”
“Ok. Okay Cayin. I know. Rockista ka na. Ganda na ng boses mo. Okay na?” sabi netong katabi ko.
“Tsss.. eto naman basag trip eh noh?? HAHAHA.”
“Hahaha. Girl pano ba naman kausap niya sa phone Labidabbbss niya. Halos sumisigaw ka na jan eh. Hahahahaha.” Sabi naman ni Clara.
Pano naman. Eh tong si Yanna. Panay ang asar. Iparinig ba sakin ang ang lambingan nila ng Vince niya. And worst, the endearment.... Honeybunch?? Tsssss. I indeed hate that.
Nandito kami ngayon sa Van. Papunta kasi kami sa isang bar and may gig kami. Yah. Gig. May banda kami. And eto pinagkakaabalahan namin bukod sa studies.... “And Boyfriend” hay. And boyfriend daw sabi nila. Aba!? How come na narinig nila sinasabi ko? Tsss.
Anyways, tong katabi ko, si Yanna Marie Rodriguez. Guitarist. May boyfriend na yan and oo na, sila na ang masaya. Pero ewan ko ba kung bakit kahit may boyfriend na siya eh nagagawa niya pang kiligin sa iba. Sabi niya, nililibang niya lang daw ang sarili niya. Eh long distance sila eh, kaya ganun. Hm, bakit ko nga ba kinikwento eh love life niya naman yun? Tss. “Inggit ka lang!” sabi ni Yanna, ay aba! “Uy hindi ahhh!!!” sabay hampas ko sakanya ng unan sinasandalan ko.
Si Clara Yin Fernandez naman, nasa unahan namin, my beloved bestfriend. Drummer. Astig nuh? Bestfriend ko eh. Haha. Almost 10 years na ang friendship namin and siya yung tipong taong ngayon palang nakaranas maging single. Every break up kasi sa nagiging BF niya, siya naman ang may kaagad na nangliligaw sakanya at siyang sinasagot niya. Hmm, pwede na din i-consider as rebound? Pero atleast, habang tumatagal minamahal niya na ang nagiging BF niya. But now, she’s enjoying being single. Kahit dami niyang suitors. Ganda eh. ;) “Thank you Girl! :*” sabi ni Clara sabay kindat sakin. Narinig niya? O.o
Hmm, yun naman katabi niya, nananahimik lang dahil sa kakalaro ng COC, Xayendra Louie Lopez. Pianist. Siya din bahala sa Violin kapag kailangan. Talented yan. Bukod sa pag tugtog, magaling din siyang cartoonist and painter. Biniyayaan din sa pag sayaw at galing sa public speaking. Hay nako, siya na tuloy. Wala ata siyang payong nung nag pa-shower si Lord ng talents eh. Kaya yun, halos lahat nasagap niya. Dami din suitors and admirer dahil sa pagiging talented and beautiful niya. “Uy! Hindi naman.”Pag kontra ni Xayen. Hala??
Eto naman sa likod, nananahimik kasi busy matulog, Hannilyn Xei Gutierrez. Bass Guitarist. Nag se-second voice din. Siya ang pinaka-positive sa lahat. Dikit-dikit sasabihin niya, ‘may plano si Lord’. Kaya siguro grabe ang tiwala niya na makikita na niya soon ang ‘one of her dream boy’ niya. Yan tuloy, NBSB padin. Kahit sa sobrang cute niya, maraming nagkaka-krush sakanya, pero bilang lang sa isang kamay ang naglalakas loob mangligaw. Ewan ko. Siya yung parang bunso samin. At hilig niya talaga ang matulog. Pakatapos ng practice namin ang alam lang niyang gawin, pupunta sa kung saang sulok at matutulog. Kaya chuma-chubby eh. HAHA! “Narinig ko yun...” Hmf. Ang weird na pramis!
BINABASA MO ANG
CAYIN
RandomGusto mo nalang makalimutan ang lahat dahil sa pinag-gagawa niya at pag-sira ng masaya mong buhay mo dahil sakanya. Kaso balak mo din bang makalimut kahit kasabay nito ay pagkalimut din ng taong mahalaga at nagmamahal sayo?