“From now on, I will be with you everytime na may pupuntahan ka, lalo na kapag malayo.”
“U—uhm EXCUSE ME?? Nakipag-away pa nga ako kay Popa dahil gusto niyang may buddy guard ako matapos niyang malaman yung—aarrggh. Basta! Ayoko ng buddy guard!” Yari lang. Ayoko kayang may palaging nakabuntot sakin.
Pero ano bang nagagawa ko. Eh buntot na nga ng buntot tong si Marj. Ano ba kasi nakain nito at bigla-bigla niya nalang naisipan na ganun???
I wanna be close to you, always, starting now. Yun lang, at bayad ka na.
Huuuuhh?? Hindi ko gets ang trip niya ah!
“Bakit buddy guard ba ang ina-applyan ko? Hindi naman aah”
“Eh ano? Stalker? Wag na. Marami na ko nyan.” Minsan, nagiging sinungaling at makapal na din ko kapag kausap ko tong’ feeler na to’ eeh. Dahil sa mga pinagsasabi.
“Panget lang ang stalker nuh. To’ng mukhang to? Stalker?”
“Ano pala, ADMIRER? Psh. Gwapo mo huh.”
“Hmmm, pwede na din. Tutal gwapo naman talaga ako ehh.” Hinampas ko siya ng dala kong paper bag.
“Kaw talaga! Alam mo, nung unang pag-uusap lang natin sa Bar ang galang-galang mo lang tapos simula nung tinulungan mo ako, ang kapal mo na din nuh? Dapat pala di mo na ako tinulungan!”
“Sigurado ka ba? Dapat di na kita tinulungan??” Sinasabi niya yun na mejo nilapit niya nanaman ang mukha niya sa left side ko at ngumingisingisi. Oo na sige! Dahil nga sayo’di na ako nakita pa ni Marvs. Psh.
“Che! Lumayo ka nga!” At nauna na akong maglakad sakanya at iniwan siya.
Nandito kasi kami ngayon sa mall. Sinamahan niya ako, hmmm, actually, sumama lang siya na bumili ng damit na gagamitin ko sa gig. Futuristic kasi ang concept eeh. Matapos kasi nung pagkanta ko dun sa Bar, na kilalang dinadayuhan ng mga sikat, may isang kamag-anak ng artista ang ni-recommend ako sa Debut Party ng anak niya. Gutierrez ang apelyido. May mga kilala naman siguro kayong Gutierrez na sikat diba? KAMAG-ANAK NILA YUN. Sila na tuloy! Kaya nga mejo bongga! At ang trip, hindi yung kadalasang may cotillion, kundi parang tamang party sa club. At kami yung kinuhang banda. Thankful nga ako eeh kasi dagdag pa to sa achievements namin. Kaya dapat paghandaan kasi, mahirap ng mapahiya. Hindi nga ako sanay na may kasama kapag nagsho-shopping eh. Ewan ko ba dito at di ako malubayan. Psh.
"Nagmamadali lang?"
"Ay peste!!!" Hooooh! Kaw ba naman bigla-biglang kunin ang kamay sabay ihinarap sa kanya.
"Aray ko po. Peste na pala ang tulad ko? Hmmm?" Sabay nag-isip at pinamumukha niya nanaman sakin na gwapo siya. Nilagay niya yung kamay niya sa baba niya na parang nag-iisip pero nagpapa-cute. Tssss. Yabang talaga, hmmm, hindi din, makapal lang.
"Kapalmuks! Psh."
Hinayaan ko nalang siya at naglakad na papuntang store. tsaka nag hanap ng damit.
"Arrrrrgg! Ang hirap naman hanapan ang ganong motif! Tsk!" Umikot na kasi kami ng umikot sa kung saan, WALA AKONG MAHANAP. Lalo pa't wala akong maisip na style kung anong idadamit ko. Waaaaaaahh! Hindi naman kasi ako fashionista ehh. Sa totoo lang, T-SHIRT girl ako. Kasi alam ko naman na kahit T-shirt lang, maganda ako eh. De, joke lang. Ay nako. nahahawaan na ako ng kakapalan nito. Psh.
"So ngayon, bigyan mo akong pagkakataong magsalita okay?" Ayan, nagpapaalam siya. Eh kasi naman, tuwing nagre-react ako sa mga damit na di uma-akma sa gusto ko, siya naman ang pagpupumilit na 'Okay lang yan. Kahit san ka man maganda' O di kaya, 'Try mo to'! Maganda to'!' Pero trip lang pala. Tapos 'Eto GOWN, bagay to'!' Bagay? San ka nakakitang acoustic/rock band na naka-long gown?? Ewan! ANG INGAY NIYA IN SHORT! Kaya pinatigil ko. Sabi ko, wag siyang magsasalita o, aalis nalang ako at di na sisipot sa debut?
Kaya sinunod niya. Kaysa naman masira ang celebration ng KAPATID NIYA.
Kanina ko lang kasi nalaman na KAPATID NIYA PALA YUNG MAG-DEBUT. Ibig sabihin, anak din siya nung nag-recommend sakin. Ibig sabihin, Gutierrez din ang apelyido niya. Ibig sabihin, kamag-anak niya din yung mga sikat na Gutierrez. SIYA NA TULOY! Kaya ang kapal ng mukha eeeh. Yabang!
Kaya ang pinag-tataka ko kung bakit pa siya nagta-trabaho dun sa club na yun? Eh sa tingin ko mayaman naman siya. KAYA PALA ENGLISHERO NUNG UNA. Ewan. Ang gulo ng buhay. Bakit, pakealam ko ba?
Hinila niya ako sa isang shop kung saan, "Good Morning Sir Mark Jyosef" ang pambungad samin ng mga sales lady. Mark Yowsef? Sino yun?
"This will be perfect for you. Partner mo to'and that's it. You'll be the most beautiful vocalist on that night." Malamang eh ako lang naman siguro ang magiging vocalist on that night kasi kami nga ang banda diba? Salamat sa compliment! Psh.
Semi-silver-black-gray-white-cocktail with diamonds in the sky. Okay, waley. Pero, ANG CUUUUUUUUUUUUUTTTTTTTEEEEEEE!!!!!!! Syeeeeeeeeat! I realy love silver-black-gray-white, okay in short NEUTRAL COLORS! How come na alam niya ang taste ko????
May patutunguhan naman pala ang pag-sasalita nito ba't di niya pa ginawa kanina? Eh di sana di na ako napagod sa kakaikot! Tss.
"Eto ConHeel. Alam ko kasi, di ka marunong mag stilettos, kaya para mejo astig din tignan."
"ConHeel??"
"Ano ka ba. Kababae mo, di mo to' alam. Converse with Wedge or Heels" Alam ko naman yan eh, nakikita ko naman. Ang naguluhan lang ako sa short cut mong ConHeel. Enebeyeeeen. ConHeel pa kasing nelelemen. Psh.
"Ikaw huh. Di mo nabanggit sa lahat ng kadaldalan mo, may sense of fashion ka naman pala?"
"Syempre ako pa!"
"Bakla ka no!? Yiiiieee."
"Oo nama-- HAAAAH!? Anong sinabi mo?!"
"Wahaahahhahahahhahhahahhahhahhhahah!" Ayown! Inamin niya din! Kaya pala, kaya pala na-we-weirduhan ako sakanya eh. Sinasabi ko na nga ba. Bakla pala huh. HAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHA HAHAHAHA HAHAHA HAHAHAHA HAHAHAHA AHAHHAHAHAH HAHAHAAHHA HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHA! Dami kong tawa! Di ba halata?
*Smack!*
O/////////////////////////////O
"Bakla pala huh?" *smirk*
"Ang sweet niyo naman po Sir Mark Jyosef. Invitation nalang po sa kasalan." Sabi nung epal na sales lady.
*Pak!*
Di ko na siya hinintay magpaliwanag. Iniwan ko siya dun at dali-daling lumabas sa store, na di ko alam kung san ako pupunta.
TAKTE LANG! SINO SIYA PARA HALIKAN AKO?????
ARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGHH!!!!!!!! ANO BA KAYO!!!!!! LAGI NIYO NALANG AKONG PINAIIYAK!!!!!!!!
Ano bang kala nila sakin?? Na ganun-ganun lang? Na ang mga ganong bagay, kung sakin ayos lang?? AYOS LANG???? EASY TO GET BA AKO TIGNAN???? PAKSHIT! PAKSHIT! PAKSHIT!
Tutulungan niya ako, tapos biglang ganun???? ANO BA KALA NIYA SAKIN???? GANUN LANG KADALI?????? ANO BA KASI BALAK NIYA?? IPAALAM NIYA NAMAN OOH PARA UPDATED NAMAN AKO!!!!! HINDI YUNG BINIBIGLA AKO!!!!!!!!!! LOKOHAN BA HUH? LOKOHAN??? BALAK NIYA DIN AKONG PAGLARUAN????
SINASABI KO NA NGA BA! PAREPAREHO LANG SILA!!!!!!!!!!!!!
BAKIT BA SILA GANYAN SAKIN?????? ANO BA GINAWA KO SAKANILA, Ba't parang pakiramdam ko ang baba ng tingin nila sakin. Nakakasakit na. Nakakasakit na talaga...
Di ko na kinayanan maglakad. Biglang sumakit dibdib ko. Grabe na kasi. Grabe na kakapigil ko sa pag-iyak ko. Na siyang nakakahiya dito sa loob ng mall. Madaming tao. Siguro napapansin na nila ako dito sa kanto malapit sa exit papuntang parking, pero wala akong pakialam. Nasaktan ako. Feeling ko mauulit nanaman ang nangyari sakin kay Marvs. Pwede ba tama na?
"Cayin?" Di ko alam, nung bigla kong narinig na tinawag ang pangalan ko, naiyak ako lalo. Hanggang kailan ba ako iiyak? Ang babaw ko na.
Kaso, ang hindi matanggap ng mata ko ay makita ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko.
"MARVS???????"
![](https://img.wattpad.com/cover/9293868-288-k438611.jpg)
BINABASA MO ANG
CAYIN
De TodoGusto mo nalang makalimutan ang lahat dahil sa pinag-gagawa niya at pag-sira ng masaya mong buhay mo dahil sakanya. Kaso balak mo din bang makalimut kahit kasabay nito ay pagkalimut din ng taong mahalaga at nagmamahal sayo?