“Carlene! Ano ba!? Kausapin mo ko!! Cayin!” Derederetso lang ako sa pag-takbo. Di ko alam kung san ako pupunta basta ang alam ko lang, ayoko na siyang makita.
Oo na, sige na, inaamin ko na! Mahina padin ako! Akong isang tangang babae na makatapos ng lahat ng ginawa niya sakin eh nagpakatanga pa!
Kahit nagawa kong ipamukha sakanya sa harap ng maraming tao na kaya ko na, na wala na sakin lahat, na kayang-kaya ko na, eto padin ako tangang nagpa-talo! Ang lakas ng loob kong mag-pretend sa harap ng maraming tao ano? Ang tanga ko!
Pakatapos kung lumapit at ibulong sakanya yung huling verse ng kanta, hindi ko iniexpect na hahawakan niya ako sa magkabila kong mukha. Ako naman tong talagang tanga at hinayaan lang na mangyari ang lahat.
Hinalikan niya ako.
Sa harap ng barkada niya. Sa harap ng maraming tao. Sa harap ng kinantahan ko. Sa harap nilang lahat.
At hindi ko alam kung bakit imbes na sampakin ko siya eh tumakbo ako sa backstage. Takte! Bakit pa ba kasi ako naiyak sa lagay na yun!
Gago ka Cayin! Gago ka! Naisahan ka nanaman!
“Carlene, sandali lang ohhhhhh! Carlene!” Tumatakbo padin ako habang umiiyak. Leche. Para akong bata na napahiya sa harap ng maraming tao at pakatapos tatakbo at umiiyak.
“Cayin!” Nahabol niya ako at nakuha niya ang kamay ko. Hindi ko na alam gagawin ko.
“Cayin.... Sorry. Sorry hindi ko sinasadya”
“Hindi sinasadya!?? Pustahan yun alam ko!”
“Hindi ganun yun Cayin—“
“Wag mo kong hahawakan! Lalo’t wag mo kong susundan! Marvin please naman! Tantanan mo na ako. Ako tong nahihirapan dahil sayo’! Di mo ba alam nakakamiserable ka na ng buhay?! Please lang.”
“Cayin, alam mong hindi ko kaya.”
Ayoko na siyang pakinggan pa. Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin at tumakbo ulit ako. Tumakbo ng tumakbo. Hanggang kailan ba ako tatakbo ng ganito?
Hanggang kailan ba ako magpapakalayo sakanya?
Hanggang kailan ba ako makakaiwas sa ganitong bagay?
Ang gusto ko lang naman maging masaya, bakit pa ba niya ginugulo?
Hindi padin siya tumitigil. Nasa may corridor na ako. Habol habol niya padin ako at di ko lang alam kung mabilis ba talaga siya o sadyang, mahina lang ako. Malapit na siya sakin at buti nakarating na ako sa labas ng compound. Siguro eto na yung likod ng bar at di ko alam kung san ako pupunta. Ayoko na siyang makausap. Please lang.
Hanggang sa my humila sakin. Hindi ko na nakita kung sino at dinala niya ako sa mejo maliit na kwarto.
Yinakap niya ako. Wala na akong pakialam kung sino man siya basta ang iniisip ko nalang, hindi ako nahanap ni Marvin, at feeling ko, safe na ako.
“Dito ka nalang muna.” Saka ko napagtanto, yung waiter pala kanina na kausap ko ang kasama ko.
“Sa—salamat. *sob* *sob*” Hindi padin ako natigil sa pag-iyak. Nakakainis naman kasi! Panira ng gabi! Kung saka nag-eenjoy na ako at kung kelan, nakapag-isip na ako, saka naman siya umeepal.
“No worries. Dapat sana eto na yung huling iiyakan mo yung gago na yun.” Hindi ko alam sasabihin ko, napangiti nalang ako.
“Pero ngayon, ayos lang yan. Di mo naman kasalanan eh. Ilabas mo muna yan. I-hagulhol mo na yan. Baka kung san pa yan lumabas.” Natawa ako sa sinabi niya at nahampas ko siya. At the same time, naiyak. Grabe lang. I-encourage ba naman akong umiyak?
Yun. Humagulhol nga ako. Eto naman kasi eeeh. Imbes na pigilan akong umiyak.
“Oooooaawwyy. Kawawa naman ang bata.” Tapos hinawakan niya ang ulo ko na para talagang batang umiiyak dahil hindi pinagbigyan ng kendi. Tapos umasta pa siya na parang ang kinakausap niya eh baby.
“Alam mo para kang tanga!” Hinampas ko siya sa braso.
“Aray! Ang brutal ah!”
“Niyakap mo ko di naman tayo close!” Pasigaw ko. Pero, mejo pungag dahil sa sipon.
Nagulat ako kasi bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
“Eto, close na ba?” At ngumiti siya.
“Waaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!!!!!” Sigaw ko po.
“Aray! Aray! Araaaaaaaay!!! Ang mean!” Pinagtatapon ko sakanya yun mga karton na nakapalibot samin. Teka, mukhang stock room to ahh?
“Siguro manyakis ka noh??? May balak kang gawin sakin kaya mo ko dinala dito??? Bastos! Bastos!”
“Eh tinulungan na nga kita eeh! Sige tuloy. Tawagin ko na yung lalakeng naghahabol sayo’.” Papalabas na sana siya ng stock room ng pinigilan ko.
“Wag!!!” Huminto naman siya at humarap sakin.
“Imagine if I didn’t bring you here?”
Napa-isip ako.
“Eh bakit ka naman kasi lumalapit ng ganun sakin!? Siguro may balak ka noh! May balak kang—ano, uhm—”
“I’m just putting a joke out of conversation. Di mo nakita yung sense ng joke? Yung CLOSE??” Tapos nilalapit niya nanaman mukha niya sakin.
“Oh, oh, tama na yan.” Hinarangan ko ng kamay ko yung mukha niya. “Oo na... So—sorryyy.”
Kung di mo lang ako tinulungan. Psh.
“Sorry? Hmm, accepted. NOT accepted.” Aba ang arte lang?
“Eh?”
“Matapos kitang tulungan tapos hinampas-hampas at tinapunan mo ko ng karton eh di naman tayo close.”
“So? Quits lang noh.”
“Nope. May utang ka sakin. Bwahahahaha.” Sinasabi ko na nga ba. May masamang binabalak to sakin eh. Natutunugan ko na eh.
“Utang? Bakit credit card ka ba?” Hindi mo ata kinikilala kausap mo eh. Huh! Mayaman ata to’ uy! Psh. Kaya nga naloko eh kasi, kinakwartahan. Ayst. Hay ano ba yan! Bakit ume-extra ka pa! Marvin, kahit sa isip lang oh, lubayan mo na ko!
“Hindi, debit card. Wanna know why?” Eh? At sasakayan niya pa ako?
“Okay. I’ll pay you money. You need money? Yun lang naman kailangan mo diba? Diba?” Psh. Par-pareho kayo! Para mo na ring sinusuportahan sarili kong theory. Na lumalapit lang kayo saking mga lalake in just two reasons. It’s either PHYSICALLY or ECONOMICALY!
Takte lang. Parang di ko naman ata tanggap yang teyorya kong yan. Please naman oh, sana hindi totoo. Ayan, may namumuo nanamang luha sa mata ko.
“I wanna be close to you, always, starting now. Yun lang, at bayad ka na.”
Ano daw??
BINABASA MO ANG
CAYIN
RandomGusto mo nalang makalimutan ang lahat dahil sa pinag-gagawa niya at pag-sira ng masaya mong buhay mo dahil sakanya. Kaso balak mo din bang makalimut kahit kasabay nito ay pagkalimut din ng taong mahalaga at nagmamahal sayo?