Nakaupo ako dito sa may malapit sa exit, umiiyak. Tapos nakita niya ako. Parang mauulit yung dati...
^FLASHBACK^
Para na akong tangang nakaupo dito sa gilid malapit sa exit ng mall, umiiyak.
Nag-away kami ni Marvs. Di ko naman kasi maiwasang magalit nang makita ko siyang may kasamang babae, habang ako, nag-iisa sa mall dahil sabi niya may importante daw siyang gagawin kaya di niya ako masamahan.
Bukod pa dun, ilang weeks na siyang di nagpapakita sakin. Kahit sa communication hirapan na kaming magkausap. Tapos makikita ko siyang may kasamang ibang babae? Na nakapulupot pa sa kamay niya?
Ang sweet pa nila.
Natural, magagalit ako.
Kaya nilapitan ko sila at di ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko at naisipan kong gawin yun.
"Busy pala aaahhh!" binuhusan ko siya ng dala-dala kong cokefloat. Natural, pati yung babae madadamay dahil sa lakas ng pagkabuhos ko sakanya. Kaya nagalit siya sakin.
Hindi ko naman kasi alam na pinsan niya pala yung kasama niya.
Masyado kasi akong nadala sa mga sinabi sakin nila Claire na habang di sakin nagpapakita si Marvs, nakikita daw nila madalas si Marvs sa mall o sa restaurant na may kasamang babae.
Akala ko siya na yung kasama niya kaya agad ko namang sinugod.
Masisisi niya ba ako kung nagse-selos ako dahil Girlfriend niya ako?
Kaya matapos niyang magalit at sigawan ako, "CAYIN!!! ANO KA BA!!??? NABABALIW KA BA??PINSAN KO TO'!!! BAKIT MO KAMI BINUHUSAN!!!??"
Parang wala kami sa mall noh? Nagsitinginan ang mga tao.
Kaya tumakbo ako papunta dito. Nakakahiya. Napahiya ko sila.
Lalo na ang sarili ko.
Nag-eskandalo ako dun.
Agad-agad naman kasi ako eeh! Bat di ko muna kaya inalam kung siya ba? Tanga!!
Eh kaso, malay ko ba naman kasing pinsan niya yun.
Pero bakit naman kasi ganun sila ka-sweet? May pa holding hands pa silang nalalaman? May ganun ba kasweet na mag-pinsan?
Haaaaay. Ano ba tong gulong pinasukan ko. Sigurado, galit na galit na yun sakin.
"CAYIN!" Napatayo ako bigla nung tinawag niya ako. Sana naman hindi siya galit. Pero, may kasalanan din naman siya ah? Tama din bang magalit din ako?
"Hi-hindi ko naman kasi ala--" Sinabi ko yung habang pinipigilan kong umiyak.
"Hindi alam??? Yan! Jan ka magaling!! Akala mo magaling ka na sa ganyang bagay??? Na lahat ng kutob mo sakin, totoo?? Ano Cayin!?? Ako nanaman ba ang may kasalanan??? Hindi eeh. Pwede bang ikaw naman!!???"
Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun ba ako kasamang girlfriend para pagsalitaan niya ng ganyan? Hindi ako natigil sa pag-iyak. Sino ba naman kasing hindi maiiyak sa ginagawa niya. Halos, sumisigaw na siya dito, at marami ng nakakakita.
"Pwe-pwede, sa labas nalang tayo mag-usap."
"HINDI! PINAHIYA MO AKO! AT ALAM KO, MASAYA KA DUN DIBA??"
"So--sorry, sorry na. Hindi ko nama-- *sob* nadala lang ako ng--"
"Ngayon tignan natin kung anong feeling na ikaw naman ang mag-sorry."
Tapos iniwan na niya ako na umiiyak at pinagtitinginan ng mga tao.
Saklap ba?
^END OF FLASHBACK^
"Anong nangyari sayo?" Parang kala mo concerned. Psh.
"Wala kang pakialam!"
"Cayin, may pakialam ako."
"Wala." Pinunasan ko mga luha ko. Please naman wag ka ng dumagdag pa.
"Sino nagpaiyak sayo??!"
"Huh! Pano kung sabihin kong ikaw? Gugulpihin mo sarili mo??" Please Marvin. Kung pwede wag mo nalang akong kausapin.
"Cayin."
"Pwede ba." Wag na sanang makulit.
"Concerned lang ako. Hayst. Wag ka ng umiyak." Kung makapag-patahan sakin parang kala mo, hindi siya isa sa dahilan ng pag-iyak ko!
"Kung ganun lang nga kadali magpatahan ng isang tao, sana ayos lang sakin na gaguhin mo lang ako ng gaguhin diba?!"
"Cayin, ano ba, di pa ba malinaw sayo ang lahat??"
"HINDI! AT WALA KANG KARAPATAN KUNG MALINAW NA SAKIN O HINDI BASTA ANG SAKIN, WALA KANG PAKIALAM! NARINIG MO YUN??? PLEASE NAMAN!"
"Cayin pwede ba? Nagsitinginan na mga tao dito ooh."
"WALA AKONG PAKIALAM AT WALA KANG PAKIALAM KASI NGA DIBA NAGAWA MONG GAWIN SAKIN YUN LAHAT!" Mix emotion. Yan na ang nararamdaman ko sa ngayon. Di ko na alam kung san mapupunta tong sigawan na to'. I'm out of control.
"Cayin, wag dito. PLEASE." Sinabi niya yun ng hindi mapakali. Parang may gusto siya gawin.
"ANG GALING GALING MO NGA EH! KUNG MAY GUSTO MAN AKONG IPAALAM SAYO YUN EH GUSTO KONG IPAALAM SA BUONG TAO DITO SA MALL KUNG PAANO NAGING MISERABLE ANG BUHAY KO DAHIL SAYO!" Wala na talaga akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Basta ang gusto ko, mailabas na tong lahat na dinadala ko. I need to release this, baka sumabog na ako.
"Cayin, please. STOP." Pagpupumilit niya sakin na parang may pinipigilang sabihin.
"GUSTO MO ISA-ISAHIN KO---"
"I SAID STOP----"
Napapikit nalang ako.
"San mo balak itama yang kamay mo?" cold na pagkasabi niya.
Nang pag-mulat ko, nakita ko siya habang hawak ang nakataas na kaliwang kamay ni Marvs.
Pinigilan niya si Marvin na balak sana akong saktan para tumigil ako sa pagsasalita.
"Guard, bring him to the office at pakisabi sa Chief niyo na bigyan siya ng record at wag ng papasukin pa dito sa mall." Sabay kinuha na ng dalawang guard si Marvin na gulat at walang imik.
Hindi ako makapaniwala. Kung makapag-utos siya parang sarili niya ang mall.
Hindi, mayabang lang talaga.
"Okay ka lang?" Isa sa pinakainiinisan kong tanong. Matapos ng nangyari, sa tingin ba niya okay lang ako? At saka, may kasalanan pa siya sakin nuh!
Hindi ko na tuloy alam kung anong ire-react ko sakanya. Sa pangalawang beses, tinulungan niya nanaman ulit ako mula kay Marvin.
ANO NA BANG GAGAWIN KO??
BINABASA MO ANG
CAYIN
RandomGusto mo nalang makalimutan ang lahat dahil sa pinag-gagawa niya at pag-sira ng masaya mong buhay mo dahil sakanya. Kaso balak mo din bang makalimut kahit kasabay nito ay pagkalimut din ng taong mahalaga at nagmamahal sayo?