CHAPTER 1

57 2 0
                                    

Ako nga pala ulit si Renai. Pwede niyo rin akong tawaging RENREN kasi yun din halos ang kadalasang tawag sa akin ng mga kamag-anak ko at mga kakilala ko. 17 taong gulang na ako ngayon at kasalukuyan pa akong nag-aaral sa sekondarya. 3rd year highschool pa lamang ako kasi nag-stop ako sa pag-aaral dahil wala kaming pantustos sa tuition fees ko. 2 years din ako nag-stop. Hindi ako masyadong kagandahan at hindi rin ako mayaman. Maputi din ako at matangkad. Mahaba, deretso at itim ang aking buhok at kulay asul ang aking mga mata. Lahi kasi ng mother’s side namin ang kulay asul ang mata. Wala kaming lahing Amerikano o ano pa man. Pure na pure Filipino kami. 2 lang kaming magkapatid. Ako ang bunso at mayroon akong kuya, si Kuya ICE. Ice ang tawag sakanya dahil ang kanyang pangalan ay Isaiah James Marquez. Close din kami kahit papaano. Nagkakasundo kami lalo na sa pagdating sa pagtugtog. Mahilig kasi kaming mag-duet ng kuya ko. Siya sa gitara at ako naman sa violin. Madalas kaming tumugtog sa mga party o mga kasal atbp. Lagi naming tinutugtog ang mga kantang OPM. Tumutugtog din naman kami ng foreign songs kapag narerequestan.

Summer ngayon kaya marami kaming tugtog. Karamihan sa mga bistro at mga Beachside dito sa Pilipinas. Ngayong araw, pupunta kami sa Boracay dahil kami ay nakumbida ng aking Tita Lorie. Kasal kasi ni Tita ngayon at sa Boracay gagawin. Mayaman ang pamilya ni Tita dahil ang kanyang napangasawa ay isang Engineer kaya minsan kapag nakakaluwag siya, tinutulungan niya sila mama at papa na pag-aralin ako. Habang nag-iimpake ako,

“ANAK! BILISAN MO! ANDYAN NA YUNG MAG-HAHATID SA ATIN SA AIRPORT!”

sigaw ni mama.

“OPO MA! PABABA NA PO SAGLIT LANG”

sigaw ko naman habang nagmamadali akong hanapin ang aking mga pyesa sa pagtugtog.

Nang makalabas na ako ng bahay ay agad na akong sumakay sa sasakyan upang makarating sa airport. Nang makarating na kami sa airport ay pinuntahan naming an gaming flight number. Nang makarating kami sa Boracay,

“WOOOOW! MA, PA, TINGNAN NYU PO OH! ANG GANDA PO NG PAG-KAKAAYOS NG KASAL NI TITA DITO.”

Paghanga ko sa gayak at ayos ng mga upuan at mga bulaklak.

“OO NGA ANAK”

sambit naman ng papa ko.

“MALAPIT NA PO ANG DEBUT KO AH? SAAN PO BA GAGANAPIN? HAHAHA.”

Pang-aasar ko sakanya.

“HAYAAN MO ANAK, KAPAG YUMAMAN  TAYO DITO NATIN ICECELEBRATE ANG DEBUT MO.”

Pagsasabi niya habang nakangisi siya. Hahahaha. Nakakatuwa talaga si mama. Lagi siyang positive. Mahilig pang maki-ride sa jokes. Hahaha.

Noong dumating na lahat ng bisita, nagsimula na ang seremonyas at mga kainan. Tumugtog narin kami ng kuya ko sa stage. Pagkatapos lahat ng programs, mayroong sayawan sa dulo kung saan ay may kanya-kanyang kapartner ang mga bisita. Ako nga lang ata wala eh.

Habang natutuwa akong pinapanood sila, may isang lalaking lumapit sa akin. May itsura din naman siya eh. Mukha ding maamo yung mukha niya. Naka-polo shirt siya at naka-jeans. Ang hindi ko alam, may banda pala ang kuya ko. Kabanda niya pala ito kaya kilala niya ako.

“AH, MISS RENAI? MAY I DANCE WITH YOU?”

Maygaaawd! Kilala nga niya ako. Napaka-unfair talaga ni kuya oh! Hindi niya sinasabing may banda pala siya. Gusto ko pa namang sumali sa mga banda.

“AH, CGE PO KUYA?”

naputol ang pagsasalita ko nang sabihin niyang

“JUST CALL ME BRYAN. KABANDA NGA PALA AKO NG KUYA MO.”

Ahh. Cool naman siya eh. Mukha nga lang playboy. Hahaha. xD

“AH GANON PO BA. SORRY PO KASI HINDI KOPO ALAM NA MAY BANDA ANG KUYA KO. HINDI PO NIYA SINASABI SA AKIN. PASENSYA NA PO.”

THE MYSTERIOUS FEELING WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon