CHAPTER 2

42 2 0
                                    

Pag-gising ko… Nako! Ngayon nga pala ang enrollment sa school namen. Dali-dali akong tumakbo sa banyo upang maligo at saka nagbihis. Hindi na ako nag-almusal dahil 9:00 am na ng umaga. Kumuha lang ako ng pera sa Mama ko na ipambabayad ng whole year tuition fee at sa books and uniform ko. Magiging whole year lang ang babayaran ko ngayon kasi nakaipon kami kahit papaano. Nilalakad ko lang ang school namin kasi malapit lang.

Habang naglalakad ako sa kalye, nag-ring ang cellphone ko at yumuko ako sa bag ko para kunin ito. Sa hindi inaasahang pangyayari, may nabangga akong tao.

“AY! ANAK NG KABAYO!”

Sambit ko sa pagkakagulat ko. Hahaha! Gara ko magulat no? Hindi kasi ako pala-mura kapag nagugulat. Hahaha! Lalaki pala yung nakabunggo ko. Nakakahiya. Parang nawalan tuloy ako ng POISE! Haha!

“AH MISS, SORRY PO AH. ETO NA PO YUNG MGA GAMIT NINYO.”

Nakakahiya talaga kasi siya pa yung nag-pulot ng gamit ko.

“AH SALAMAT PO KUYA--- BRYAN!!!?”

Nagulat ako kasi siya pala naka-bangga ko.

“RENREN! IKAW PALA YAN. HAHAHA! NASA BAHAY NIYO BA KUYA MO? MAY ITATANONG KASI AKO EH.”

Tanong niya sa akin habang inaabot ang gamit ko.

“AH PASENSYA NA KUYA BRYAN. WALA PO SIYA EH. NAGHAHANAP PA PO YATA NG TRABAHO AT NAGEENTRANCE EXAM PA EH.”

Sabi ko sakanya nang wala na akong pagka-ilang. Parang medyo okay na kasi alam ko nang kabanda siya ng kuya ko eh.

“AH GANUN BA. SIGE SALAMAT AH. SAAN KA PUPUNTA?”

Tanong niya.

“SA SCHOOL PO KASI PO MAG-EENROLL NA AKO. SIGE PO MAUNA NA AKO KASI BAKA MA-LATE AKO EH MAPAGSARADUHAN PA.”

Sabi ko sakanya habang palayo na ako.

“TEKA LANG RENAI! SABAY KANA SA KIN. DALA KO KOTSE KO EH. SABAY KA NALANG BAKA KASI MAPAGOD KA MAGLAKAD.”

Wow yaman nito mga pre! Kotse nya? Wahaha. Nice! Ang cool niya talaga. xD

“AH HINDI NA PO KUYA. KAYA KO NA TO. MALAPIT LANG NAMAN EH.”

Sabi ko sakanya.

“HINDI SIGE AYOS LANG YAN. WALANG KASO SA AKIN. SAKAY KANA.”

Pagpupumilit niya sa akin.

“SIGE NA NGA PO.”

Napilitan nalang akong sumakay kasi mahirap naman siyang tanggihan eh. Ang lakas kasi ng karisma eh. xD.

Habang papunta kami ng school,

“RENAI, SORRY NGA PALA ULIT HA. NABANGGA KITA KANINA. HINDI KO SINASADYA. MAY TINATAWAGAN KASI AKO KANINA KASO LANG HINDI PA SINASAGOT SO HAWAK KO PA YUNG PHONE KO SA HARAP KO. YUN KASI YUNG BINIGAY NG KUYA MO NA NUMBER SA AKIN KAHAPON.”

Maygawwwd! Baka number ko yung binigay ni kuya ah? Di kaya? Parang may nakita kasi akong ibinigay si kuya ko sakanya kahapon noong paalis na kami eh. Kaya pala niya hinahanap si kuya.

Inilabas ko ang cellphone ko at itinanong ko sakanya kung number niya yung tumatawag sa akin kanina. Hindi ko kasi sinasagot ang phone ko kapag hindi ko kilala ang number.

“KUYA BRYAN, NUMBER MO BA TO? IKAW BA YUNG TUMATAWAG SA AKIN KANINA?”

Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Para siyang gulat na natatawa na ewan.

“DON’T CALL ME KUYA BRYAN. BRYAN NALANG. OO NUMBER KO YAN. SA IYO PALA YUNG BINIGAY NA NUMBER NI KUYA MO SA AKIN KAGABI BAGO KAYO UMALIS. SABI PA NGA NIYA MAGANDA DAW EH TAPOS MABAIT.”

THE MYSTERIOUS FEELING WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon