CHAPTER 3

31 1 1
                                    

Kinabukasan....

"WAAAAAA!"

Nag-inat ako habang naghihikab. Maaga-aga pala akong nagising ngayon ah? Well, parang naalimpungatan ata ako ah?

Nang tingnan ko ang oras, 6:30 am palang. Haaaaay! Naalala ko nanaman yung mga pangyayari kagabi. Di ako makaget-over.

Habang nag-iisip ako, may kumatok sa pintuan ko.

"NAK!? GISING KA NA BA?"

Sambit ni mama.

"MAY BISITA KA NGA PALA. NASA BABA SIYA AT INIINTAY KA NIYA."

Dugtong pa niya.

WHAT!!!? Seriously? Ganitong kaaga may bisita ako agad?

"AH... BABABA NA PO AKO SAGLIT LANG. MAG-AAYOS LANG PO AKO."

Sagot ko habang hinahanap ko ang aking suklay.

"SIGE ANAK. INTAYIN KITA SA MAY HAGDAN." S

ambit ni mama.

Habang naghahanap ako ng suklay,

(AAAAAHHHHH! BOOOOOGSH!)

Nadulas tuloy ako sa kamamadali.

"OUCH!!! STUPID FLOOR! TINGNAN MO NGA YANG KATANGAHAN MO!"

Paninisi ko sa sahig.

Bago palang ako makatayo ay nakita ko ang suklay ko sa ilalim ng kama ko.

"AHA! ANDYAN KA LANG PALA. PAPAHIRAPAN MO PA AKONG MAGHANAP SA'YO LANGYA!"

Pagkakuha ko sa suklay ko ay naghilamos at nag-toothbrush narin ako.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush, nagbihis ako ng maayos-ayos na pambahay.

Nagsuot ako ng t-shirt na black na may print na skull at shorts na hindi naman masyadong kaikliang ordinaryo ang design. Nasa bahay lang naman eh. Anong isusuot ko? Alangan namang magpangrakista ako diba?

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si mama sa may hagdan.

"OH ANAK, TAPOS KA NA PALA. MAY MGA LALAKING NAGHAHANAP SA IYO SA BABA. KAKILALA ITO NG KUYA MO EH. NGA PALA, WALA ANG KUYA AT PAPA MO KASI MAY BINILI SILANG PANG-GAMIT SA INSTRUMENTO. BUMILI ATA SILA NG MGA TUNERS AT MGA STRINGS KAYA IKAW NALANG ANG HINANAP NILA."

Sambit ni mama na ikinagulat ko.

"WHAT!? SINO NAMAN PO SILA? ILAN PO SILA AT BAKIT DAW PO AKO HINAHANAP?"

Pagtataka kong tanong kay mama.

"HINDI KO ALAM EH. DALAWA LANG NAMAN SILA AT MUKHANG KABANDA NG KUYA MO. HINDI NILA SINABI KUNG BAKIT KA HINAHANAP."

Sagot ni mama.

"HINDI KAYA MAY NANLILIGAW NA SA'YO?

Dugtong pa ni mama na tipong nagbibiro.

"MAMA NAMAN EH! KAW TALAGA. HAHAHA. IMPOSIBLE PO IYAN."

Sagot ko habang natatawa.

"OH SIGE NA BUMABA KANA AT KANINA KAPA HINIHINTAY NG MGA IYAN."

"SIGE PO SALAMAT PO."

Sambit ko habang pababa na ako ng hagdan. Nang makarating ako sa baba, nakita ko si Mark at si Arvie.

"OH MGA PRE! AGA NIYO AH? ANO BALITA?"

Sambit ko nang makita ko sila.

"HI ATE RENAI!!!"

Bati ni Mark sakin. Bunsong-bunso talaga siya. Hahaha.

"HELLO RENREN."

Bati naman ni Arvie.

THE MYSTERIOUS FEELING WITHINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon