Prologue

18.5K 178 31
                                    

Agad akong umupo sa monobloc chair na kaka-bakante lamang. Ginawa kong pamaypay ang envelope na hawak-hawak ko; pilit kong iniinda ang init na nararamdaman habang hihintay kong matawag ang pangalan ko.

"Hi, miss." Dinig kong bati ng isang lalaki sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin at pinagtuonan ko lang ng pansin yung harapan --- sabik na sabik na kong makuha yung test permit ko. Gusto ko nang umalis para makakain na 'ko.

Narinig ko siyang tumikhim, at halos mapatalon ako sa gulat nang mabilis siyang lumipat sa tabi ko nang tumayo na yung taong nakaupo sa pwesto malapit sa'kin. "Hi, Ace!" Bati niya ulit. Hindi ko alam kung paano niya nalaman yung pangalan ko, at mas lalong hindi ko alam kung seryoso ba siya sa ginagawa niya. Hindi ko siya kilala kaya ikinunot ko ang noo ko.

"Uh, sino ka?" Tanong ko na siyang nagpawala sa ngiti niya saglit. Nahagip ng tenga ko ang bungisngis ng iba pang lalaki na naka-pwesto sa likuran ko. Nangtitrip 'to, sigurado ako.

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin sabay sabi, "Ryan nga pala. Hindi ko alam kung bakit hindi ka aware sa existence ko. Naging magkaklase tayo nung first year highschool."

"Ah, okay." Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang maglapat ang palad naming dalawa.

"Ace Reverie Ramirez," dinig kong pagtawag sa pangalan ko.

Agad ko namang binawi ang kamay ko at tumayo na. Habang naglalakad ay narinig ko siyang nagsalita.

"Sinasabi ko naman sa inyo. Meant to be kami. Tignan niyo, tinanggap yung kamay ko."

Inlove? Ano yun? - Editing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon