Chapter 5 - Holdaper.

5.9K 69 4
                                    

Chapter 5

[ DREA ]

Sumapo kaagad ako sa kama pagkauwi na pagkauwi ko. Mahirap labanan ang crush mo kahit hindi mo naman talaga gusto. Buti nga nakayanan ko pang magpoker face sa harapan niya eh.

Patulog na sana ako, nang bigla kong narinig magring ang phone ko. Inis kong sinagot yung tawag. Alam kong tawag yun dahil sa vibration lang naman ang ginagawa ng telepono ko kapag may nag-text. -___-

"HELLO?!" - Sigaw ko sa kabilang linya.

<Ah, naaabala ba kita? Sorr--->

"HINDI! WAG!"

<Okay...?>

Haluuuh, kahiya naman kay Vin. XD

"Ano... Ano nga palang kailangan mo? Bakit ka napatawag?" - Sabi ko habang ngumingiti-ngiti. Alam ko namang hindi niya ako kita kaya keri yan!

<The kiss--->

"FORGET IT! BYE!" >/////////<) - Sigaw ko nang malakas at inend na ang call. Napakagat ako ng labi nang maalala ko ulit yung nangyari kanina.

IT WAS SO SO SO DISTRACTING. OMYGAWSH.

Ano kasi, nahalikan niya ako nung inaatake ko siya. Buti nalang at walang nakapansin nun kundi papaulanan ako nila Bryan ng asar na kesyo nakascore daw ako sa crush ko, na kesyo natikman ko raw siya. Haluuuuh, ayoko ng ganun! XD

[ ACE ]

"DAMN IT!"

Napatigil ako sa pagbabasa ng 'Watersmeet' nang marinig kong sumigaw si kuya. Lumabas ako ng kwarto at sumilip ako gamit yung maliit na butas ng pintuan niya. "Dapat kasi hindi ko nalang pinaalala, dapat kasi---ARGH!" - Sabi niya sabay gulo ng sarili niyang buhok. Inis niyang binato yung cellphone niya at minasa-masahe yung noo niya.

Binuksan ko yung pintuan, buti nalang at di naka-lock, at sumandal sa open space. Nilingon ko siya habang nakakrus ang dalawang braso, "PMS?"

"Manahimik ka nga. Di ako babae. Wala akong mens." -___-

"Ah oo, kasi meron kang womens."

"Ulol."

"Joke. Sama ka? Mag-7/11 ako." - Aya ko sa kanya. Tumayo naman siya at hinila niya ang varsity jacket niyang kulay itim. Sinuot niya yun.

Tumalikod naman ako at nauna nang lumabas ng bahay.

"Naisipan mong lumabas ng bahay?" - Tanong niya nung sinasarado niya yung pintuan.

"For a change?"

"Gagamit ba tayo ng auto?" - Tanong ni Vin na nakaready na yung susi sa kamay.

"Di. Malapit lang naman yun. Magsasasakyan ka pa? Arte mo ha."

"Tsk. Tara na nga." - Binulsa niya nalang yung susi at hinila na ako papunta dun. Bumili lang ako ng vanilla ice cream habang si Vin naman ay hot choco at hotdog sandwich. Umupo lang kami sa matatangkad na upuan at sinimulan na naming lantakan yung pinamili namin.

"Bakit mo... Naisipang hamunin kami?" - Tanong ko bigla sa kanya habang pinagmamasdan yung mga taong nadadaan sa harap. Salamin kasi 'tong harang, kaya kita namin yung mga tao sa labas.

"It wasn't my idea. It was Ryan's." - Vin sabay kagat sa sandwich niya.

Dinilaan ko muna yung ice cream bago ako magsalita ulit, "Ba't naman?"

"He actually likes you Ace."

Halos maibuga ko naman yung ice cream na nasa bunganga ko, "Wag mo kong ginagago ah. Di nakakatuwa." >___>

"Totoo kas---"

*Insert tunog ng nabasag na salamin here*

Biglang nabasag yung salaming nasa tabi namin kaya napatayo kaagad kami, "HOLDAP 'TO!" - Sigaw ng isang lalaking nakamaskarang itim habang habang tinututukan kami ng baril.

Nagtilian naman yung karamihan sa mga babae sa loob. Nagsidapaan sila para hindi sila tamaan kung saka-sakaling magpaputok yung lalaki.

"Vin, call the police. I'll handle this." - Bulong ko.

Tumango naman si Vin at akmang tatakbo na palabas nang biglang magsalita yung lalaki, "Where do you think you're going asshole? Going to escape huh? Eh kung paputukin ko kaya yang ulo mo? ANO?!" - Sigaw ng lalaki. Mas lalo namang naiyak yung ibang babae.

"Bilis! Don't listen to the bastard!"

Sinipa ko yung pinakamalapit na upuan sa'kin papunta sa holdaper. Tinamaan yung katawan niya kaya napahiga siya kaagad. Tinangay yung baril kaya napangisi ako. Tumakbo ako dun bago pa siya makabangon ulit.

Mariin kong inapakan yung dibdib niya. Hinarap ko yung isang lalaki na malapit sa baril. "You!" - Sigaw ko sabay turo sa kanya.

"A-ako po?" - Tanong nung lalaki sabay turo sa kanya.

"Shit, give me the gun! Faster!" - Sigaw ko. Dali-dali niya namang inabot sa'kin yung baril at tinutok ko yun sa holdaper.

"M-maawa po kayo! Hindi ko po talaga gustong gawin 'to... May mga anak pa kong kailangang buhayin... Pakawalan niyo po ako!" - Pagmamakaawa sa'kin nung holdaper.

Kinasa ko yung baril, tinutok ko ulit yun sa kanya, at ngumisi nang malapad.

*BANG!* - Binaril ko yung ankle niya. Nagsigawan naman ang mga tao sa loob at nagsitakbuhan na palabas dahil sa takot. Napangiwi naman ang lalaki dahil sa sakit na nararamdaman niya sa braso niya.

"Naninigurado lang. Para hindi ka makawala." - Sabi ko at inalalayan na siyang tumayo.

Saktong pagkalabas namin, dumating na yung mga pulis, kasama si Vin.

Binigay ko sa kanila yung baril at ipinagkatiwala na yung holdaper sa pulis. Pagkatapos ay umalis na rin kami ni Vin kaagad.

Inlove? Ano yun? - Editing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon