Chapter 6 - Z What? Who? When? Where?

5.8K 64 5
                                    

Chapter 6

[ RYAN ]

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ace na pinagtutulungan ng limang lalaki.

Nabitawan ko naman bigla yung mga pinamili ko sa grocery at agad akong tumakbo dun para tulungan siya. "Damn." - Bulong ko.

*BOOGSH!* *BLAG!* *BOOG!* *TUGS!* - Nakisuntok at nakisipa na rin ako. Kunot noo namang napatingin sa'kin si Ace nang malaman niyang tumutulong na pala ako, "What the---"

*BOOG!*

"Shit!" - Mura ko nang makita kong sinuntok nung lalaki si Ace sa mukha.

Galit ko namang hinarap yung lalaki at sinipa siya sa tiyan. Nang mawalan na nang tuluyan ng malay ay hinarap ko si Ace, "Ayos ka lang ba?" - Tanong ko sa kanya.

"Tsk. What is it to you?" -___- - Malamig niyang tanong sa'kin at nilampasan na ako.

Agad ko naman siyang hinila. Kinuha ko na ulit yung mga pinamili ko at hiniram ko muna yung motor ng isa sa mga nakalaban ni Ace. XD

"Aish!" - Bigla niyang sabi nung makarating kami sa apartment namin ni Mark.

"Anong... Problema?" - Tanong ko sa kanya habang bumababa sa motor.

"Yung motor..." - Inis niyang sabi, habang kinakamot nang mabilis yung ulunan niya. Wag mong masyadong kamutin! Baka mapudpod at wala na kong mahalikan pag tayo na. XD

"Ha?" - Medyo nag-aamang-amangan kong tanong.

"Naiwan... Naiwan yung motor ko dun! Tsk! Stay there! I'll just get my damn motor! Fuckin shit." - Sabi niya at mabilis na pinaandar yung motor pabalik sa pinanggalingan namin kanina.

*Insert nilipad nang konti yung buhok at damit ni Ryan here*

"Bro mukha kang tuod diyan ah."

Napalingon naman ako bigla sa nagsalita at nakita ko si Mark na gulu-gulo yung buhok. Kinuha ko naman kaagad yung pinamili ko, "Lagay mo na sa kusina. Bilis! Bagal-bagal masyado." - Sabi ko habang pinantutulakan yung supot.

"Wait nga! Teka lang! Ano ba? Fu----"

*BLAG!* - Agad kong sinarado yung pintuan nang makapasok na siya. Kapag kasi nalaman niyang kasama ko si Ace, siguradong malilintikan ako.

Saktong pagkabalik na pagkabalik ko naman sa pwesto ko ay nakita ko si Ace na pabalik na dito, dala-dala na yung motor niya.

"Ano... Uh..." - Sabi ko sabay yuko nung bumababa siya sa motor. Pansin ko naman, gamit ang peripheral vision ko, na napalingon siya sa'kin. Sumimple naman ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo niya.

"What?" - Inip niyang tanong.

"Pwedeng... Samahan mo ko sa park?"

"Tara." - Sabi niya sabay hila sa kamay ko. Ang init ng kamay niya, ang lambot pa. Parang... "Pancakes." - Bulong ko.

"Hm?" - Bigla niyang tanong.

"Wala, maglakad ka lang kako." - Sabi ko sa kanya.

Di na naman siya nagsalita at binitawan na rin yung kamay ko. = n =

Habang naglalakad kami ay napansin kong may dumadaan na itim na van sa gilid namin. Parang nakikipagsabayan lang yung kotse sa bilis naming dalawa ni Ace dahil sa bagal ng takbo nito. Napansin din siguro ni Ace yun kaya napatigil siya bigla.

Tumigil din yung van.

Kumunot nang bahagya yung noo ni Ace pero nagpatuloy parin siya sa paglalakad. Sumunod naman ako. Sa tingin ko, pinapakiramdaman ni Ace yung van.

Inlove? Ano yun? - Editing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon