Chapter 1 - A delivery.

8.9K 82 11
                                    

Chapter 1

[ ACE ]

Naramdaman ko ang mainit na sinag ng araw sa mukha ko, sanhi ng paggising ng diwa ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at tinakpan ko kaagad ang paningin ko gamit ang braso ko nang masilayan ko ang liwanag na nagmumula sa bintana.

"Fuck the sun." - Bulong ko at nagpatuloy na sa pagbangon.

Una kong nakita pagtanggal ko sa braso ko ay ang repleksyon ko sa malaking salamin na nakapatong sa aparador, kung saan nakapwesto 'to sa tapat ng kamang hinihigaan ko.

Ang titig kong malamig. Sinasabi nila na ang mata ko ang dahilan kung bakit natatakot ang karamihang taong nakakakita sa'kin.

Napakasarap dukutin ng mga mata ko. Sana, bulag nalang ako.

Huminga ako nang malalim at binuksan ang drawer na nakalagay sa aparador. Kinuha ko doon ang MP3 Player kong second hand at nakinig lang.

Sabado ngayon. Nakita ko sa digital clock na nakapatong sa bed side table ko. Mabuti nalang, dahil sa totoo lang, tinatamad akong pumasok.

That hit me.

Damn. Malapit na yung pasukan.

Nakita kong biglang bumukas yung pintuan ko, at ang tanging nakita ko lang ay ang mga matang buhay na buhay. Napakunot ang noo ko.

Tuluyan naman 'tong nagbukas. Si mama pala.

Nagsasalita si mama. Hindi ko maintindihan dahil sa nakasuksok parin yung earphones sa tenga ko. Tinanggal ko naman yun parehas at mas lalong ikinunot ang noo ko.

"Aceeeey~ May delivery para sa'yuuu~" *U* - Mama na ngiting-ngiti. Napatingin ako sa itim na kahong hawak-hawak niya.

Bumaba ako ng kama, at hinarap siya.

Tinitigan ko lang siya dahil sa katunayan, hindi ko alam kung ano nga bang sasabihin ko. Nakangiti namang inabot sa'kin ni mama yun. Kinuha ko yun, at sinarado na rin ang pintuan.

Wait, bago ang lahat...

Okay, okay. Alam kong nakakasawang pakinggan ang 'Ako nga pala si...' but heck, I want to introduce myself so just... Read. -___-

Ako nga pala si Ranran Ace Ramirez, babaeng mahilig sa ice cream, babaeng mahilig sa cake, at babaeng mahal si Hayley Williams ng Paramore. Yun lang.

Umupo na ulit ako sa kama. Bubuksan ko na sana ang kahon nang marinig kong magring ang cellphone ko. Kinuha ko yun at tinignan ko kung anong nangyayari.

*Unknown Number Calling*

Sino naman 'to. Epal-epal binubuksan na yung kahon eh. -___-

Kahit na inis na inis ako, sinagot ko parin yun.

"...."

<....>

"...."

<Natanggap mo?> - A playful familiar tone said. Nacurious ako bigla, who the heck is this?

"Yung ano?" - Malamig kong tanong dahil sa medyo naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko malaman kung sino ba 'to.

<Yung...Kahon.>

"Sino ka." -___-

*doot.doot.doot*

That fucking bastard. Mali siya ng binangga.

Binato ko na yung cellphone ko sa kama at pinagtuunan na ulit ang atensyon yung itim na kahon. Dali-dali ko na yung binuksan...

"Fucking shit!"

Inlove? Ano yun? - Editing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon