Chapter 62

3.8K 39 7
                                    

Chapter 62

RYAN'S POV:

Inaayos ko yung mga damit ko.

Nakapunta na kami ng France...

Habang inaayos ko yung mga damit, biglang nahulog yung picture niya at nabasag...

Kinabahan ako bigla.

VIN'S POV:

Ilang oras na kami naghihintay dito sa waiting shed na katapat lang ng ER.

Nang biglang lumabas ang doktor mula sa ER.

Kaya napatayo kaming lahat.

"Doc, kamusta po siya?" - Ako.

"Maayos na naman ang kanyang lagay. Nawalan lang siya ng malay dahil malapit-lapit sa puso ang tama ng bala. Mabuti nalang at naidala siya dito nang mabilis at naagapan kaagad." - Doctor.

"Kailan po siya magigising?" - Ako.

"Hindi pa ako sigurado doon, pwedeng mamaya, bukas, sa isang linggo... Baka umabot ng isang buwan." - Doctor.

"Pero, 'wag kayong mag-alala... Magigising din siya." - Dagdag pa niya.

Nakahinga naman kami nang maluwag.

"Kyler..."

Napatingin naman siya sa'kin.

"Salamat." - Ako.

"Wala yun." - Kyler sabay ngiti.

Pero alam ko...

Malungkot siya ngayon.

SATH'S POV:

Naguusap-usap kaming tatlo nila Jennifer at Drea nang mapansin kong may dumaan sa likod ng kinauupuan ni Jennifer.

Kinabahan ako nung makita ko yun...

Pero, 'di yung kaba na baka multo yun. Yung tipong, parang... May masamang mangyayari.

Pero, 'di ko nalang pinansin at ipinagpatuloy na ang pakikipagusap sa dalawa.

"Kailan kaya magigising si Ace?" - Drea.

Napabuntong hininga naman kaming dalawa ni Jennifer.

"Hindi natin alam." - Sabay naming sabi.

Inlove? Ano yun? - Editing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon