The President

17 4 5
                                    

Tumayo na ako.

Habang naglalakad ako sa lobby, may bigla nalang umakbay sa akin.



"Pare, grabe talaga yang kagwapuhan mo. Halos mahulog na yang mga panty ng mga babae. Haha!" Sabi ni Jonas.

Tas nag apir silang dalawa ni Kevin.

Minsan sa buhay ko ay natanong ko na kung totoo ba talagang lalaki ang mga ito. Oh baka mga bakla sila tas nagpanggap bilang kaiban para makalapit lang sa akin.. (?)

"Hey Kevin!" Sabi nung babae. Ang daming tigyawat.

Nag-wink naman si Kevin sa kanya. Hahaha.

"Whoo Kevin! Pumatol ka sa mga ganun?" Sabi ni Jonas sabay tawa..

"Di ah. Para hindi ma turn- off yung mga babae. Tingnan mo oh,"sabi ni Kevin sabay turo sa bandang gilid. Tumingin naman kami ni Jonas doon.

"Oo nga noh. Parang palaka na nga sya kung makatalon! Haha aray ko po! Wag mo kong batukan!! >.<"

Binatukan ko lang naman siya. -_-

"UUy! Mukhang kailangan ata ng tulong ng kaibigan mo Vince." Sabi ni Jonas.

Nakita ko namang hirap si Shani sa pagpapadikit ng letter W sa stage. Nakapatong na nga sa isang mataas na silya, hindi pa talaga niya maabot abot.


Parang si Sam lang. Kailan ko pa kaya siya maaabot. Wohow! Haha joke lang.

Bigla nalang akong pumunta doon.


Hinawakan ko siya sa bewang para maibaba ko siya sa silya.
Nabigla naman siya sa ginawa ko.
Nakita ko pa siyang namumula. Hahaha
Ang cute niya talaga.

Kinuha ko yung W at idinikit sa tela. Pati na rin yung E L C O M E
Nasa mataas kasi na part yung welcome.. tinapos ko nalang para
Hindi na siya mahirapan..


"Ah eh, thank you" nahihiya niyang sabi.

"You're welcome. If you need help just call me" Sabi ko sabay ngiti and I heard some murmurs.


"Shocks. Lumalandi na ang babaeng yan, Ms. President!"
Boses ng isang babae.

At may biglang tumawag sa akin.


"Uhmm, Vince! Can you help me with this?" Sabi ni Felizia sabay turo sa mga painting tools. Ipapabuhat niya ata. Kaya niya naman ata yan?



Nga pala siya ang SG President ng school namin. Maganda siya. With her light make-up. Bagay naman sa kanya dahil maputi siya. Sa pagkakaalam ko, may gusto si Jonas sa kanya.


"Okay" Sabi ko.

"Vince!" Boses ni Jonas kaya napalingon ako.


"Oh?"

"Ako na tutulong sa kanya. Pinapatawag ka ni Maam Corpus,"


"What?! Ahh w-wala sige." Tas yumuko siya. Nabigla naman kami sa naging reaction ni Feliz.


"Sorry, maybe I could help you next time." Tumango naman si Feliz. Pumunta na ako sa kung saan si Kevin.

"Hoy! Anong Kailangan ni Maam Corpus?" Tanong ko sa kanya.


"Sumunod ka sa akin" sabi niya. Sumunod naman ako.



Hanggang sa nandito na kami sa canteen.

"So saan si maam?"

"Gago! Hindi ka pinapatawag. Pumaparaan lang si Jonas. Hahaha aray!"
Binatukan ko na.

"Ba't di mo sinabi?!"

"Kasi nga, kung sasabihin ko sa'yo doon baka may makarinig. Nakatingin pa kaya si Felizia sa'yo doon baka kung anong iisipin nun. At isa pa, ang lagkit niyang makatitig sa'yo habang idinikit mo yung mga letters. Hala tol! Baka may gusto 'yon sa'yo! Haha."
Sabi niya.

"Tsk. Kay Jonas na yun. May GIRLFRIEND na ako."

"OMG! May girlfriend ka na Vince?! Sino?! Ba't hindi ako?"
Hala sino ba 'to?

"Haler teh, ikaw pa na mukhang pwet ng kaldero?" Sabi ng isang bakla sabay pa mewang.

"Hoyy! Atleast babae at tao ako. Ikaw?"

Dahan dahan na sana kaming umalis ni Kevin habang may palabas pang nagaganap tungkol sa pag-aagawan ng mga shokoy haha nang may biglang sumigaw.

"Hoy rin kayo mga ambisyosa! Ako ang girlfriend niya! kaya mag sialisan na kayo! Nakakadisturbo kayo sa pagmamahalan namin!"

Bigla namang natahimik ang lahat.

Paglingon namin sa nagsasalita ay si aling Fe. Yung nagbebenta ng ice candy sa canteen?

"Weh?" Sabi ng lahat.

"Oh Ba't di kayo naniniwala?" Tanong ni manang.

"Eh kasi naman PO manang, sa tanda niyong 'yan? Oyy corrupting minors!"

Nagsitawanan naman silang lahat. Hanggang sa kami ay nakalabas na sa mga taong nakukumpulan..

"Heh! Bahala kayo! Wag kasi kayong maingay, okay?!"

"Hala! Umalis na sila!" May nakapansin pa talaga sa pagtakas namin.

Shit! Mahirap talaga maging gwapo oh!
Try niyo mag ponds haha dih joke lang. Hindi ako nang iindurso.

Takbo lang kami ng takbo.

"Teka pare! Dapat hindi ako kasali dito! Ikaw lang naman ata hinahabol."

"Gago! Naisip mo pa yan?!"
Sigaw ko habang tumatakbo.

"Malamang! Matalino ako!"

"Aish. Sumama ka nalang!"

Nang nakita namin si Felizia sa harapan namin 10 meters away.
Naka cross arms lang siya..

Nung medyo malapit na nga kami.

"Oh Ba't niyo sila hinahabol?" Tanong niya sa kanila.

"Uhh ano Ms. President.," sabi nung isang bakla tas napakamot siya sa ulo.

Bigla naman siyang tumalikod.

"Huy! Bakit nga ba natin sila hinahabol?"

P*ta! Hindi alam?!


Bigla naman nagtaas ng kamay yung isang babae.
"Alam ko kung bakit!"

Napahawak nalang sa noo si Felizia.

"Oh bakit?? Dalii!" Sabi nung bakla.

"Ehh, tumatakbo sila,..... kaya hinahabol natin sila *pak!* ouch! Why??!!"

Binatukan kasi siya ng babaeng katabi niya.

"Gaga! Kaloka ka!"

"Alam niyo bang Nakaka disturbo ang mga ginagawa niyong iyon?"
Natahimik nalang sila.

"Papalampasin ko ang mga ginagawa niyo sa ngayon. Pero kung mauulit na naman ito, alam niyo na ang mangyayari. Cge bumalik na kayo sa mga silid aralan ninyo."

Yeah right. She's the President.
She has the authority, oo nga naman.
Nagsialisan na sila

"Vince, let's talk"

Knowing Her UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon