CHAPTER:31

16.5K 380 3
                                    


Titig na titig ako sa kisame habang nakabulagta sa kama. I can't sleep or forget.

Hinatid ako ni Besty kanina pauwi para ma assure na okay talaga ako. I cant imagine na napahiya ako kanina. Bakit nila sakin iyon ginawa? What thier motive? Hindi ko rin alam.

Nagbuga ako ng hininga. Bakit ako? Anong kasalanan ko sa kanila? May nagawa ba akong hindi nila nagustohan? Sa pagkakaalala ko ay wala naman.

Isang sunod-sunod na katok ang umalingaw-ngaw saking tenga. Napalingon ako sa pintoan. Hindi ko manlang nagawang pansinin si Mama kanina dahil sa pagod ko.

Bumukas ito at tumambad sakin si Mama na nakangiti.

Dahan-dahang pumasok si Mama sa kwarto. Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw kong nakikita niya akong may iniisip.

Ayaw na ayaw ko sa ganitong bagay lalo na't makikita niyang umiiyak ako.

"Nakey. Okay ka lang?" umuga ang kama dahil sa pag-upo niya. Tinignan ko si Mama na nakangiti. "Hindi ka pa nakakakain. Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Kong alam mulang Mama. First time kong ma bully sa buong buhay ko.

"Okay lang ako, Ma. Napagod lang siguro ako sa activity namin kanina sa school," sagot ko. Sinuri ako ni Mama at tila hindi na kontento sa sinabi ko. Ayaw kong mabasa niya ang isipan ko.

Narinig ko ang buntong hininga niya.

"I'm sorry, nakey. Sobrang laki ng pagkukulang namin sayo ng Papa mo. Nahihiya na kami sayo, anak." sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Mama. Tila nasasaktan sya sa binigkas niyang iyon.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ma. Hindi naman kayo nagkulang sakin. Binibigay nyo naman lahat ng gusto ko. Except sa kotse, ipagamit nyo na kasi sakin iyon." kumunot ang noo ni Mama sa narinig.

Ayaw kong mag drama kaya dinaan ko nalang iyon sa biro.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" tumango ako bilang sagot. Hinawakan ko ng mahgipit ang kamay ni Mama. "Sige, ito nalang. Kakausapin ko ang Papa mo tungkol sa kotse na gusto mong gamitin. Naaawa narin ako sayo dahil araw-araw ka nalang sumasakay ng taxi. Lalo na't maraming mudos pa namang ngayon." lumapad ang ngiti ko sa narinig. Sobrang saya ko sa sinabi niya.

"Talaga Ma?" masaya kong sabi. Dahan-dahan syang tumango. "Wah. Thank you, Ma. Thank you." mabilisan ko syang niyakap ng mahigpit.

Matagal ko ng gustong magdrive ulit. Takam na takam na akong hawakan ang manebela. Matagal na akong pinagbawalan ni Papa dahil minsan na akong nabangga noon.

"Oh sige na. Matulog kana. Maaga ka pa bukas diba? Magpahinga ka ng maaga," natahimik ako sa sinabi ni Mama. Papasok ba ako bukas? Para kasing----- nawawalan ako ng ganang pumasok.

"Umabsent nalang kaya ako bukas, Ma." nanigkit ang mata niya sa sinabi ko. Humalukip-kip ako sa gilid niya.

"May problema ba? Bakit ayaw mong pumasok bukas?" komento niya.

"K-Kasi. Tinatamad ako, Ma." ngisi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Oh sige papayag ako. Pero may choices." bahagya syang tumayo na may ngiting balak.

"Ano yon, Ma?" ngiti ko. Sa pagkakataong ito ay alam ko na ang choices na iyan.

"Kalbu? O lumpo? Sige mamili ka sa dalawa," napanguso ako sa saad ni Mama.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon