CHAPTER:34

16.7K 389 8
                                    

Nagmamadali akong umuwi para magbihis narin.

Kaylangan kong puntahan si Mama sa shop. Kanina pa ako nakangiti habang naalala si Justin. Yong itsura niyang halos hindi maguhit. Nakakatawa talaga.

Pagkatapos kong mag bihis ay humanap ulit ako ng taxi papuntang shop. Tinignan ko ulit ang phone ko at wala paring reply si Besty. Nag-aalala na ako sa kanya.

Gustohin ko man syang puntahan subalit, natatakot ako na baka lumala lang ang sitwasyon.

Pagdating ko sa shop ay unang tumambad sakin ang pangalan ko. Nicz Coffeeshop.

Pinangalan ni Mama at Papa ang shop sakin. Napakasarap nga sa pakiramdam habang nakikita ko ang pangalan ko sa karatulang iyon.

Malapit sa may traffic light itinayo ni Mama ang coffeeshop. Dahil bukod sentro ng syudad. Malapit din ito sa mga naglalakihang building.

"Good morning po Ma'am, Nicole." nakangiting bati ni Manong Kon, ang gwardya namin aa shop.

Tumango ako bilang sagot bago tuluyang pumasok sa loob.

Palagi akong pumupunta dito noonh highschool kaya na mimiss ko narin si Ally.

Marami-rami ding costumer si Mama at mukhang papasok pa ito sa mga trabaho nila. Bali nagkakape lang saglit.

Lumapit ako sa may counter at naabotan si Ally na sobrang lapad ng ngiti.

"Ms, Nicole. Napa rito po kayo?" masayang bati nito. Ngumisi ako. "Ay sorry Ms. Nicole, good morning po pala," napakati sya sa kanyang batok. Ikinaway ko ang aking kamay.

"Okay lang," kaway ko. Luminga-linga ako sa paligid. "Si Mama? Andyan ba sya?" Tanong ko.

"Wala po sya dito Ms. Nicole. May pinuntahan lang daw sya saglit. Pero babalik din iyon maya-maya." Sagot niya. Napasinghap ako. Kagabi pa hindi namamansin si Mama. Palagi niya akong iniiwasan. Gusto ko lang naman syang kausapin.

"Ganon ba?" Sabay lingon-lingon sa paligid. "San daw nagpunta?" Tanong ko ulit.

"Wala po syang sinabi sakin eh. Nagmamadali kasi syang umalis." wika ulit ni Ally. Napasinghap ako ulit. "Kong gusto nyo po ay sa opisina nalang kayo maghintay. Baka pabalik na din si Ma'am Belle," dugtong niya. Ngumiti lang ako.

"Sige salamat, Ally. Dito nalang siguro ako maghihintay. Timplahan mo nalang ako ng choco frost coffee," saad ko. Tumango ito bilang sagot.

Nagtungo ako sa bakanteng upoan bago hinalungkat ang phone. Sobrang sikip ng dibdib ko dahil hanggang ngayon wala paring reply ang bakla. Humanda ka talaga sakin bakla. Naku! Nakakainis talaga eh. Nag-aalala na ako ng sobra tapos hindi manlang nagparamdam sakin.

Uminom nalang ako ng kape. Pangpakalma. Medyo naiibsan narin ang lungkot ko. Iba talaga ang dala ng kape ng shop namin. Ang sarap sa pakiramdam.

Sumandal ako sa upoan  at inaliw ang mata sa mga nagdadaanang kotse. Pinapalibutan ng salamin ang buong shop. Kaya hindi ma bobored ang mga costumer.

Sumulyap ulit ako saking phone sabay ng pagtili ng mga kababaihan sa shop.

"Kyaaaah! Girls look."

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon