CHAPTER:83

16.6K 296 9
                                    

Justin Geir Point of View

Nagmamadali akong umuwi ng bahay pagkatapos kong bisitahin si Nicole sa hospital. Gusto ko ng umalis sa pamilyang di ko naman tunay na magulang.

Nagmamadali akong pumasok sa loob. Nakita ko si Mommy na umiinom ng alak sa may garden. Nasasaktan ako ng makita ko syang umiiyak habang nilalagok ang alak. Kahit na may pagkakamali siyang ginawa ay Mommy ko parin sya. Dali-dali akong lumapit ako sa gawi niya.

"Mom," Inagaw ko ang alak sa kamay niya at unti-unti syang dumungaw sakin na luhaan. Halos nagkalat na ang make-up sa mukha niya sa kakaiyak. Sobrang sakit makita syang ganito.

"Son," Tumayo sya at niyakap ako. "I'm really sorry, son. Mommy love you so much you know that." umiiyak sya at hinayaan ko lang na yakapin niya ako.

"Gusto kong makilala ang totoo kong magulang," direkto kong saad kaya humiwalay sya sa pagkayakap sakin. Hinarap niya akong sawi at tila nag-aalinlangan. "Mom, please. I want to know whose my real parents." dahan-dahan syang tumango. Inanyayaan niya akong umupo kaya sumunod narin ako.

"Last year pumanaw ang Mama mo." Para akong binagsakan ng malaking bato sa sinabi ni Mommy. Hindi ako alam kong anong isasagot ko. Sobrang sikip ng dibdib ko. "May sakit sya sa puso." naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Namatay syang wala akong ka alam-alam. "Nag-simula iyon sa gabing makita kita. Lumabas ako ng kwarto dahil nauuhaw ako sa gabing iyon. Nasa may hagdanan palang ako ng may marinig akong iyak ng isang sanggol sa labas ng gate. Natatakot ako ngunit pilit akong lumabas para tignan iyon. Nakita kitang nakalagay sa isang itim na bag na walang saplot. Halos piniga ang puso ko ng makita kitang umiiyak. Kinuha kita at inalagaan na parang isang tunay na anak. Tuwing bibisita ang Daddy mo dito sa bahay ay itinatago kita sa katulong namin. Isang araw nag kasakit ka kaya takot na takot ako. Mahina ang pintig ng puso mo that time. Dinala kita sa State at doon inalaagaan at ipinagamot. Laging bumabalik ang Mama mo dito para silipin at kumustahin ka. Hanggang sa nalaman kong wala na sya." hindi ko nalang namalayan na isa-isang tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala. Ang kayaman at marangyang buhay na meron ako ngayon ay hindi pala akin at hindi tunay. Napapikit ako at ramdam na ramdam ko ang mainit na luha saking mata.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon