CHAPTER:50

15.5K 349 9
                                    


"Anong sabi mo?" Sigaw ni Mark kay Justin.

Pinigilan ko si Mark na sumugod ito.

Hindi sumagot si Justin saka ito lumapit sakin bigla. Inabot niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya ng hilahin ko ulit pabawi ni Mark.

Sa sitwasyon ko ngayon ay nagmumukha akong lubid. Nasa kaliwa si Justin at nasa kanan si Mark.

Hawak-hawak nila ang magkabila kong kamay rason kong bakit palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Kaliwa!

Kanan!

Kaliwa!

Kanan!

"Sino ka ba? Kung umasta ka! Boyfriend ka ba ni, Nicole?" Sigaw ni Mark saka ako hinila.

"Wala kang pakialam,"  Galit na sagot ni Justin saka ako hinila ulit.

Nasasaktan ako sa ginagawa nilang dalawa.

"E-Eh! Siraulo ka pala eh." Aakmang susuntokin si Justin ni Mark ng bigla syang naunahan nito.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakahiga ulit si Mark sa sahig.

Hinila ako palayo ni Justin kay Mark at agad isinakay sa kotse nya. Gusto kong umiyak dahil naiwan namin si Mark sa parking lot na nakahandusay.

"Ano bang problema mo huh? Sira na ba ulo mo? Naka drugs ka ba huh?" Pina-andar niya ng mabilisan ang kotse. Bawat igting ng kanyang panga ay mas lalong nagbibigay sakin ng tensyon. Gusto ko syang suntokin. "Ano ba ibaba mo ako!" sigaw ko ulit pero hindi ito nakikinig. Patuloy parin ang pag maneho niya. "Justin....sabing ibaba mo ako eh!"

Bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin dahil nakaharang ang mga botel ng ulan sa bawat paligid. Pumikit ako ng marahan at tila pinipilit ikalma ang sarili. Nag-aalala na ako kay Mark. Ano na kaya ang nangyari dun.

"Bakit ka ba bigla-bigla nalang sumisingit sa buhay ko huh? Ano bang trip mo at ako pa talaga ang gi'no goodtime mo." Halos umalingaw-ngaw sa loob ng kotse ang boses ko.

"Magsalita kan"Sinigawan ko ulit sya rason kong bakit mas binilisan niya ang pagktakbo ng kotse. "Wah. Justin galit na galit na galit na galit ako sayo. Hindi kita maintindihan kong bakit ka nagkakaganyan. Iba-iba ang mood mo at isa pa sinuntok mo ang kaibigan ko." Halos umiyak at mapaos ang boses ko sa kakasigaw.

Nakakainis sya. Hindi ko sya maintindihan at pinapakialaman niya ang buhay ko.

"Nag-seselos ako," Nalag-lag ang panga ko sa mahinahon niyang sinabi.

Halos hindi ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ang bawat patak ng ulan mula sa kisame ng kotse ay nagpapabalik saking diwa. Hindi ko magawang sumagot dahil sa binitawan niyang salita. Nagseselos sya? Pero bakit?

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon