CHAPTER:37

16.8K 342 2
                                    


Isang panibagong araw na nag-aalala sa bakla kong kaibigan. Dalawang araw na syang hindi nag paparamdam sakin. Para akong ina na naghahanap saking anak.

Nakakainis halos tinanongan ko na ang mga kaklase niya sa iilang subject sa school. Pero hindi rin nila alam kong nasan ang baklang iyon.

Tapos? Yung Justin na 'yon? Nang dahil sa kanya ay hindi ako makatulog ka gabie kasi hanggang ngayon ay nangu-ngulit parin sya sa isip ko.

Sumigaw ako sa inis. Sinabunotan ko ang sarili kong buhok. Isa-isa kong itinapon ang mga unan sa inis. Nakakainis talaga!

Bata daw ako? Hindi ako bata. Sadyang cute lang talaga ang height ko. Ilang beses ko bang sinabi sa kanya iyon.

Biglang bumukas ang pintoan at bumungad sakin si Mama. Hingal na hingal ito.

"Nakey. Bakit ka ba sumisigaw? Sinapian ka ba ulit?" hingal nitong sabi.

Napakamot ako sa ulo ko bago pinulot yung mga unan na nasa sahig.

"A-Ah hehehe. Wala po Ma. K-kasi may ipis po akong nakita sa sahig kaya ako sumigaw," naningkit ang mata ni Mama sa sinabi ko. I'm not good in lying pa naman.

"Ganon ba? Huwag kang mag-alala nakey. Lilinisin ko nalang ang kwarto mo sa susunod na araw," Napailing agad ako sa suhstyon ni Mama.

"Naku Ma huwag na po. Ako nalang po ang maglilinis. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw." suhestyon ko pabalik. Ang totoo ay kakalinis ko lang kahapon. Hay ang galing ko na yatang mag-sinungaling.

"Okay. Anyway aalis ako ngayon. Maiwan muna kita dito. Kong gusto mong mamasyal ilock mulang ang buong bahay," aalis? Minsan ko lang syang nakikitang mamasyal ah. Nakakabigla naman.

"San po ang punta nyo Ma?"

Nagtataka ako kong bakit kaylangan niyang umalis. Hindi naman sya nag bubukas ng shop tuwing linggo.

"Eh.... Kasi yung kaibigan ko nung highschool nag-anyayang mamasyal, nag kakape kasi sya kahapon sa shop. Kaya niyaya niya akong lumabas ngayon. Kararating nya lang galing US."

"Ganon po ba? Sige Ma. Mag-iingat po kayo. Enjoy!" Lumapit ako sa kanya tsaka sya hinalikan sa pisnge. Tuluyan akong iniwan ni Mama.

Bumulagta ulit ako sa kama at pinilit bumalik sa pagpikit. Ano kayang mabuting gawin ngayon? Hays etitext ko ulit si Besty.

Me: Hanggang kaylan mo balak magtago? Hindi ka na ba magpaparamdam sakin? Besty miss na kita.

Para maisigurado ay inisent ko sa kanya iyon ng paulit.

Napagpasyahan kong bumaba. Tumulak ako sa kusina at nagluto ng tempura at popcorn. I dont know what I am going to do. So I decided to watch a horror movie. It's amazing right? Solo flight.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon