Karma #28: Sweet Karma

60.9K 456 12
                                    

Chapter 28

Max POV

Bakit ba ngayon pa nagkakaganito?

Kung kailan ito ang pinakamahalagang game para sa akin.

Nakikita kong pagod na ang mga ka-team ko. Lamang pa ng isang points ang kalaban at limang. minuto na lang ang natitira sa game. Yung kalabang team nagsisimula na silang mag saya at para bang inuubos na lang nila yung time.

This is not happening! Heck! We can win!

Mabilis akong tumakbo kahit ramdam ko ang sakit ng binti ko. Hindi ko na ininda lalo na't malapit na ako sa bola. Hinabol ko ng hinabol hanggang sa nagawa kong maagaw ang bola.

"Captain!" Sigaw ko sa kaniya ng sa kaniyang direction ko nasipa yung bola. Buti at handa siya. Kaagad na itinakbo niya papuntang goal ang bola at ipinasa yun sa isa pang ka-team.

Nagawang agawin muli ng kalaban pero nakuha ni Smith isa sa mga ka-team ko. Pinilit niyang makarating sa goal. Nang makita niya na kaliwa't kanan ang balak sumipa sa bola, hindi na niya inisip pa ang susunod na gagawin. Basta sinipa niya yung bola papunta sa goal.

Pigil ang hininga naming tiningnan yung bola. Mabagal ang paggulong. Kaunti na lang at nasa guhit na pero masyadong sigurado ang goal keeper na hindi papasok. I saw him smirk..

..and that's the thing he need to regret doing.

Kahit hindi ko na naigalaw ng maayos yung binti ko patuloy pa rin akong lumapit. Kaunti na lang.. Kaunti na lang.

Pagkarating ko sa tapat ng bola mahina ko siyang sinipa.

"GOAL!"

I did it! Gusti kong magtatalon sa tuwa pero napukaw ako kaagad.

2-2 ang laban. Hanggang ngayon tabla pa rin ang game.

"We can do it guys!" Sigaw ni captain. Tiningnan niya kami isa-isa hanggang sa tumigil ang tingin sa akin. Nakita ko siyang tumango bago sinimulan yung pagtakbo. Nasa kaniya yung bola. Nasa team ko yung bola. Samantalang ako hindi na makagalaw. Pagod na ako at nararamdaman ko na mas sumasakit ang binti ko.

Kailangan ko na bang tumigil?

Pero gumagalaw pa yung bola. Tumatakbo pa..at..

...papunta sa akin ang bola!

Captain kicked the ball to me. Gulat pa ako lalo na't halos wala ng bumabantay sa akin dahil alam nilang wala na akong lakas.

Pero nasa akin na yung bola. Focus! Kahit masakit hinanda ko ang kanang paa ko. Ibibigay ko ang buong lakas ko. Kailangang makaabot sa goal. Dapat makaabot sa goal!

Kick!

Pikit mata kong hinintay kung anong mangyayari. Hindi ko na rin maramdaman yung kanang kong paa. Hindi na nga ako sure kung nakakabit pa ba yung paa ko. Naririnig ko na lang yung malakas na paghinga ko. Naririnig ko na lang...

"GOAL!"

Nagsiaigawan na ang lahat! Masaya! Maingay!

Si couch ang una kong nakita. Tinatanong niya ako pero wala akong maintindihan. Hindi ko na nga maintindihan yung ingay. Basta maingay!

Dinagsa pa ako ng maraming tao. May sinasabi sila pero hindi ko maintindihan.. Wala na nga akong maramdaman.. Damn! Gusto ko ng ipikit ang mata ko sa sobrang pagod.

"MAX!"

Sino yun? I can hear my name. I can hear someone calling my name.

"Max. Max! Wake up! Sht! Yes! You won. I know you really love me."

Dallen's Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon