Chapter 14
Here we go Philippines. Kala ko hindi na ako babalik pero laging may force na humahatak sa akin pabalik.
"I missed Philippines." Sabat naman nung katabi ko.
"Rodrigo, wag ka ngang dumikit sa akin. And your shades! Suotin mo kung ayaw mong dumugin." Binilisan ko ang paglalakad. Yung tipong tumatakas. Yes I am. Wala akong dalang check-in bag kaya napatakbo na ako kaagad. Good thing maraming tao.
Nagtago ako sa CR and finally he's out of my way. Damn! Kung dumating sya way back when I was younger baka masayahan pa sya sa sobrang clinggy and slutty ko nun.
Nakahinga ako ng maluwag after nun. Palabas na sana ako ng CR ng may nakabunggo sa akin.
"I'm sorry." Sabay naming sinabi at ng mapatingin ako sa kanya...
"Mia?" Parang nakakita ako ng multo. Ramdam ko ang panlalamig ng buing katawan ko.
"Dallen."
Nagkatitigan lang kami. Actually, ako yung unang umiwas ng tingin.
Bumbalik ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Yung mga panahong gustong gusto ko si Bien, yung mga panahong willing akong agawin sya kay Mia, yung mga panahon na nakapatay ako, yung mga panahon na nagmahal ako.
Sya ang babaeng susi ng lahat ng masakit na alaala. I can't blame her kasi ako itong nangaangkin ng mga bagay na hindi sa akin. Nawala tuloy ang anak nya dahil sa kasakiman ko.
"H-how are you?" Nagsalita sya kaya napatingin uli ako sa kanya.
"Fine." I said.
"Uhmm.."
"I'm sorry nakaharang ako." Sabi ko sabay tabi para bigyan sya ng daan papasok sa CR.
"Wait." She said. "I need to talk to you."
Mas lalo atang nawalan ng dugo ang katawan ko.
<3
"I'm sorry Dallen."
Nanlaki ang mata ko. Mia, Mia, bat ka nagsosorry?
"Mia, why? No! Wag kang magsorry."
Nakita kong pumatak ang mga luha nya sa mata. "I judged you.. You and Bien. Akala ko talagang pinatulan ka nya." Natawa pa sya. "..hindi mawawala sa aking magalit at magselos kung makikita ko kayong magkasama noon. I'm sorry. Alam kong sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari pero hindi naman dapat."
"Mia." Speechless ako.
"Nagpadalos-dalos ako. Pabara-bara. Galit na galit ako sayo nun kaya ko nagawa yun. Hindi mo kasalanan lahat." Humikbi sya. "Kasalanan ko rin."
Maski ako naiiyak na rin. I don't know but I really blame myself! Pero kung ako magiging ina rin sisishin ko ang sarili ko. "Mia wala kang kasalanan, ako itong si malandi."
Natawa na naman sya saka pinahiran yung mga luha nya sa mata.
"Wala kang kasalanan Mia.. Si Bien dapat sinisis natin dito."
Pagkasabi ko nun nagkatinginan kami hanggang sa hindi namin napigilang wag tumawa. Mukha lang kami mga beautiful lokaret dito sa airport.
"Dallen!" Tumatawang umiiyak sya ng niyakap ako. "Sorry talaga. You know, sobrang guilt ko rin nun. Ayokong may nakakaaway ng alam kong may tama rin naman ang kaaway ko. Tama ka si Bien dapat nating sisihin."
"That's the Mia I know." I patted her shoulder.
"Ate!"
Ayun, nagkwentuhan lang kami. Ang luwag sa pakiramdam. Sa wakas napatawad na ako ng taong napaggawan ko ng masama.
Kaya pala sya nandito sa airport kasi kakauwi lang daw nila galing China ni Bien. Tapos yung si Bien na hold sa immigration tapos naiihi daw sya hanggang sa nagkasalubong kami.
Natuwa ako kasi, Mia and I do have a lot in common. Kaya nagkakainitan ata kami kasi pareho kami ng pole.
"Mia!"
Natigil kami sa pagtatawanan ng may tumawag sa kanya.
Si Bien yun.
"Kanina pa kuta hinahan--." Natigil sya ng makita ako. Tumingin sya sa akin tapos kay Mia tapos sa akin uli pero ngumiti na sya.
Napayuko naman ako. Nahihiya ako sa pinagagagawa ko sa kanya nun. Pilit ko syang inaangkin. Pero wala eh.
"Dallen." He murttered.
Napasmile lang ako sa kanya.
Lumapit sya kay Mia.
"Sige Dallen, alis na kami." Paalam ni Mia.
"Okay. Ingat kayo."
"Ikaw rin. And by the way, punta ka sa binyag ng mga babies ko."
I frowned. Babies?
"Oo nga pala." Naglabas sya ng picture. "This is Ychan and Schan my twins."
Masayang nagkwento sya uli. Ang cute lang ng anak nila! Gusto kong makita in person. Natutuwa naman ako kasi masaya na sila. Hindi na sila bound sa kalungkutan tulad ko.
<3
"Dallen, bat ang tagal mong dumating?" My Mom, wears her gown. "Bilisan mo na at mag-ayos. Aalis na tayo."
Napatakbo na ako. Inabot ako ng gabi sa pagkukwentuhan namin ni Mia. Nagpunta pa nga ako sa kanila kasi mapilit sya. Pag hindi daw ako sumama papakasuhan nya daw ako. Waahh! Ginawang pang blackmail yung nagawa ko sa kanila nung baby nya dati.
Wala ng makapal na make-up, just a foundation, powder and lipstick. Maganda pa rin naman ako.
<3
"Mukhang tumataba ka ate ngayon ah."
Nasapak ko yung kasayaw ko. "Anong sabi mo? Ikaw Raven, kahit ikaw ang Chairman ng company natin wala akong pake. Ako mataba?"
"Joke lang. Kasi naman parang.. Nevermind."
I rolled my eyes. Kulit talaga ng Lil bro ko.
"pero.." Hihirit pa sya?! "Mukhang masaya ka ngayon?"
Buti naman hindi nang-asar.
"Masaya talaga."
I told him about Mia and Bien. I am very super happy kahit na stress ako ngayon.. Feel ko makakatulog na ako ng mahimbing.
-----<3
Parang ang lame ng UD ko. Hahaha! Wala ko maisip.
Naninibago pa rin ako na wala ng My Secret Wife na isusulat :( kahit repost na ito yun pa rin ang nararamdaman ko. Super enjoy kasi ang paggawa nun.
BINABASA MO ANG
Dallen's Sweet Karma
ChickLitWATTPAD FEATURED STORY Her name is Dallen dela Torre. Smart, rich, socialite, stunning and talented. Her mistakes and foolishness are countless... Is she fated to suffer? Or good karma awaits her? Will destiny lead her to happiness? Or will she be...