(1) Hello San Antoño University

577 29 4
                                    

At ito na nga ako!Nandito na nga ako!

Goodbye Maravella School!Hello San Antoño University!!

subrang saya ko dahil pagkatapos kong maipasa ang special exam na binigay sakin ni Sir Adonnes ay kaagad nya ako g pinapunta dito dala yung mga gamit ko para sa pagtuturo.

Hindi naman ako na kinabahan dahil first week pa naman ng pabubukas ng klase at may oras pa akong pag-aralan ang ibibigay kong lesson sa subject ko.

"Wow..Ang laki ng ispasyo nila rito ahh,Grabe yung mga building ang tataas!!School pa ba to?"Nasabi ko habang binabaybay ko ang patungong parking lot ng School na to.

Gamit ko ang kotse ko ngayon kasi sabi ng nila,lahat daw ng mga nagtuturo rito ay may kanya-kanyang sariling sasakyan.

Aba!papatalo pa ba naman ako.

Syempre ito ginagamit ko na ngayon ang bigay ni papa jack sakin na kotse.

Second-hand lang to pero mukha paring bago nong mabili ni papa jack sa kakilala nya.

Regalo nya sakin to pagkagraduate ko nong college.

Nung marating ko ang Parking lot nila rito.

Abat talagang totoo nga yung mga nagsisipasok sa teynga ko.

"Wow!"

Reak ko na halos pabulong habang nakatuon sa mga magagarang sasakyan na nakaparada dito.

Maya-maya lang may matabang gwardya na lumapit sa'kin.

"A..ma'am kayo po siguro yung inaasahang bisita ni Sir Adonnes...Don po kayo dumiretsu ma'am."Sabay turo ni Manung guard sa may isa pang daanan.

"Ayy..papano nyo po nalaman yon manong..ah eh..di bale nalang nga ..pero Salamat po sa tulong manong,ah..tayka manong sigurado po ba kayong my daanan pa don eh may parking lot naman po dito."Nag-aalangan kong tanong.

"Mam,seven years na po akong pabalik balik dito sa eskwelahang ito. Kabisado ko na lahat yung mga taong nagsisipasukan rito..kaya Mas mabuti pa sumunod nalang po kayo sakin."Saka naglakad si manong guard sumunod nalang rin ako habang binabagalan ko ang takbo ng kotse.

Ngayon nalagpasan ko na ang isang building kanina ngayon naman nasa harap uli ako ng tatlo pang buildings.

"Maam!maaari nyo na pong i-park ang kotse nyo dito."nakangising sabi ni manong guard sakin.

"Salamat Manong guard."nakangisi ko ring sagot saka ito tumango at tumalikod na sakin.

Bumaba na ako ng kotse bitbit lang ang mini sling bag ko.

Kinuha ko yung Phone ko don at saka isinilid yung susi ng kotse ko sa bag.

Maya-maya lang narinig ko ang bell hudyat ng pag sisilabasan ng mga Estudyate sa kanilang mga classrooms.

Ngayon ko lang din napuna na wala ni isang Estudyanteng naglalakad lakad sa paligid kanina.

Sa dati ko kasing School merong nagtatambay sa may mga benches, sa mga may bermudahan.

Pero dito sa School nato. Wow kakaiba lang.

At ayon nga!Umiingay na ang paligid ng building, isa-isang nagsibukasan ang mga nakasaradong pintuan ng buildings.

Napangite naman ako nung makita ko ang lahat na halos naka uniporme na kahit first day palang ng pasukan.

Aay.syanga pala nakalimutan kong itanung kay manong guard kung nasaan nga pala yung office ni Mr.Adonnes.

Tayka subukan kong magtanung tanung sa mga Estudyante rito.

"Hi!pwedeng magtanung?"pilit na pilit na ngite ko habang nagtatanung sa dalawang babaeng Estudyate na naka salubong ko.

meet Jade and JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon