(6) Im not Jade!

179 9 2
                                    


Jane's POV

Bahay

"O ayaaan, hindi na man na siguro makapal yan para sayo a!"sabay distansya sakin ni Becca saka ko tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

Mini-make-up-apan na kasi ako ngayon ni becca  para sa okasyong dadalohan ko mamaya.

Nakatanggap ulit ako ng text galing kay sir Adonnes.

Na kailangang nandodoon na ako before mag 8:30.

Mas lalo tuloy akng kinabahan.
Ilang bises narin akong pabalik-balik sa C.R dahil para akong naiihi at natata-e sa sa subrang kaba.

Pano ba kasi hindi sa first time kong umattend sa mga ganitong okasyon.

Pero .. Basta kinakabahan talaga ako e! Ewan! Bahala na nga!

Ilang oras na akong nakaharap sa salamin ng kwarto ko nong  pumasok
si becca.

"Sis ready ka na ba?" tanong nya sakin habang hindi umaalis sa may pintuan pero nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

Umiling lang ako saka lumunok.

"Tss.. Daig mo pa ang may gagawing presentation a! Sasayaw ka ba do'n a! Ayaw mo na ba kumain muna? "sya ulit.

"A-Anong oras na.."ako.

"Aba nama't anong silbi ng Guess watch mo jan hah! Alam mo tara na hatid ka na namin habang maaga pa. I'm sure kunti pa lang mga tao ron ngayon para di masyadong bumulabog yang kaba mo jan!"payo naman ni becca.

Mabilis ang oras kaya ang bilis rin ng byahe namin galing bahay papunta rito sa San Antonio.

Mabuti nalang at kailangan pang ipasok ang kotse namin para makapunta sa mismong lugar kung saan ginaganap ang okasyon ngayong gabi.

Pero agad akong nagtaka habang binabay-bay namin ang paaralan dahil parang ang tahimik naman ata.

"Nak parang wala namang tao a!" pagtataka narin ni Papa Jack.

"Baka naman hindi dito ginanap ang okasyon Sis!?"hinalang tugon ni becca.

Nagpalinga-linga muna ako bago sumagot.

"Eh saan naman sila ngayon?"tanong ko nalang din saka akmang bubuksan ang pinto ng kotse namin nong biglang tumili si Becca.

"Taykaaaaaa!!!"

Halos tumilapon ako pabalik sa loob ng kotse dahil sa biglang pag sulpot ng isang humaharorot na sasakyan.

"Abat gago yon a!"anang papa jack.

Maya-maya lang bigla nalang nagkaroon ng liwanag sa may gymnasium saka namin naririnig ang mga hiyawan ng mga tao roon kasabay nang nakakabinging tugtog.

Dahil napapikit ako sa gulat at sa bilis naring ng nangyari hibdi ko nakuhang makita kung anong itsura nong hunarorot na sasakyan.

"Pa dito nalang ako bababa." saka agad na pumanaog.

"Gusto mo samahan kita?"tanong pa ni becca na may pag-aalala dahil sa nangyari habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

"Okey na ako dito Sis..Pa salamat po sa paghatid ..ingat kayo sa pag-uwi.."paalam ko naman rito sa kanila.

"Tawagan mo agad ako anak pag kailangan mo nang umuwi ha!"dungaw din ni papa sa bintana.

"Mm"tango ko namang sagot saka kinawayan sila habang sinusundan ng mga mata ko ang paglabas nila sa gate.

Humugot ako ng isang malaking hininga saka nagsimulang humakbang patungo sa gym.

Ba't kaya ang tahimik kanina.

meet Jade and JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon