(7) Jade's Life!

252 14 2
                                    


Jade's POV

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip kong paulit-ulit nalang dumadalaw sa pagtulog ko.

Hindi naman sa araw-araw ko itong napapa-naginipan pero matagal-tagal narin yong gabing napanaginipan ko iyon.

Bata palang kasi ako lagi ko nang napapanaginipan ang isang batang babae na biglang tatawagin ako sa likuran ko.

Minsan nga nagpapalinga-linga nalang ako sa isang kadiliman dahil patuloy lang nyang sinasambit at tinatawag ang pangalan ko.

Minsang tinutukso ako ng mga kaklase ko nong elematary na isa akong baliw.

Dahil kahit sa gising kong mundo nakikita ko sya sa di kalayuan.

Ang batang babaeng iyon ay walang iba kundi--

Ang ate ko.

Niisa wala akong kaaway na hindi humaharap sa kanya, dahil sya ang soo much super hero ko.

At ako naman ang sooo much super fan nya.

Sooo much na mahal na mahal sya.

At sooo much na namimis na sya.

Napabangon ako saka nagpasyang bumaba patungong kusina.

Nagtimpla ako ng gatas para sakaling dalawin ulit ako ng antok dahil subrang aga pa naman.

Napa-upo muna ako sa dining area nang maisip ko ang nangyari kahapon.

Yong class adviser ko kasi, iba ang pakiramdam ko sa kanya.

Lalo na kung pano sya magsalita sakin.

Haaay! Wierd lang naman kasi,ewan!

Kasalanan kasi to ng mga eskwater sa dati kong eskwelahan.

Palibhasa isip eskwater! Kainis!

Bakit,kasalanan ko ba na mahirap sila at ako mayaman.

Mga inggitera kasi, kaya ayon pinatikim ko sa kanila yong mamahalin kong pagkain.

Tsss.

Oltimo pagkain pinapakialaman nila sakin.

At dahil nga mga isip eskwater silang lahat sama nyo pa principal nilang walang utak.Ito ako ngayon bumalik nanaman ako sa lugar kung saan ko pilit na lumalayo.

Ka bad trip!

Makikita ko na naman kasi yong taong unang nanakit sakin.

Yong taong minahal ko pero binabalewala ang nararamdaman ko.

Ipinangako ko na sa sarili ko na ayoko ko na syang makita.

Pero nong araw na pumasok ako sa eskwelahan.

nakita ko sya sa di kalayuan, biglang bumilis ang puso ko.

Sinundan ko sya dahil biglang lumakas ang loob kong kausapin sya at nang magkabatian na kami upang hindi na ako makakaramdam ng sakit sa dib-dib sa tuwing makikita ko sya araw-araw sa eskwelahan.

Pero maling-mali ako.

Dahil alam kong nakita nya ako non, alam kong tinitigan nya ako, pero nilampasan nya lang ako.

Akala ko ako ang lalapitan nya nong magtama ang mga mata namin pero iba pala ang tinititigan nya,iba ang nilapitan nya,hindi ako.

Lalo akong nasaktan.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nong araw na yon.

Ngunit wala ni patak ng luha ang bumagsak sa mga mata ko pero alam kong luhaan na ang puso ko non sa subrang sakit sa mga oras na yon.

meet Jade and JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon