(8) The pain and the reunion

135 7 0
                                    

Jane's POV

Habang nag e-speech sa gitna si Mrs. Steffie ako naman nag oorasyon na sana matapos na ang gabing to.

Tahimik lang akong nakatayo sa tabi ni Mrs.Steffie habang walang tigil sa pag bilis ng tibok ng puso ko sa subrang kaba.

Di-kasandalian nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tingin sa kabilang side ko.

Yung delivery boy slash  Math teacher ng School nato ang nakatingin sakin na para bang nagtataka. Naka-kunot ang nuo nyang nakatitig sakin. Para bang pilit akong kinikilala.

Sige ganyan nga gong-gong kilalanin mo ako!

Para matapos na ang karakter ko sa eksina dito ngayon.

Para malaman ng lahat na hindi ako yung Jade!

Pano ako napagkamalan, siguro nga kamukha ko ang anak ni Mrs Steffie.

Bale hindi ko pa kasi sya na meet na curios tuloy ako kung san banda kami magkamukha.

Tas hindi ko namalayan na tapos na sa pag e-speech si Mrs. Steffie at nagtaka akong makita ang mga taong nakitingin na lahat sa isang malaking puting board na sa pagkaka-alam ko ay may slide show na ganap gamit ang isang projector .

papalabas na yung mga ipapakita sa projector nong biglang magtilian ang mga tao dahil sa block-out. Pati ako nagulat dahil sa tiling nagulat ring si Miss Steffie na nakapisil pa sa braso ko.

Tayka pagkakataon ko na ito para makatakas.

Pero mamaya na pag binitawan na ako ni Miss Steffie.

Tamang-tama na ang mga plano ko sa pagtakas ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagsalita ni Miss Steffie.

"Nak wag mo akong iiwan ha."sabay halos sumiksik pa sya sakin ng todo.

Napansin ko ding palingon-lingon sya sa malayo.

Napanguso nalang akong tumango.

Sino ba kasi nilingon-lingon nya sa banda doon.

Para tuloy akong tangang hinahanap yung kung sino man yung parang iniiwasan nya.

Agad naman na nanliit ang mga mata ko nong mahagip ko ang isang lalaking hula ko ay kasing edad lang din ni Miss Steffie. Nakita kong papalapit sya saamin ..bakit kaya?

Nakita ko naman ang pag sipat ng mga mata ni miss Steffie sa taong yon. Nagkunot pa ang nuo ko nong makita ko ang pamumula ni Miss Steffie sabay iwas ng tingin doon sa lalaki. Abat lumalablayp din pala ang ampalayang to.

Pinipiligan kong matawa nong biglang nagliwanag na ulit ang paligid.

Kasabay nang paglapit nong lalaking pinamulahan ni Miss Steffie ng mukha.

Halos mabali na ang leeg ko sa katangkaran ng estranghirong nangingite pang nakaharap saamin ngayon.

Nagtaas pa ako ng Kilay nong tinitigan nya ako habang hindi tinatanggal ang kanyang mga ngite saakin.

Nilingon ko pa si Miss Steffie na nakita kong napabuntong hininga saka humalikipkip.

Kasunod non ang halos pagluwal ko ng mata dahil sa gulat dahil sa biglang pagyakap saakin nong lalaking nasa harapan namin ni Miss Steffie.

Gusto ko na sanang makawala sa higpit ng pagkakayakap nya ngunit agad na nag process ang utak ko dahil sa halos pabulong nyang sinabi saakin.

"Im sorry Baby,ngayon lang ako nakadalo sa birthday mo.Sana ngayon,makabawi ako."may panginginig na boses pang sabi nito sakin.

meet Jade and JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon