sapilitang dedication para kay r0na1990. Dahil sya daw ang gumawa ng cover. Tas gusto pa nya sya yung maging character. hahahahaTRICIA'S POV:
CHRISTMAS PARTY
Andito kami sa SMX sa Mall of Asia, Christmas Party ng Company namin. Kasama ko ang mga ka department ko sa table, Laboratoty Technician ako under kami ng Engineering Department.
Ako nga pala si TRICIA MARTINEZ, 5 yrs na ako nagtatrabaho sa company na to, hindi naman talaga ito ang pinangarap ko na trabaho, pero nawala lahat ng pangarap ko hindi pa man ako nagsisimula. Hay, pero sa tagal na nangyari yun kahit papaano ok na ako. sana nga.
"san tayo maya after party??" si Kenneth, pinakabago sa amin, ewan ko ba sa kanya, yung iba kasi na kasama ko na guy ilang talaga sa akin pero ang isang ito parang simula palang feeling close na.
"hindi ko alam, ask mo na lang sila" kadalasan kasi 10 pm tapos na yung party kaya kanya kanya ng gala, kanya kanya ng hanap ng bar na tatambayan.
"pero sasama ka?" ang kulit lang din talaga. Nag start kasi ako sa company super suplada ko talaga kaya nga hindi sila makalapit sa akin, pero parang defense mechanism ko lang yun, ayaw ko muna kasing makipaglapit sa kahit sinong lalaki, ayaw ko muna ulit magpakatanga, ayaw ko muna ulit masaktan.
"oo naman, gusto mo bang mabatukan ako nila pag hindi ako sumama?" after one year nakasundo ko din halos lahat sa kanila, si kenneth kasi 6 months pa lang sa amin. kaya hindi pa talaga ako ganun kakampante sa kanya pero sya parang walang katakot takot kung makipagclose sa akin. Kaya nga mas natatakot ako.
"TRICIA tara na wag na nating tapusin, mamaya ang dami na nating kasabay nyan paglabas" si anne, lab tech din sya. si Kenneth Labtech din yung ibang boys kasi mga Process Engineers, pero kasundo din namin.
"Tara na nga" tinalikuran ko na nga si kenneth, mas ok na yun kasi ayaw ko talagang mapalapit sa kanya, kasi may similarity sya ng ex-boyfriend ko, 5 yrs na din pero gang ngayon hindi ko pa magawang magmahal ulit.Oo nakalimutan ko na sya pero yung puso ko ang ayaw pa talagang magmahal tapos may dadating na makakapagpaalala sa kanya. Ang hirap naman T_T
BINABASA MO ANG
Board Exam Deal
Teen Fictionpano kung idinaan sa Deal para mapalapit sya sayo?? isusugal mo ba puso mo?? makakaya mo ba ulit lahat ng sakit?? Deal??