BED Scene 4

32.4K 510 91
                                    

TRICIA'S POV:

Tanghali na ako nagising matapos akong ihatid ni Kenneth, ang sakit ng ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero mas sumasakit ang ulo ko don sa sili na yon.

Ang sabi nya kagabi if galing daw sa akin ung "sili" na yun sya na ang magiging pinakamasayang lalaki. 

Kinuha ko cellphone ko, may application kasi ako ng periodic table sa cp. Sa natatandaan ko kagabi madadadaanan ko daw yun pag nag review kaya periodic table agad naisip ko.

"Si... silicon"

"Li.. lithium tapos??"

Parang baliw lang kinakausap ang sarili.

"atomic number ng silicon.. 14.. atomic number ng lithium.. 3... ay adik.."

"143!!!" 

Ewan pero hindi ko mapigilan na hindi ngumiti. Nakailang ulit ba naman nya sinabi  yung "SiLi" na word kagabi. Tas asar na asar pa ako eh akala ko "Silly".

Hindi ko maimagine yung sarili ko kung "i love you" mismo yung sinabi nya. Parang sobra

ng tagal na kasi na masabihan ng ganong salita, parang hindi ko na nga maalala yung pakiramdam. Pero ngayon na yun pala yung sinasabi nya kagabi, hindi mwala yung ngiti sa labi ko. 

Board Exam DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon