Present
Kaya naguguluhan ako, yung pangarap na matagal ko ng kinalimutan ibinabalik nya, kung tatanggihan ko naman yung pangarap na maranasan ulit ang mahalin ang ibibigay nya. Yung dalawang bagay na sabay na nawala sa akin 5 yrs ago. Sino ka ba kenneth? dadating ka lang sa buhay ko para ibalik lahat? pati ba yung sakit na akala ko nakalimutan ko na.
KENNETH'S POV:
Nasa labas ako ng Cr, hinihintay ko si Tricia, nauna ng umalis yung mga kasama namin, masyado atang matagal si Tricia sa loob nakalimutan na nya na may kasama sya. Ganun pa din ba ang epekto sa kanya? Ang gusto ko lang naman ibalik kung anong nararapat sa kanya, para pwede na sya mag apply na Process Engineer pag nakapasa sya, sayang ang talino nya.
Pag labas nya, kapansin pansin na namumula ang mata nya, imposibleng dahil sa alak yun, nasaktan ko ba sya sa dare na yun? kung pwede ko lang sanang bawiin.
"asan sila?"
"umalis na sila, hatid na lang kita, nakapagdecide ka na ba??" ayaw ko sanang itanong kaso wala akong choice.
"sige sabayan kitang kumuha" seryosong sabi nya, hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan, nakakatuwa na pumayag sya pero ibig sabihin ayaw nya akong maging boyfriend??
"Pero kung sakaling bumagsak ka, titigilan mo na ako, wag mo na lang pakialaman kung ilang taon akong hindi maka move on, problema ko na yun."
"kung babagsak ka din wala kang choice kundi pakasalan ako" seryosong sabi ko.
"ANO??!!"
"makareact naman to, alam mo ilang taon ka ng nagtiis papatagalin pa ba yun?"
BINABASA MO ANG
Board Exam Deal
Teen Fictionpano kung idinaan sa Deal para mapalapit sya sayo?? isusugal mo ba puso mo?? makakaya mo ba ulit lahat ng sakit?? Deal??