Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter 6: Will Be Right Here

32.4K 628 13
                                    

*****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*****

CHAPTER 6: WILL BE RIGHT HERE

*****

"YOU'RE CRAZY," wika ni Samara sa binata habang umiinom sa kanyang buko.

"And you're noisy," Blake chuckled. "You've told me the same words seconds ago," dagdag pa nito.

"Kasi naman!" Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Samara na ganoon na lang niya paalisin ang empleyado. Normal na sa kanyang makakita ng mga taong nasisisante sa trabaho pero hindi sa ganoong paraan. Her older brother, Ysiquel, is a CEO too pero never to that extreme . . . she thinks. Hindi rin naman niya nakikita ang kapatid na nagtanggal ng isang tao sa trabaho.

"Look, this is my property; therefore, I can do anything with it. Besides, what I did to the lady was reasonable enough. I do not like those kinds of pesky attitudes inside my company."

"Normal naman 'yon." Naawa kasi si Samara kahit papaano sa empleyadong nawalan ng trabaho.

"But I want everything to be perfect."

"Oo na! I lost na, Mr. Perfectionist!" tatawa-tawang usal ni Samara.

"Kain ka na. May pupuntahan pa tayo after."

Nasa labas sila ng isang café. Nakakita kasi si Samara ng isang magandang cake at gusto niya itong matikman agad-agad. Pumayag na lang si Blake. He never thought of babysitting his friend's broken-hearted sister but here he is, enjoying her company.

"Samara?" Napalingon ang dalaga sa pinagmulan ng isang pamilyar na boses.

"Dianne . . . " Isa sa mga kabarkada niya na kasama papunta sa Isla Perez. Napatayo siya at yumakap. Naglapitan din ang dalawa pa nitong kasama na sina Adam at Xymon.

"Oh, my God, we've been trying to call you since last night! Where have you been?!" nag-aalalang tanong ni Dianne sa dalaga. Pero wala sa hitsura nitong naghahanap siya ng nawawala dahil naka-ayos silang magbabarkada na mukhang mag-ba-bar.

"Si Cara?" Napansin ni Samara na hindi kasama ang dalaga.

"Natutulog. Masama ang pakiramdam."

"Saan ka ba nagpunta Samara?" Si Xymon naman ang sunod na nagtanong.

"Ah . . . D'yan lang sa tabi-tabi," sagot niya.

'Lame answer,' she thought.

"Pero dala ang mga gamit?" May mapanuring mga mata si Xymon. Nabalot ng kaba si Samara. Iniisip niya na maaaring kasama nila ang ex-boyfriend na si Ben. It could be a heated scene and might go out of hand. Hindi pa ito handa sa pagtataksil na ginawa sa kanya.

"Is it true?" This time, ang tahimik na si Adam ang nagtanong. All three of them stared at him.

"What is?" pagbabalik niyang tanong.

"Is it true na inakusahan mo sila Karen at Ben na may relasyon kaya ka umalis?"

"Ano? K-kanino nanggaling 'yan?"

"Sabi ni Karen sa amin. Kaya ka raw umalis nang biglaan ay dahil na-misinterpret mo ang nakita mo," saad ni Adam.

'Misinterpret?! That bitch.' Samara boiled and screamed inside her head... Ngumiti siya nang mapakla sa mga kaibigan. "I'm sorry but I think she fooled you all. Kasi ang totoo niyan, I saw her and Ben having sex and saying na ginagmait nila ako para makapasok sa kompanya ang pamilya ni Ben. But obviously, she's made a good story to you all."

"Seryoso ba 'yan?" tanong ni Dianne. "Parang hindi naman magagawa ni Karen ang sinasabi mo."

"Hindi nga ba? Hindi nga ba kayang ahasin nung babaeng 'yon ang lalaking mahal ko?!"

"You guys are best of friends. Karen wouldn't—"

"Exactly my point," pinutol ni Samara amg sinasabi ni Dianne. "Inahas ng sarili kong best friend ang boyfriend ko. Mali pala, e-ex-b-boyfriend." She struggled stating the last bit. Tumulo na ang luha ni Samara. All the pain she was trying to put aside resurfaced from her chest. Ang masakit na alaala ng kahapon ay bumuhos na muli sa kanya.

"Samara . . . " Napatindig ang buhok niya sa katawan mula sa boses sa likuran. She forgot that she was with Blake. And that deep voice regained her sanity. "Are you okay?" pabulong na tanong ng binata sa kanya.

Lumingon si Samara at ngumiti sa binata. Gamit ang kanyang mga kamay, pinunasan ni Blake ang mga mata ng dalaga.

"Sino siya, Samara?" sabay-sabay na tanong ng apat niyang kaibigan. All checking the mysterious guy and inspecting him from head to toe.

"Uhm, siya si Blake. I met him last night nung umalis ako sa hotel."

"Are you nuts? You tagged with a stranger?" ani Xymon.

"H-hindi siya completely stranger. Kaibigan siya ni Kuya Quel. Si kuya mismo tumawag sa kanya para sunduin ako kasi wala akong matuluyang hotel kagabi."

"I can't believe this. Hindi ko maintindihan kung sino ang nagsasabi ng totoo sa inyo ni Karen," may pagkaiyamot na sagot ni Dianne.

"Ayos lang. I'm not requesting any of you to believe me anyway. Alam kong si Karen ang paniniwalaan n'yo." May halong pait sa boses ni Samara.

"Hindi naman 'yon ang gustong iparating ni Dianne, Samara," tugon ni Adam.

"You know what guys . . . I've had enough already. Adam, pakisabi na lang sa magaling mong kaibigan na alam na ng kapatid ko ang plano niya kaya huwag na siyang aasang makapapasok ang pamilya nila sa kompanya namin. Tara na, Blake." Hinila ni Samara ang kamay ni Blake na ikinagulat nila.

Narinig niya ang pagtawag ng mga kaibigan mula sa likod pero hindi na niya ito nilingon pa. She was hurting again. Hindi nito mapigilan ang mga luhang umaapaw. Wala na rin itong pakialam kung may mga matang nanonood sa kanya.

Muli, paulit-ulit tinatanong ni Samara ang sarili kung bakit hindi siya lang? Bakit kailangang lokohin siya ng dalawang taong mahal niya? Bakit sila pa ang nanakit sa kanya? Kailan pa nagsimula ang panloloko nila?

Her mind was going blank again and it was annoying her senses. Para siyang batang umiiyak nang walang humpay. Si Blake naman ay tahimik na nakasunod. Nakahawak pa rin ang kamay ng dalaga sa kanyang pulsuhan at hinahayaan niya lang ito. Nakikita niya ang dating Blake na handang isakripisyo ang lahat para sa pag-ibig pero nabigo at binigo.

Narating nila ang tabi ng dagat na hindi gaanong matao ngayon dahil sa malamig na simoy na nanggagaling dito. Marahil naabisuhan na ang mga taong bubuhos muli ang ulan at bukas na rin ang ilang clubs.

Napatigil si Samara sa paglalakad dahil biglang tumigil si Blake sa likuran. Akmang lilingon siya pero hinila siya ni Blake papunta sa makisig nitong katawan at niyakap si Samara ng mahigpit. Laking gulat at pagtataka ni Samara sa inasal ng kasama.

"Blake?" Sinalubong ang ilong niya ng nakaaadik na pamango ni Blake.

"Iiyak mo lang 'yan, Samara. I'll always be here for you."

As if on cue, Samara cried, wrapping her arms around his muscular body. Mahigpit ang kapit niya habang humahagulgol. She felt protected in his arms. It wasn't the first time a guy hugged her, but it felt different altogether.

Si Blake naman ay hinahaplos haplos ang likod niya, making sure to let her know that he's true to his words . . . He'll be there for her.

*****

FNGT 2: One Night with the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon