Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 7: Assurance

32.8K 624 23
                                    

*****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*****

CHAPTER 7: ASSURANCE

*****

IKATLONG ARAW na nina Blake at Samara na magkasama. Sa unang pagkakataon, Samara felt more alive than ever.

A world away from all the problems and troubles in her life. Kahit na kaunting sandalling maranasan niya na may sarili siyang mundo ay masaya na ito.

"Tara roon!" Pagtuturo ni Samara sa jet ski. Hinawakan niya si Blake sa kamay at hinila para magmadali. May pila kasi ang mga gustong gumamit.

Natatawa naman si Blake sa inaasal ng dalaga. Parang bata ito na first time makapunta sa dagat na maraming rides.

Kagagaling lang nila sa arcade ng isla. Parang nag-ba-back in time sila sa kanilang pagkabata. They did dance revo, gun-type games, racing games, hoop shots and so much more.

"Calm down, Samara. Alam mong hindi natin kailangang magmadali."

"Pero . . ."

"Don't worry about the line. Ako ang bahala." Naglakad na sila pareho at ngayon, si Blake na ang may hawak sa kamay ni Samara. Ngayon lang ito napagtanto ni Samara.

Her heart started to race, and her cheeks burned. At sigurado siyang hindi lang iyon gawa ng panahon. Pulos mga magkasintahan ang tao sa paligid at hindi ito nakatulong sa sitwasyon. Nako-conscious si Samara sa paligid niya at nababahala na baka ayaw ni Blake sa mga ginagawa nila pero ni minsan ay hindi nagreklamo ang binata.

"Wow, ang gwapo naman niya!" Malinaw na rinig ni Samara mula sa isang kumpol ng mga kababaihang pulos nakasuot ng mapang-akit na mga bikini. Samantalang siya ay naka-two-piece pero nasa ilalim ng off-shoulder beige dress niya.

"Oo nga!"

"Mukhang modelo!" They were right. Blake had all the looks to be a professional model more than Samara, who was starting in the field.

"Tara magpa-picture!"

"Kaso may kasama siyang babae."

"Nakaiinis naman! Boyfie ko na sana!" Natawa si Samara sa kanyang isipan. Napatingin si Blake sa kanya pero nginitian lang siya ng dalaga.

Masyadong mababaw ang pananaw ng kumpulan ng mga dilag pero nakatutuwa. They have good standards, but they lean on physical appearances. But what they exhibited was the fact that "mata ang unang nagmamahal at nakakikita." Isang bagay na madalas pairalin ng henerasyon. Samara shook her head. She was indeed in the same boat. She fell for Ben's appearance and attitude not knowing what she was in for.

Nakarinig na muli si Samara ng mga ganoong bulungan. At sa tuwing titingin siya sa pinagmulan niyon, it would be a bunch of girls in flirtatious swimsuits...All of their eyes were locked on Blake who seemed not to even give a little care about it.

FNGT 2: One Night with the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon