*****
CHAPTER 15: SCANDALS AND SECRETS
*****
"SAMARA..."
There goes that deep voice again calling her. Pakiramdam ni Samara ay lumulutang siya sa alapaap. Umuugoy ang kanyang katawan at nakaririnig siya ng pagtibok ng puso at malapit ito sa kanyang tainga.
Dahan-dahan si Blake sa paglalakad pataas ng hagdanan para maihiga si Samara sa kama. Nakatulog ang dalaga dahil sa matinding pag-aalala sa mga nangyari pag-alis nila ng resort.
Inilandas ni Blake ang kanyang daliri sa malambot na labi ng dalaga. Nag-re-replay din sa isip niya ang unang beses na nagpalitan sila ng mapupusok na halik. Samara's lips were very inviting, but he forced himself not to.
Samara is the forbidden fruit he is trying to resist or even dare pluck from the tree. As one bite will make him want to eat more of her. Something he refuses to do though the hunger of the beast in him craves for her touch and warmth.
Nagising si Samara dahil sa paghaplos ng binata sa kanyang pisngi pero pinigilan niyang magmulat ng mga mata. Hindi niya maintindihan ngunit masarap sa pakiramdam niya ang malaking kamay ni Blake.
Tumunog ang cellphone ni Blake kaya't lumabas na siya ng silid. Gaya ng iniisip niya, ang kapatid ng dalaga nga ang tumatawag. Bumangon siya at umupo nang maayos. Nasa isang modernong black and white na silid tulugan siya. It does reek of Blake's manly scent her nose could perfectly smell.
"What the hell is going on, Perez?" bungad ni Ysiquel kay Blake.
"Calm down, Fuentes," usal ni Blake sa kaibigan.
"Calm down?! Where is my sister?" Hindi maikubli ni Ysiquel ang galit at inis nito sa kaibigan. To see news after news about her sister linked with him was out of the question.
"She's with me right now. She's sleeping."
"You did not just sleep with her!"
"Fuck no!" But how he wished he could touch her.
"Good. Well, you've got to fix this. It's not just her image nor our family but yours too. Your pictures are everywhere. I could pick her up but I have an appointment for my kids. You sort this shit out."
"Alam ko, Fuentes. Sa palagay mo, ginusto ko ang nangyari?" That tone alarmed Samara. Kung ano man ang pinag-uusapan nila ng kanyang kapatud ay siguradong seryoso para magkasagutan sila nang ganoon. "Tatawagan na lang kita mamaya. May aasikasuhin pa 'ko." Nagpaalam na ito sa kausap.
Pumasok na si Blake sa kanyang kwarto at nakitang nakaupo si Samara at nakatingin sa kanya.
"Anong sabi ni kuya? Pupunta ba siya rito?" Blake noticed the uneasiness in her.
BINABASA MO ANG
FNGT 2: One Night with the Billionaire
RomansaSamara's world crashes down upon catching her best friend and boyfriend in an affair. As she seeks refuge to mend her broken heart, a certain Blake Perez comes to her rescue. But with the fear of getting hurt again, can she open up to this mysteriou...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte